May mali sa akin at hindi ko malaman kung ano. "Naiihi ako!" Bigla kong banggit; sakto namang tumigil ang sinasakyan namin. Dali-dali akong lumabas at naglakad para humanap ng banyo na agad kong nakita dahil nasa malapit lang ito.
Wait!" Pigil ni Franco na humawak sa kamay ko, "Are you okay?"
Tumango ako na hindi ito tinitingnan, hinila ko palayo ang kamay ko at pumasok sa banyo. Kailangan ko munang mapag-isa, kahit saglit lang.
"What the fuck!?" Sigaw ko sa sariling repleksyon sa salamin. May selyo ang lahat ng banyo kaya alam kong 'di ako maririnig ni Franco. "What is happening to you Celestine!? Would you get a grip?" Tinitigan kong "maiigi ang repleks'yon ko. Alam kong may nag-iba sa akin pero, wala akong makitang sagot sa itsura ko. Ganoon pa rin naman, walang pinagbago: mahabang itim na buhok, dalawang malaking mata at balat kong kasing puti ng bangkay. Iniisip kong baka may makuha akong sagot sa mga katanungan ko ngunit wala, talagang nasa loob ko ang problema. Baka nasisiraan na ako ng bait.
Nang hinalikan ako ni Franco kanina, nalasahan ko 'yung dugong ininom niya at bigla na lang may parang nagsisigaw sa loob ko at sinasabing: Dugo! Dugo! Gusto ko pa ng dugo! May halimaw na biglang nagising sa loob ng katawan ko na gustong kumawala.
Binasa ko ang mukha ko mula sa gripo sa harapan at pumikit, pilit na inaalis ang kakaibang nararamdam. Hindi maaring maging mas malala pa 'yung mga nangyayari, masyado nang magulo at hindi na ito maabot ng utak ko.
Woosh. Isang batang babae ang pumasok, agad akong tumingin sa kaniya at sa matayog nitong ugat sa leeg. Napalunok ako ng laway, wala akong ibang gustong gawin kung hindi sunggaban 'to. Iniwas ko ang mata ko, mabilis akong pumasok sa cubicle at isinara ang pinto. Pigil na pigil ako sa sarili na nakadantay pa rin ang mga kamay sa pintuan para iwasang buksan ito. Kahit na nakaalis na ang babae ay hindi ko pa rin magawang iapak ang mga paa ko palabas ng cubicle.
Huminga ako nang malalim hanggang sa abot nang makakaya ko at nagbilang sa isip ko.
Isa.Dalawa.Tatlo.Apat.Lima... Unti-unting nawala ang lasa sa bibig ko kasabay nang paglamlam ng kagustuhan kong tumikim ng dugo.
Nagawang kong lumabas ng cubicle. Tumingin ako sa kanan at kaliwa, pabalik-balik. Hindi ko na mabilang kung ilang beses, hindi ko kasi maalala kung saang pinto ako pumasok. Nagbuntong hininga ako at humakbang pakaliwa; bahala na parehas lang rin naman siguro ang lalabasan ko.
Tumambad sa akin ang isang tindahan ng mga libro. Nabigla ako at napatalikod agad. Walang pintuan, kung hindi isang matigas na pader ang humarap sa akin. Shit! Pinanganak ba talaga akong malas? Did I just come out in a one way portal? Sino namang tanga ang gagawa ng gano'ng bagay? Ugh! Ano na ang gagawin ko?
Nasaan na ba ako, hindi ko makita 'yung mataas na tsubibo mula sa kinaroroonan ko. Baka mag-alala sa akin si Franco. Kailangan ko makabalik agad. Tumawid ako sa kalsada at pumasok sa tindahan ng libro. Walang tao sa loob, tahimik at medyo nakakatakot ang dating. Kulang ang ilaw dito, madilim kaya hidi ko rin makita ang kabuuan nito, maliban sa mga nakakalat na libro.
"Tao po!?" Sigaw ko habang patuloy ang pagmamasid.
Ugh.
Napatid ako at napadapa sa sahig. Isang libro ang ngayon ay nakahandusay sa harapan, marahil ang dahilan nang pagkapatid ko. Kinuha ko ito at dahan-dahang tumayo, maingat na 'di matumba ang mga patong-patong na libro sa tabi ko. Walang nakasulat na pamagat sa labas ng libro at nang buklatin ko naman ay sa ibang lenggwahe ito nakasulat.
