Anomaly (Part 7- Ang Pagbisita sa Labas ng Bakod)

0 23
Avatar for baoxian23
3 years ago

"Sa'n tayo pupunta...?" Nagtataka kong tanong, lumalayo na kami sa direksyon ng academic building. Saan niya ba balak pumunta? Nakikinitaan ko na, na may mangyayaring hindi maganda.

"Para kang bato. Too stiff, we are going to unwind!" Patuloy ito sa paghila sa kamay ko. Walang balak na huminto.

"Franco!" Inagaw ko ang kamay ko pabalik sa akin. Sapilitan ko siyang pinahinto. "Unwind? Where? I think it is not a good idea." Niyakap ko ang sarili ko, nagmamatigas na pumayag sa gusto niya.

"Loosen up a bit. Pupunta tayo ng bayan!" Walang anu-ano nang buhatin ako ni Franco at mabilis na tumakbo.
Huminto siya sa likod ng isang matabang puno-- malapit sa isa sa likurang labasan ng eskuwelahan-- at marahan akong binaba. Seryoso ba siya sa pagpunta sa Bayan? Iniisip niya rin ba ang dumaan mismo sa gate? Ano 'yun sasabihin niya lang na lalabas siya at hahayaan na siya ng mga guwardiya? Nababaliw na yata siya. Danger is fun but I cannot afford to end up in another kind of cell, the last time I over enjoyed I end up with lost memory and a hell lot of headache.

"Franco let's go back. Hindi talaga 'to magandang ideya, baka mahuli tayo." Pilit kong pagmamakaawa sa kaniya na walang pinatutunguhan dahil mukhang desidido na siya sa gusto niyang gawin, "Anong balak mo? Basta-basta nalang lumabas sa gate?" Pilit ko siyang hinihila para pigilan ang balak niya pero imbis na siya ang mahila ko, ako ang nahihila niya.

Bigla siyang tumigil, tumingin sa akin at tumango, "Yup! 'Yun nga ang balak ko!"

"What!?" Hindi na 'ko nakapagreak pa dahil tuluyan na akong hinila ni Franco papunta sa labasan na para bang normal lang ang gagawin niya at hindi pinagbabawal ng mga tao ng eskuwelahan. Patuloy kami hanggang sa harap-harapan na kami sa tatlong guwardiya.

"Franco!" Mariin kong pilit habang hinihila ang braso niya.

"Sa'n ho kayo pupunta? Hindi po kayo maaring lumabas-" Tumigil ang guwardiya sa pagsasalita dahil sa kamay na itinaas ni Franco.

"Lalabas kami." Nakatitig niyang sinabi sa guwardiya at bigla nalang parang may manipis na ulap ang pumalibot sa mga mata nito at nag-iba ang tingin sa amin. Pamilyar ang eksena pero hindi ko maalala kung saan ko ito nakita. Isina-walang bahala ko na lang ito.

"Masusunod ho." Nagulat ako sa sambit ng guwardiya, walang imik itong tumalikod mula sa amin. Tumitig naman sa dalawa pang guwardiya si Franco at katulad nang nauna, ganoon din ang nangyari sa mga ito; parang mga lasing na nawala sa sarili.

Patuloy kaming naglakad at nang tuluyang makalabas, agad kong hinila ang braso niya para pilitin siyang tingnan ako sa mukha, "What you just did with those guards?" Tanong ko kahit na alam ko na 'yung sagot.

"I used my power to them so they would let us out," paliwanag nito.

He shouldn't be using compulsion with anyone, it's not right and it could have adverse effect to those poor guards. Pero...hindi lang iyon ang inaalala ko.

"Gano'n ba talaga kahina 'yung mga guards? Hindi ba dapat, priority nila 'yung security lalu na at maraming elite sa school? Kung gano'n lang kadali maglabas-masok edi malamang hindi secure 'yung facility?" Nakataas kilay kong tanong.

