Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako; na bumabalik na naman ako sa mundong gusto kong takasan. Minsan ang panaginip nagdadala lang ng pighati, imbis na makatakas ka at makalimot.
"Elena sabi ko sayo something is wrong with that kid! 'Di mo ba nakikita? Ano nalang ang sasabihin ng lahat?" Sigaw ng aking ama. Wala silang kaalam-alam na nasa loob ako ng k'warto nila, nagtatago sa loob ng nakabukas na tokador. Sanay na naman ako kay daddy, sa mga sinasabi niya. Alam ko rin naman sa sarili kong iba nga ako, hindi kagaya ng mga kuya ko. Bakit kasi galit sa akin ang araw?
"Stop it Arturo. Nothing is wrong with her, she's perfectly fine!" Galit na salubong naman ng aking ina rito.
Hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagluha. Tumulo ang mga ito kasabay nang patuloy na pagtatalo ng mga magulang ko.
"It doesn't mean na hindi s'ya p'wedeng magpa-araw nang matagal ay may mali na sa kan'ya. Arturo can you just stop making a fuss about it?"
"Dammit Elena! Our species are all sun kissed! We love it as much as we love the moon! It's not enough that she looked as white as a ghost?"
"Can you just not accept who she is, what she is? Can you not think that maybe it's because of you locking her up away from the world?"
"You know why I'm doing it! All of it!" Malakas na sumarado ang mga pinto at tumahimik ang lahat. Isang malamig na hangin ang dumampi sa mukha ko. Napatingin sa paligid ko, wala namang puwedeng panggalingan ng hangin.
Unti-unting bumukas ang mga mata ko habang patuloy ang hangin sa pagdampi sa mukha ko. "Ahh!" Napasigaw ako nang malakas at nabunggo ang noo ko sa isang babae na nakapaibabaw sa akin, ang mukha niya sobrang lapit sa mukha ko; ang pinangagalingan ng hangin.Ugh. Hinawakan ko ang noo ko, sa lugar kung saan ako nasaktan. I wasn't supposed to get hurt, not that I can help it though.
"I'm Althea Morris, you?" Sabi ng babae habang inilalahad ang kamay niya sa direks'yon ko. Imbis na kamayan, tiningnan ko lan ito.
Makaraan ang ang ilang saglit nangawit yata ito at ibinaba ang kamay kasama nang pagtayo nito sa kama.
"Ugh. I'm sorry, I was just not good at introductions especially when you creeped the hella out of me. I'm Adrianna by the way, Yanna nalang." Sabi ko habang inaalala 'yung pangalang ibinigay sa akin kanina.
"Nah, my bad. Excited lang ako kasi sa wakas makikita ko na 'yung ka-roommate ko, then there you're sleeping like beauty in the bed and the thing is...I can't read you. Sorry kung medyo naging creepy 'yung labas ko but promise mabait naman ako!" Nakangiti niyang sabi, muli nitong inilahad ang kamay at ngayon kinuha ko ito. "So what are you?" Tanong niya matapos ko siyang kamayan. Hindi sa ayaw kong sabihin kung ano ba ako, pero kasi parang hindi rin sila maniniwala? Too think of it, I myself doesn't believe it. Paano pa kaya 'yung ibang tao? Adding to the fact that I don't know how to make friends other than one time acquaintances. Ang pagkakapareha lang ay lahat sila walang alam sa totoong ako.
"Adrianna Nicole Carlos?" Bago ko pa magawang hanapin ang lakas nang loob para sagutin ang tanong ng room mate ko, may kumatok sa pinto at tinawag ang pangalan ko. I know I'm just prolonging the inevitable but I thank the gods for whoever it is knocking.
"Pasok?" Sabi ko nang nakatingin nang patanong kay Thea. Tumaas lang ang balikat nito.
Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang itim na suot ni Anna. "Sorry but can you come with me? The Principal wants a word with you."
"Ohh... I smell something fishy!" Nagbibirong sabi ni Althea.
"Thea please? Start of the semester palang may sinisimulan ka na namang kalokohan?" Tumaas ang dalawang kamay ni Thea na parang sumu-surrender sa pulis, tumahimik ito at nagpaka-abala sa isang sulok.
"Ngayon na talaga?" Malamya kong tanong, ano pa ba gusto nila sa akin? Hindi ba puwedeng hayaan nalang nila ako?
"Yes," matipid nitong sagot.
......
"Celestine Carmichael, sit down." Bati sa akin ng lalaking prinsipal. Hindi siya katandaan-- pero...hindi ko na rin namang puwedeng gawing basehan ang itsura nila-- at may magandang ngiti. Sumenyas 'to at naupo ako sa balat na upuan sa harapan ng kaniyang lamesa.
"I thought I just changed my name this morning? Who the hell is Celestine?" Mataray kong sabi pabalik dito. I don't recognize title, even if his the effing principal of this school, I don't give a damn.