"Magandang libro 'yan," turan ng isang boses.
Lumingon ako sa pinanggalingan nito. Isang matandang lalaki na may mahabang puting balbas at kahoy na tungkod ang naglalakad papalapit sa akin.
"Magugustuhan mo 'yan," dagdag pa nito.
"Tungkol po 'to sa'n? Hindi ko rin naman po maintindihan," sabi ko, inilalahad ang libro sa gawi nito.
"Gusto mo bang ik'wento ko?" Tanong nito.
Hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa kokote ko at napa-oo ako rito.
"Halika," yaya ng matanda. Lumakad ito at nagsindi ng kandila sa isang lamesita. Tahimik akong sumunod at naupo sa tabi niya.
"Ang librong 'yan ay tungkol kay Alisya at sa kan'yang alagang kuneho. Kung 'yong titignan, si Alisya ay isang normal na batang babae; may mahabang buhok at maamong mukha na kinigigiliwan ng lahat. Ngunit 'di lang 'yun ang ikinatutuwa sa kan'ya ng mga tao sa kanilang baryo, dahil si Alisya, normal man sa paningin ay may kakayahang tuparin ang lahat ng kahilingan ng iyong puso. B'wan b'wan ay may isa sa kanilang baryo ang binibigyang katuparan ang kahilingan ni Alisya. Walang batas sa kung ano man ang gusto mong hilingin: kayamanan, kagandahan, kapangyarihan o kamatayan man, lahat ito'y matutupad. Ngunit isang beses ka lang maaring humiling sa buhay mo. Sang-ayon dito ang mga taga-baryo at mapayapa silang namuhay, masaya...hanggang sa lahat na ng tao sa baryo ay nagawa nang makahiling. Nagmakaawa sila kay Alisya na magbigay pa ng isang hiling sa bawat isang taga-baryo, ngunit hindi pumayag ang malahiganteng konehong nagbabantay kay Alisya. Ayon dito, ang kasunduan ay kusunduan at 'di ito maaring putulin. Dahil sa nangyari nagalit ang mga taga-baryo at nagsagawa sila ng plano." Huminto ang matanda para uminom sa maliit na kupita sa harap nito, inabutan niya ako ng akin ngunit umiling ako. May kakaiba sa boses nito, gugustuhin mong pagkinggan ito buong araw, parang musikang nakakaakit. Nagpatuloy ito, "Isang gabing nahihimbing na ang lahat ay may isang batang lalaki ang pumuslit sa loob ng bahay nila Alisya at nilagyan ng lason ang pagkain ng higanteng koneho. Kinabukasan hindi maihi sa pag-aantay ang mga taga-baryo na malaman kung nagtagumpay ba ang plano nila kaya naman nang pumatak ang hapunan sama-sama silang lahat na bumisita sa bahay ng bata. Laking gulat nilang nakita ang malamig na bangkay ng kuneho at ng batang si Alisya." Huminto muli ang matanda para uminom ng tsaa habang nakatingin sa akin, binabasa ang reaksyon ko.
Hindi ko makuhang piggilan ang dila ko at nagtanong ako, "Bakit pareho po silang namatay, kumain din ba s'ya ng pagkain ng kuneho?"
Umiling ang matanda, "Hindi. Lingid sa kaalaman ng mga taga-baryo na ang kuneho at si Alisya ay iisa, na ang kuneho ay ang puso ng bata. Minsan gumagawa tayo ng mga bagay na sa huli pagsisisihan natin, minsan nabubulag tayo nang pagiging gahaman."
Napatigil ako at 'di ko magawang ialis ang tingin sa librong hanggang ngayon ay hawak-hawak ko pa rin. May mga kamay na unti-unting pumupunit sa puso ko. Paano nila nagawa ang ganoong bagay? Talaga bang ganoon kahalaga ang isang kahilingan para pumatay sila.
"Hindi ka taga rito?" Tanong ng matanda.
Tumango ako, "Pa'no n'yo ho nalaman?"
"Galing ka ba sa pader?" Tanong niya muli imbis na sagutin ako kaya tumango na lang ulit ako.