"No. Ang ibig kong sabihin, oo mga baguhan nga 'yung mga guard kanina pero dahil sa lahat sila ay bampira at dahil sa ako ang namumuno o mamumuno sa kanila...? Ay mas madaling gumana 'yung abilidad ko. Let us just say in werewolf lingo, I'm like the alpha of all the vampires unless they are rogues." Huminto siya at sandaling pinagmasdan ang reaksyon ko. "Mapagkakatiwalaan naman 'yung security ng school. Kaya wag ka mag-alala. Sadyang may loop holes lang besides wala naman nakakaalam kung ano ba talagang meron sa loob ng mga pader na 'yan." Tumuro siya sa likod namin sa mataas na pader.

"What do you mean?" Nagtataka kong tanong. Anong ibig sabihin niyang walang nakakaalam ng tungkol sa eskuwelahan. Paanong mangyayari iyon?

"Really? Hindi mo alam? Pa'no mo nagawa 'yung acceptance test?"

"Ha..?" Patuloy kong pagtataka.

"Bago kasi makapasok dito sa San Jaoquin ay may acceptance test. Lahat kasi ng estudyante dito ay mga posibleng kandidato para sa konseho at 'yung iba naman kagaya ng sinabi mo ay mga elite na anak ng mga makakapangyarihan at mayayamang pamilya. Pero lahat sila dito ay obligadong kumuha ng exam. Marami akong kilalang hindi nakapasa." Tumingin siya sa akin, inaantay ang sagot ko.

Umiling ako, "Wala talaga akong alam...wala naman kasi akong kinuhang exam. My parents announced it to me last saturday night and on sunday afternoon I was here. Biglaan. Paano naman 'yung mga hindi nakapasa," sagot ko, patuloy kaming sa paglalakad na paminsan-minsan ay nagtatago sa iilang sasakyan na dumadaan. Hanggang kailan kaya akong manatili sa likod ng mga anino?

"They make them forget."

"What!? Gawd, that is sad. I am hell of an exemption, I guess." Alam ko kung paano ako nakapasok. Madali namang hulaang gawa ito ng ama ko, sa koneksyon niya, hindi ito maitatanggi.

"That's weird, you're helluva mystery, you know that?"

I know. Pero, hindi ko sinabi sa kaniya. Because I'm a mystery too in my own self.

"Close your eyes," bigla niyang sabi.

"Ha? Why?"

"Just trust me," sagot niyang ngingiti-ngiti.

Pumikit ako para pagbigyan ito, pero bigla rin akong namulat nang may maalala ako, "Pa'nu 'yung uniporme natin?" Tanong ko na nakaturo sa mga suot namin.

"Nakakatawang wala ka talagang alam," natatawang niyang sabi. "Our uniforms are enchanted. Mga gawa ng mga engkantong nakakontrata sa San Jaoquin, sa mga hindi nakakaalam ng tungkol sa esk'welahan ang tingin nila d'yan sa suot mo ay isang normal na damit. Whatever their mind could comprehend," pagpapaliwanag nito.q

"So ligtas talaga tayo?"

"Yep. Now.Close.Your.Eyes."

Isinara ko ang mga mata ko at kumapit nang mahigpit kay Franco nang naramdaman kong bigla akong umaangat sa sahig. Nang muli aking namulat nasa eskinita na kami papunta sa isang mataong lugar.

"Nasa'n tayo?" Mahina kong tanong habang marahang ibinababa ni Franco ang mga paa ko sa semento.

"Nasa bayan."

Pinagmasdan ko ang paligid. Iba't-ibang klase ng tao ang malayang naglalakad sa kalsada. Pamilya, magkakaibigan at iilan-ilang nag-iisa. May mga tindahang nakapalibo't sa bawat kanto at may kakaunting sasakyan din na marahang tumatakbo. Maingay, ngunit malayo sa nakabubulahaw na ingay ng Maynila. Mukha silang masaya lahat na para bang walang kahit anong pinoproblema sa buhay.