"You're living up to your dad's descriptions, don't you know that? Don't you want to prove him wrong? Wala s'ya dito Celestine para diktahan ka." Marahan siyang uminom sa tasang nasa harap niya.
"That's the freaking problem, wala siya dito pero ramdam ko 'yung kamay niyang sumasakal sa'kin." Pinigilan ko ang mga luhang gustong pumatak at kagaya nang madalas kong ginagawa tinago ko lahat nang totoo kong nararamdaman.
"Stop it, all the hate? Wala 'yang patutunguhan. I want your stay here to be productive. Let this experience make you grow, panandalian mo munang kalimutan na ikaw si Celestine. Magagawa mo ba 'yun? I'm expecting greatness out of you. This, you'll be needing." Iniabot niya sa akin ang isang k'wintas na may nakakabit na maliit na pulang bato.
Tumawa ako habang inaabot ang alahas. "'Di ba 'yun naman ang lagi kong ginagawa. Let me ask you, kailan mo nalaman ang existence ko? Na may anak na babae si Arturo Carmichael."
Napatigil saglit ang prinsipal, may nakita akong kakaiba sa mga mata niya. Pity maybe. Umiling nalang ako dahil hindi niya magawang magsalita. "Para sa'n 'to?" Imbis ay itinaas ko ang k'wintas.
"No one can read you, right? Somehow that could help you. I can't put you in your right group if they would find you different."
"Thank you for reminding me," sarkastikong sagot ko. "Wala ka na bang ibang sasabihin? Aalis na'ko." Tumayo ako at lumabas.
Malamig at madilim na, wala akong balak bumalik kaagad sa dormitoryo. I want to wash off my head of all the sadness eating me inside. People say, we become what we choose to be, we feel what we want to feel. Gusto kong maging masaya pero hindi ko mapigilan ang mag-isip. The turndown of not having any friend. Umupo ako sa tabi ng isang puno at sinandal ang likod ko rito. I don't want to be those depress teenagers who starts scribbling poems to every paper they can get to. Ayaw ko pero 'yun ang gusto kong gawin. Huminga ako nang malalim at tumayo para maglakad ulit. Nang may biglang nalaglag sa harap ko, muntik-muntikan lang akong atakihin sa puso. Sisigaw sana ako kung hindi lang napatakip ang kamay ng lalaking nalaglag sa bibig ko. Nagsimula akong magpumiglas ngunit walang akong magawa sa lakas nito.
"Nasa'n na kaya ang gagong 'yun? letse pag nakita kita patay ka sa'min!" Sigaw ng isang lalaki. Galit 'to, halatang may kasalanang nagawa ang lalaking nasa bisig ko.
"Sorry," bulong nito sa tenga ko na nagbigay ng kakaibang pakiramdam. Nang mawala ang mga yabag ng lalaking humahanap sa kaniya, bumitaw ang hawak nito sa akin at nagtagpo ang mga mata namin.
Napahinto ako, tumama ang ilaw ng buwan sa mukha ng lalaki. Namilog ang mga mata ko, hindi ako makapaniwalang nandito siya. Siguro tama nga 'yong kasabihang, maliit ang mundo. "Pa'no...?" Mahina kong bulong.
Ahh! Napaluhod ako sa damuhan, napaalalay ang lalaki sa akin; bakas ang pagaalala sa mukha niya. Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla nalang akong hindi makahinga, may maling nangyayari. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Masakit, sobrang sakit, pero...masaya ako sa nararamdaman ko. Isang mabangong amoy ang pumasok sa ilong ko. Almost intoxicating me, drowning me with its sweetness, drugging my senses to numbness. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal nagtitigan, walang gustong magpatalo sa amin. All of a sudden, all I want to do is kiss his red lips, taste him. I crave for him. What the heck is happening to me? I can't be feeling this way towards him, especially not with the likes of his.
Inipon ko lahat ng lakas ng loob na makakaya ko para maitulak siya palayo sa akin, hapong-hapo ako na para bang pagod ako sa matagal na pagtakbo, when I'm only staring at him.
"Stop it. Get awa-" napatigil ako at tuluyang bumagsak. "Ahh!" Malakas akong napasigaw na bumasag sa katahimikan ng gabi. Kailangan ko siya, ang hawak niya! Pilit nagsisigaw ang kalooban ko para hablutin siyang muli. May hindi mawaring pakiramdam sa loob ng katawan ko, may mga hindi makitang karayom na tumutusok sa bawat sulok nito.
May bumagsak sa tabi ko at ang hawak na pinasasabikan ng kalamanan ko ay humawak sa mga balikat ko. "Anong nangyayari sa'yo? Hey Miss! Hey-" Napatigil siya o baka dahil dumilim na ang lahat at nawalan ako ng malay. Sino ba talaga siya at nawala ang sakit ng hawakan niya ako. Bakit may sayang dulot ang haplos niya?
......