"Mapapansin mo naman sigurong walang mas'yadong dumadaang tao dito. Malapit na sa wala. Matagal na panahon na rin, isang matalik kong kaibigan, isang mangkukulam ang naglagay ng oras'yon sa iba't ibang pintuan sa buong isla na maglalabas sa'yo sa pader na pinanggalingan mo. Nu'ng una ay maraming taga-isla ang naliligaw dito pero nang lumipas ang mga panahon naging mga dayo na lang ang naliligaw. Kagaya mo." Muli itong uminom ng tsaa, maiiging nakatitig sa akin. "Nakasuot ka ng uniporme ng San Jaoquin."
Nagulat ako. Alam niya ang tungkol sa eskuwelahan. "Nakikita n'yo po?"
"Oo. Matagal na rin nang huli akong bumisita roon. Dati akong guro."
"Isa po kayong, engkanto?" Sa itsura ng matanda ay malamang daan-daang taon na ito.
"Tama, ikaw ijah? Mahirap kang basahin."
"A...pa'no ho kaya ako makakabalik doon sa may perya? Hindi ko kasi makita dito 'yung tsubibo, kahit pa sa taas noon," liko ko ng usapan, hindi ko pup'wedeng sabihin sa kaniya ang totoo, mahirap namang magsinungaling sa kagaya niya.
"Nako malayo-layo pala ang pinanggalingan mo. Diretsuhin mo lang ang daan na 'yan at may iilan-ilang sasakyang dumadaan d'yan." Tumuro siya sa labas sa kalsadang tinawiran ko.
"Ga'no ho katagal kung lalakarin ko?" Tanong ko dahil sa tagal kong nakaupo sa harap ng bintana ay wala pang dumaang sasakyan.
"Mahigit sampung oras ijah."
"Ho?"
"Nasa padulo ka na kasi ng isla. Kung maglalakad ka, mas maganda na kung magpapa-umaga ka dito."
"Naku! Gustuhin ko man po, hindi puwede..." Hindi ako makaisip ng maidadahilan dito.
"Tumakas ka lang? Hindi pinapayagan ang basta-basta paglabas sa San Jaoquin."
"A...kasi--"
Tumayo ang matanda at naglakad sa isang gilid para lagyan muli ng tubig ang kaniyang takore, "Si Simon pa rin ba ang prinsipal doon? Maluwag talaga ang batang iyon."
"Ahh!" Napasigaw ako.
"Anong problema?" Hindi ko nagawang sagutin ang matanda. Sumasakit ang dibdib ko, nararamdaman ko na ang hirap ng pagkakalayo ko kay Franco. Dahan-dahang nauubos ang hangin sa paligid. Halos malaglag ako sa kinauupuan sa sakit. Lahat ng parte ng katawan ko ay parang papel na napupunit. Kinusot ko ang mga mata ko-- naninilim ang paningin ko at parang may hamog na nakapalibot sa lahat-- lalo lang sumakit ang mga ito.
Marahan akong nilapitan ng matandaan, bumubulong ng enkantasyon sa hangin. Walang magawa ang mga ito para maibsan ang sakit. Habang tumatagal lalo lang akong nahihirapan. Habang lumilipas ang minutong wala sa tabi ko si Franco, unti-unting nauupos ang kandila.
"Yanna!" Narinig ko ang boses ni Franco kasabay ng pagbukas-sara ng pintuan ng tindahan. Hindi ako lumingon, wala akong lakas para kumilos.
"Tell you. Dapat kasi nakikinig ka sa mga nakakantanda sa'yo!" Sigaw ng boses ng isang babae.
"Henrietta not now okay?" Binuhat at niyakap ako ni Franco, nabawasan ang sakit pero hindi lahat ay napawi.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayong galangin mo 'ko? I'm your sister for effing sake!"
"Are you okay?" Imbis na sagutin si Miss Hanni ay sa akin bumaling ng atensyon si Franco. Hinawakan niya ang baba ko at tinuon sa direksyon niya. The moment I got a look of his eyes I flinch, the overpowering thirst bites in again.
DUGO! GUSTO KO NG DUGO! DUGO! Malakas na sigaw ng utak ko. Humikbi ako at umiyak.
"What's wrong baby? Tell me." Pagsusuyo ni Franco.
"I think I need to drink blood Franco," mahina kong bulong.
Author's Note: it's another shitty day so sorry for the mia yesterday.