"Bakit po hindi ako p'wedeng lumabas? Yaya gusto ko po maglaro sa labas. Please. Kahit ten minutes lang?" Pagmamakaawa ko sa yaya ko.
"Nako Ten-ten ay 'di poydi gid kasi magagalit ang tatay nimo sa'kin, dito nalang tay'o maglaro? Sige na?" Tinulak ko ang yaya ko tapos tumakbo ako palabas ng kuwarto, sumuot ako sa gilid ng hagdan. Doon sa 'di nakikita ng mga tao. Sinilip ko sila habang masayang nagsasayawan sa ilalim ng mga kumikinang na ilaw.
Gustung-gusto kong bumaba kaya lang magagalit sa akin ang Daddy ko, baka paluin na naman niya ko. Nakuntento nalang ako sa pagtingin; sa mga kapatid kong masayang nakikipaglaro sa ibang mga bata.
"Anong ginagawa mo r'yan?"
"Ahh!" Nagulat ako, may isang batang lalaki ang kumulbit sa likod ko. "Sino ka? Bawal ka rito sa 'taas!" Mahina kong sigaw sa kaniya.
"E...kaw nga nandito tapos ako bawal!? Halika laro tayo!"
Pagkasabing pagkasabi niya ng mga salitang 'yon may dumating na anino at bigla akong napatayo sa pagkaka-upo ko.
"Daddy?"
"Miss...miss...'oy, miss?" Pangungulit sa akin ng katabi kong lalaki na pumutol sa panaginip ko. I'm not in the mood to play childish games and it's not in my today's agenda to flirt. I'm in a freaking plane for goodness sake. Ginising ako ng alas tres ng umaga para lang bum'yahe, pagod ako at gusto kong magpahinga. So I got a valid reason to be bitchy, not that he cares.
Kahit sampung minuto ko na siyang 'di pinapansin, walang humpay pa rin ito sa pangungulit at pangangalabit sa balikat ko. Hindi ko na kinaya at binukas ko ang mga mata ko, hinubad ang ear phones kong hindi tumutunog at humarap ako sa kaniya.
"Ano bang problema mo?" Tanong ko ritong nakataas ang kanang kilay. Tumuro siya sa unipormeng suot-suot. Oh gawd, just great.
"Sa San Jaoquin ka rin ba mag-aaral?" Tumango ako para sumagot. Halata namang parehas kami ng papasukan dahil sa emblem na nasa mga suot namin. Tiningnan ko siya mula paa, pataas sa apat niyang mga mata. Malamang hindi ko siya kalahi at lalung hindi rin siya isang bampira.
"Ano ka? Ibig kong sabihin ang anong lahi ka kasama?" Tanong ko, dahil hindi ko siya mabasa. Isa lang ang ibig sabihin nito...
"Tao," simple niyang sagot, tama nga ako.
"Okay," sagot ko. Matapos ay bumalik ako sa dati kong posisyon at kinabit ko muli ang mga ear phones ko.
"E...ikaw ano ka? Lahi?" Pero hindi siya natigilan sa patuloy na pagtatanong.
"Soon you'll know. Now let me sleep." Pumikit ako at natulog. Wala na akong salita pang narinig sa katabi ko, marahil napagod na rin ito; sa wakas.
"Hey. Miss!" Nagising ako sa pagyuyugyog ng katabi ko.
"Could you please stop doing that? Wala ka ba talagang maganda magawa!?" Medyo napataas ang boses ko at nakita kong namula ang lalaki.
"So-sorry...bababa na kasi tayo?" Napalingon ako sa paligid at tama nga ito, unti-unti nang nauubos ang mga pasahero sa maliit na eroplano.
Bumaba ako habang nakabuntot sa akin ang lalaki. Hanggang sa loob ng airport ay nakasunod ito. Sa tuwing hihinto ako, humihinto rin ito at lumiliko sa tuwing liliko ako.
Tumigil ako sa paglalakad, "Hindi mo ba talaga ako tatantanan?" Sabi ko nang hindi humaharap.
"Pa-parehas naman tayo ng pupuntahan 'di ba?" Medyo nangangatal at mahinang sabi nito. Humugot ako nang malalim na hininga at kinalma ang sarili, tama nga naman siya. I shouldn't be channeling him all my frustrations towards my parents.
Humarap ako sa kaniya, "Pasens'ya ka na. It's just been a bad day."
"I know, halata naman," sagot niya.
"By the way, what's your name?"
"Samuel...Samuel Perez."
"Hi, Sam. Nice name," sabi ko, matapos ay iniabot ko rito ang kamay. Kinuha naman niya ito at nakangiting nakipag-kamay.
"How about yours?"
"Ahh...C-"
"Adrianna! Samuel!" Bago pa ako makasagot, may boses na kumuha ng atensiyon namin ni Sam. Napalingon kami sa pinanggagalingan nito. Isang babaeng naka-itim, puro itim- mula ulo hanggang paa, daig pa nito ang pupunta ng lamay- ang may hawak-hawak ng karatula na may pangalan naming dalawa ni Sam. At kagaya nang inaasahan, hindi ko totoong pangalan ang gagamitin ko.
"So it's Adrianna?" Tanong nito habang papalapit kami papunta sa babae.
