Anomaly (Part 9-Hindi Mapawing Uhaw)

0 25
Avatar for baoxian23
3 years ago

"What!? Dugo...? Kaya ka ba umalis?" Gulat na tanong ni Franco. Hindi ako sumagot bagkos patuloy na umiyak sa balikat niya. "Yanna...?" Patuloy niyang pagtatanong.

"Anong mali kung gusto n'yang uminom ng dugo?" Nagtatakang tanong ni Miss Hanni.

"Kasi-" tumigil si Franco na hindi maipaliwanag ang totoong nangyayari. Sa likod ng uhaw na nararamdaman ko.

"Ibalik niyo na siya sa esk'welahan. Magmadali kayo." Utos ng matanda kina Franco at Miss Hanni, at hindi na niya ito kailangan pang ulitin, mahigpit akong iniangat ni Franco sa mga bisig niya at walang kung anu-ano nang may umihip na hangin at siya namang paglapag namin sa sahig, sa labasan ng eskuwelahan.

"Alam mo bang madedehado tayo nito sa mga ginagawa natin? Pagtakbo nang lagpas sa metro? Ang paglabas mo ng walang paalam? Frankfort not again. P'wede ba?"

"Ate, please not now," mahinang sambit ni Franco, dama ko ang takot na nararamdaman niya.

"They are with me," sabi ni Miss Hanni sa mga guwardiyang pumigil sa amin sa pagpasok sa eskuwelahan. Ang mga guwardiyang mismong nagpalabas sa aming dalawa.

"Kailangan pa rin ho namin kayong kuhanan ng dugo." Pagsambit ng guwardiya sa salitang dugo ay agad akong nanginig, ibinaon ko ang mga kuko ko sa dibdib ni Franco. Lalo akong kinakain ng uhaw ko.

"Kaya mo bang tumayo?" Mahinang bulong ni Franco at buong lakas akong tumango. Maingat niya akong ibinaba sa semento, inalalayan ako ng mga kamay niya nang makitang nanginginig pa rin ang mga tuhod ko na parang matutumba.

Itinaas ko ang kamay ko para makunan ng dugo, kumislot ang mukha ko sa itsura nito pagkapatak sa aparato. Bigla nalang akong nanghinang muli, buti nalang at agad akong nasalo ni Franko bago pa kami magdikit ng matigas na kalsada.

"Inaasahan kong sa atin lang ito at hindi na makakarating pa sa iba. Alam niyo naman sigurong matatagalan kayo ng trabaho."

"Opo, Ginang Dumlao."

At dali-dali na ang pagpasok namin. Makaraan ang ilang segundo, isang malakas na pag-sara ng pintuan ang umalingawngaw sa aking tainga.

"Mister Monteverde? Hindi ka ba naturuang kumatok ng mga magulang mo?" Ang pagsalubong na bati ng prinsipal, ngunit natigilan ito nang makita ako. "Anong nangyari kay Miss Carlos?" Nag-aalala itong lumapit sa akin ngunit inilayo ako ni Franco dito.

"Don't," babala ni Franco. Lumayo ang prinsipal at bumalik sa pagkaka-upo sa likod ng lamesa niya.

"Heto na." Sabay nang pagbukas-sara ng pintuan ang boses ni Miss Hanni pati na rin ang pagbaba sa akin ni Franco sa isang upuan at ang pagpasok ng mabangong amoy ng dugo sa ilong ko. Agad kong kinuha ang boteng inilapit ni Franco sa bibig ko at inubos ang laman nito sa isang lagukan. Napatid ang uhaw na kanina pa ako nilalamon, ang lakas ko ay unti-unting na ring bumabalik.