"Tara?" Kuha ni Franco sa atensyon ko. Tumango ako at naglakad kami, hinalo namin ang sarili sa mga tao.

"May gusto kang kainin?" Tanong ni Franco.

Nag-isip ako saglit, "Uhmm...ice cream would do. 'Yung strawberry." Sabi ko habang nakangiti sa gawi niya.

"Okay. Then let's go get you one."

.....


"May 7'11 dito?"

"You are in one and you still can't believe?"

"Ugh. Stop patronizing me! Where like in the middle of the pacific, in a small island. 'Yung pagkakaroon na nga lang ng mga kotse dito weird na, e. Ito pa kaya? It is amazing what those witches could do." Masaya akong kumakain ng strawberry sundae, nakatitig kay Franco habang may iniinom 'to, "How does it tastes?" Bigla kong naitanong.

Napatigil siya sa pag-inom, "Alin, ang dugo?"

Tumango ako. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto ko 'tong tikman, para bang nauuhaw ako na hindi ko mawari.

"Mahirap i-explain but different blood tastes different for each vampires. Bawat bampira may kani-kaniyang preferences, parang sa normal na pagkain. May gusto nang matamis, 'yung iba mas gusto ang maalat," pagpapaliwanag ni Franco.

"So what's your preference then?"

"A.B.negative."

Napalunok ako, that's my blood type. "Gusto kong sumakay du'n!" Tinuro ko ang isang tsubibo sa likod namin, para ma-iliko ang usapan.

"Hindi ka pa nakakasakay sa ferriswheel?" Nagtatakang tanong niya matapos sundan ang daliri ko.

"Nope, not yet." Paano ko namang magagawang sumakay sa ganoon e, lumabas nga lang ng pintuan ng bahay namin hindi na puwede, nang natutunan ko namang tumakas parang hindi na mahalaga na makapunta pa ako sa mga amusement park. Malayo na sa gustong gaein ng mga kasing edad ko.

"Then let's go there!" Binaba niya ang boteng hawak-hawak at agad akong binuhat. Sa isang kurap ng mata, nasa harap na kami ng perya, sa bilihan ng tiket ng perya. "Dalawa ho." Sabi niya sabay abot ng pera kay manong na nagbabatay ng tsubibo.

"Thank you," bulong ko kay Franco, bago pumasok sa maliit na kuwadradong silid.

Masaya akong tumingin sa may bintana; sa mga nagliliitang tao at kaunting mga gusali. Pakiramdam ko nasa tuktok ako ng mundo, na may kapangyarihan akong gawin ang lahat. Hinawakan ni Franco ang mga kamay ko at laking tuwa ang bumalot sa akin. Hindi ko napigilan at may isang patak ng luha ang tumulo sa mata ko.

"Bakit ka umiiyak?" Marahang pinunasan ni Franco ang luha ko. Tumingin ako sa mukha niya at tinitigang maiigi ang kaniyang mga mata, ang asul nakaragatan.

"I'm just happy. I don't know how the bond works between us but it's totally messing with my feels..." Kinuha ko 'yung kamay niya na nasa mukha ko pa rin at pinisil ito habang patuloy na nakatitig sa mga asul niyang mata, "Last night you asked in my mind if wanting to kiss me is a bad thing. No. Franco, it's not 'cause it's what I want too. Kiss me. Now."

Lumapit ang mukha niya sa akin at naglapat ang aming mga labi. The kiss is light and gentle but it feels like I'm being drug out of my sanity. May mga kuryenteng bigla na lang dumaloy sa mga kalamnan ko at nagsasayaw sila sa galak. Pakiramdam ko lumulutang ako sa ulap sa sobrang saya. Kung maari lang na hindi na ito matapos, gagawan ko ng paraan. Kaya lang...itinulak ko siya palayo sa akin at naputol ang halik.

2
$ 0.32
$ 0.29 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Hanzell
Sponsors of baoxian23
empty
empty
empty
Avatar for baoxian23
3 years ago

Comments