"Kamusta ka na?" Tanong ng lalaki na una kong nakita pagbukas ko ng mata. Ang lalaking patuloy na tumatakbo at gumugulo sa isipan ko.
"Where am I?" Sabi ko imbis na sagutin siya. Lumingon ako sa paligid, nasa clinic 'ata ako ng skul. Marahil ay dinala niya ako rito nang mawalan ako ng malay. Bumaling ang mata ko pabalik sa lalaki at nangyayari na naman, para bang may pising humihila sa mga kalamnan ko't gustung-gusto ko siyang haplusin. The heck! Ugh.
Napansin niya 'ata ang reaks'yon ng mukha ko, itinaas niya ang kanang kamay na parang hahawakan ako kaya lang bigla siyang huminto, "Are you a vampire?"
Namilog ang mga mata ko sa sinabi ng lalaki. Pati rin ba siya, nararamdaman ang nararamdaman ko? Kung oo; maaring parehas kami nang naiisip sa mga nangyayari sa amin. Kaya lang ang problema'y napakaimposible nitong mangyari, not in a million years. It's totally unheard of.
Hindi ko magawang ibukas ang bibig ko at sagutin siya. Dapat nasagot na ng k'wintas na ibinigay ng misteryosong Prinsipal ang tanong niya. Ang sabi ng lalaking 'yun tutulungan ako nito.
"Gising na pala kayo," sabi ni Anna, pumasok ito sa loob ng kurtinang nakapagpapahiwalay sa amin sa labas. Tumingin ako sa bampira, pati pala siya nahimatay?
"Nahimatay ka rin?" Tanong ko at isang maliit na tango ang isinagot nito sa akin.
"Ipinapatawag kayo ng prinsipal."
"Ano ba'ng meron?" Napataas ang boses ng lalaki sa pagtatanong, medyo nagulat si Anna dahil dito pero gayun pa rin hindi nasagot ang tanong.
"Siya nalang ang kausapin n'yo."
Tahimik akong tumayo at naglakad kasunod nila Anna at ng bampira habang mariing nakatitig sa mga likod ng lalaki. Parang may sariling utak ang mga kamay ko at nagpupumiglas ang mga ito sa pagkakapasok sa bulsa ng palda ko para hablutin ang lalaking na kanina ko pa tinutunaw ng tingin.
"I don't know your name yet." Napatingin ako sa mukha niya at natigilan - sa tuwing magtatagpo ba ang mga mata namin magkakaganito ako? I'm not suppose to be like this. I'm loosing my composure.
No! 'Yung boses sa utak ko pilit akong sinisigawan dahil sa pagpipigil ko sarili na abutin siya. Umiling nalang ako at ngumiti, "Celes...I mean Adrianna, Yanna nalang for short. How 'bout you?" Muntikan ko lang masabi ang totoong pangalan ko. I'm going crazy being a puddle in his eyes. Dammit.
"Franko," sabi niya, 'di ko namalayang nasa harap na pala kami ng main building, paakyat na sa hagdan papasok ng pintuan. It's as if I'm having a relapse.
Get a grip would you Celestine!? Muli akong napailing habang papalapit na sa opisina.
"Maupo kayo." Senyas ng prinsipal gamit ang kamay pagkasarado ni Anna sa pintuan ng opisina.
"Anong nararamdaman n'yo?" Tanong sa aming dalawa ni Franco. Tinaas ko lang ang balikat ko, hindi ko na kasi kering magpakataray pa. Wala akong lakas na parang may humihigop dito palabas ng katawan ko.
"I'm feeling weird. I know she's not a vampire, or is she? Kasi matagal ko nang gustong tikman ang dugo n'ya...not that I would...but, I think she's-" Hindi niya magawang maituloy ang sinasabi, siguro dahil pagkalumabas sa bibig niya kung ano man 'yun maging totoo na talaga. Katulad nalang nang tumatakbo sa sariling isipan ko.
"She's your, how do you call them? Right, significant at ikaw naman ang kan-"
"That can't be!" Bigla nalang lumabas ang mga salita sa bibig ko nang walang paalam.
"Why?" Tanong ni Franko kasabay nang pagtanong ng prinsipal muli ng tungkol sa nararamdaman ko.
Huminga ako nang malalim at tuminging pabalik kay Franco, hinayaan ko ang mga kamay kong gawin ang kanina pa nilang gustong gawin; dahan-dahan kong kinuha ang mga kamay ni Franco. Nakaramdam ako ng 'di-mawaring kasiyahan, sa init na dala ng mga ito. Unang beses kong naramdamang kompleto ako, na sa wakas may tatanggap na sa kung ano ba ako.
"Lobo." Mahina kong sabi rito.
......
Author's Note: Thanks for reading. And continued support. Labyu guyts.
If you like this story ito po Yung link sa previous chapter:https://read.cash/@baoxian23/anomaly-part-3-ang-eskwelahan-ng-san-joaquin-2a0bf481