"That is..." Matalim na tumitig si Franco sa prinsipal. "Sabihin mo nga TANDA ano ba'ng nangyayari sa kan'ya!? Tell me or I will force you! DAMMIT!" Sumunggab si Franko sa prinsipal, galit nitong itinaas sa kuwelyo ng damit ang lalaki. Hindi natakot ang prinsipal sa mga banta ni Franco, ngumiti lang ito, bumaling sa gawi ko at binigyan ako ng isang tango

"Franco!? Ano ba'tong ginagawa mo. Ano ba kasing mali sa pag-inom ng kasintahan mo ng dugo?" Agad pumagitna si Miss Hanni sa dalawang lalaki, buong lakas nitong inilayo si Franco sa prinsipal.

"Enough, Franco...okay na 'ko." Lumunok ako at pinunasan ang dugong naiwan sa bibig ko. Lumapit ito sa akin, kinakalma ang sarili pero halata pa rin ang galit sa kaniyang mukha.

"Franko!?" Turan ni Miss Hanni sa kagustuhang may sumagot sa mga tanong niya.

"It's because I'm a werewolf not a vampire." Ako na mismo ang naglakas loob na nagsabi ng katotohanan.

"What? Ibig sabihin ba nito?"

"Yes." Maikling sagot ng prinsipal sa 'di maintindihang tanong ni Miss Hanni. Agad bumaling sa akin ang aming guro, ang mga mata niya nangungusap na parang may gustong sabihin.

"Anong oo ang ibig mong sabihin? Fuck it don't talk in riddles!" Baling ni Franco sa prinsipal na nakatingin pa rin sa mukha ko.

"Tatawagan ko ang konseho...sa ngayon umuwi na muna kayo," sabi ng prinsipal, imbis na sagutin ang tanong ni Franco.

"No! Hindi ako aalis dito hangga't 'di mo'ko binibigyan ng sagot! Don't leave us hanging at the end of the rope! Nakakasampu ka na Tanda, Ah!" Umuusok sa galit si Franco.

"Franco? Please? Your emotions are all over the place. Control it." Hinila ko ang kamay niya at pinigilan ito sa muling pagsunggab sa prinsipal.

"You are an emphat." Tumango ako sa direksyon ni Miss Hanni at ngumiti.

"See? Walang magagawa ang galit mo Frnco. Listen to her...pagod kayong dalawa. In the meantime magpapadala ako ng supply ng dugo sa bahay n'yo."

"Fine," matipid na sagot ni Franco. Tahimik kaming umalis palabas ng opisina ng prinsipal.

"Wait lang," Ang sabi ko kay Franco, pagkababa namin ng hagdan, nang maalala kong may nakalimutan akong itanong sa prinsipal. Bumalik ako at akmang bubuksan ang pintuan ng opisina.

"Does that mean that she's the..." hindi ko tuluyang narinig ang pinag-uusapan ng guro ko at ng prinsipal dahil biglang dumating si Anna. Ngumiti ako dito at tumango para umalis.

Nangangati ang buong katawan ko habang pabalik sa labas kung nasaan si Franco, gusto kong bumalik sa opisina ng prinsipal para tanungin ito; para puwersahing sagutin kung ano ba talaga ang tinatago nito sa akin, sa amin. Bakit hanggang ngayon nangangapa pa rin kami sa dilim ni Franco. Gaano katagal ba ako maghihintay ng kasugatan. Hindi ko rin ba maririnig ang boses ng mga magulang ko tungkol dito. Puro tanong na walang kasagutan. Nakakapagod na kasi.

"Naitanong mo ba?" Bungad sa akin ni Franco pagkabalik ko sa tabi niya. Umiling ako at hinila ko nalang siya patungo sa kalsada para maiwasan pa ang pagtatanong niya at makauwi na kami.

Pagkarating sa bahay agad akong binigyan nito ng dugo. I don't know how to explain, how blood taste because it's as if I'm not tasting blood but a high class wine. Matamis na siyang nakakawala ng katinuan. Very addicting.

"Saan mo nakuha 'yan?" Tanong niya sa hawak kong libro.

"Do'n sa matanda, sa tindahan ng libro. Hindi ko naman namalayang nabitbit ko pala. It is a nice story."

"Tungkol saan?"

"Uhm...Hindi ko alam 'yung title, but...it's about a girl named Alisya and a rabbit."

"That's a famous folklore, totoo nga daw ang k'wentong 'yan, e."

"Really...?"

Tumango naman si Franko. Kung totoo ang kuwento, nakakalungkot namang isiping nagawa ng mga tao 'yun. "Want more?" Itinaas ni Franco ang isa pang bote ng dugo.

Umiling ako, "Nah, I'm full. It's weird."

"Yeah, it is. Open your mouth?" Utos niya.

"Bakit? Ayaw ko nga," mariin kong sabi. Ibinaba ko ang hawak-hawak na bote ng dugo sa lamesita sa tabi ko tapos inialis ang kamay niyang naka-akbay sa akin at tinakpan ko ng throw pillow ang mukha ko na galing sa inuupuan naming sofa, pilit pinipigilan ito sa gustong gawin.

"May titignan lang ako," pagpapaliwanag niya, inialis nito ang unan sa mukha ko at hinawakan ang baba ko para pilitin akong tumingin sa kaniya, "Please?" Pakiusap nito habang pinupunasan ng hinlalaki niya ang gilid ng bibig ko. Napalunok ako at titig sa mga labing napakurba pataas sa direks'yon ko. Dammit. Bakit ba kasi nawawala ako sa katinuan tuwing nagkakadikit kami, para akong yelong natutunaw. Hay. Pumikit ako at marahang ibinuka ang bibig.

"I thought so." Sabi niya maraang tignan ang loob ng bunganga ko, na mayroon pang kinapa sa loob. Nang maalis ang daliri, agad kong isinarado ito at nagtatakang tumingin sa kaniyang mata.

"Ano ba'ng tiningnan mo?"

"May pangil ka na." Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

"Lahat naman meron no'n, 'di ba?"

"No, not that one. Pangil, 'yung pangil ng bampira. Tell me Yanna, hindi ka kaya ampon?" Tanong niya na may alinlangan sa boses, takot na siguro baka masaktan ako.

Umiling ako, "Inisip ko rin naman 'yan nu'ng bata pa 'ko, hanggang nagayon, siguro...Pero kasi...I don't think my dad is capable of such thing, taking strays in his house? No, it cannot be." Gusto kong paniwalaan ang sarili kong salita, na hindi nga ako ampon. Pero sa lahat ng mga nangyayari, hindi 'yun malayo sa katotohanan. Ayaw ko lang isiping lumaki ako sa pamilyang hindi ko ka-anu-ano, na 'yun ang dahilan kung bakit ayaw sa akin ng ama ko. Kaya nga lang, magsinungaling man ako sa sarili ko, sila pa rin ang tinuturing at ituturing kong pamilya kahit ano pa man ang mangyari.

"Hindi ka ba natatakot?" Tanong ni Franco.

"Sobra, minsan nga naiisip kong bumitaw na. But, when you're within my grasp and just holding me, napagtatanto ko bakit ko kailangang matakot? Gayong and'yan ka sa tabi ko. Alam kong hinding-hindi mo ko pababayaan, na gagawin mo ang lahat para maging ligtas ako." Kinuha ko ang kamay niya, pinisil ko ito at inilagay sa pisngi ko.

"Malalagpasan natin 'to, okay? Tiwala lang." Ngumiti ako at niyakap siya. Kahit kailan hindi ko naisip na magtitiwala ako sa isang taong hindi ko naman lubusang kilala, may bagay siguro talagang hindi natin masasabing mangyayari. Minsan magugulat ka nalang talaga.

Author's Notes: I'm sorry if there's a lot of grammatical error in my Filipino writings they aren't proof read yet hoho...

And if you like this here's the link to the previous chapter: https://read.cash/@baoxian23/anomaly-part-8-ang-kwento-ni-alisya-at-ng-kanyang-kuneho-8d90c3b6

2
$ 0.22
$ 0.19 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Hanzell
Sponsors of baoxian23
empty
empty
empty
Avatar for baoxian23
3 years ago

Comments