"Yanna nalang," sabi ko dito sabay ngiti. I hoped that it would be different this time, but then again I won't be hoping if I didn't know that it is not at the very beginning. Kahit anong gawin ko, mas mahalaga talaga ang reputasiyon nila kaysa sa kasayahan ko.
"Samuel Perez? Adrianna Nicole Carlos?" And they have the decency to retain my second name. Tumango ako sabay si Sam naman nakangiting sumagot ng 'oo'.
"Good, I'm Anna Maria Suarez and I'm going to be your guide for the day. Let us go?" Matapos ay inihatid kami ni Anna sa isang sasakyan at nagsimula siyang magk'wento nang tungkol sa esk'welahan. Hindi ko 'to pinakinggan mas nagpo-focus kasi 'ko sa mga nakikita ko sa labas ng bintana, habang tumatakbo ang sasakyan. Ang iba't ibang uri ng tao o nilalang kung ano pa man sila sa daan, kung para lang naman sa akin dalawa lang talaga sila: 'yung nagmamadali at 'yung hindi, 'yung may tiyak na patutunguhan at 'yung wala.
Huminto ang sasakyan namin nang hindi ko namamalayan. 'Oo' nalang ang naisagot ko sa tanong ni Anna, na hindi ko naman talaga narinig. Ibinaba ang bintana ng sasakyan at isang guwardya ang bumati sa amin. Para sa seguridad, hiningan kami ng dugo; malamang tungkol dito ang tanong sa akin kanina. Isang maliit na karayom ang tumusok sa daliri ko mula sa isang ala-ballpen na gamit sa kamay ni Anna. Tumulo ang dugo ko at panandalian akong natakot na baka iba ang mabasa ng aparatong nasa harapan ko, pero makaraan ang ilang segundo napalitan ang kaba ko ng ngiti. They've really given this damn thing a great deal of time.
Sumarado muli ang bintana at nagpatuloy ang paggalaw ng sasakyan, sa loob nang matatayog na pader. Isang mundong tago sa kaguluhan ng labas. If I didn't know, he only wants me out of his life.
Tuluyan kaming huminto sa harap nang malaking gusali, lumabas kami ng sasakyan at humarap sa'min si Anna. "Ito ang main building ng campus, lahat ng concern n'yo anything about the school ay dito pinaparating. Dito rin tumutuloy ang lahat ng professors at ilang delegates kaya kung may kailangan kayo, anytime welcome kayo dito. With the valid reasons, of course."
Nagpatuloy ang pagkuk'wento ni Anna habang naglilibot kami sa paligid ng campus. Which is really tiring and a waste of time; the place is like an entire town of Laguna multiplied by three. I am an idiot to wear a two inches stilettos. Sa wakas, sa pinakahaba-haba nang nilakad namin, huminto kami sa harap ng dormitoryo na kung saan din basta-basta nalang iniwan ang mga maleta namin ni Sam.
Unang beses kong makakita ng mga estud'yante, mas mukha pang abandonadong baryo ang esk'welahan kaysa sa isang high end boarding school.
"Though magkadikit ang dormitory ng mga babae sa lalaki, hindi ibig sabihin nito na p'wede na kayong maglabas 'masok sa kaniya-kaniyang dormitory. It's strictly against the rules at bawat paglabag ay may karampatang kaparusahan. Malalaman ninyo lahat ng policies and regulations sa handbook na nasa mga k'warto ninyo na kasama rin ang mga schedules for all your classes. Here are the keys with your room numbers. Magpahinga na kayo at maaga pa ang mga klase ninyo bukas." Matapos umalis na si Anna at ako naman walang atubiling pumaok sa pintuang nasa harap ko na may simbulo nang babae. Hindi ko na pinansin ang pangungulit muli ni Sam. I'm tired and I don't have time for nonsense.
"Bag?" Tanong sa akin ng matandang babaeng nakapamewang na bumungad sa harap ko pagbukas ng pinto.
"What?" Pabalik kong tanong habang bahagyang ibinaba ang shades sa mga mata ko.
"Open your bags, I'm your land lady at bago ka pumunta ng k'warto mo kailangan muna ng inspection." Mataray na sabi nang matandang babae na ngayon ay nakataas na ang kanang kilay at matalas akong tiningnan mula ulo hanggang paa. It gives me chills, as if I'm put under a freaking microscope.
"Fine." Lumuhod ako para buksan ang dalawa kong maleta pati ang gym bag kong nakasabit sa balikat.
Lumuhod din ang babae sa harap ng mga gamit ko. Sumenyas ang kamay nito na lumayo ako at hindi na lamang ako nanlaban at hinayaan na lang 'to. "Bawal 'to...ito pa...isa pa 'to...at ito...bawal din 'to!" Walang humapay siya sa pagsabi habang kinukuha ang lahat ng mga gadget ko: cellphone, ipod, ipad, laptop pati ang nook ko. "Akin na, hand it over," dagdag nito, matapos maubos ang lahat nang debaterya at dekuryente sa mga gamit ko.
"Kinuha mo na nga lahat, ano pa ba'ng gusto mo?" Pagmamaang ko rito habang bawat segundo bumibigat ang bulsa ng palda ko. The old hog snarls at me then with a flick of her hand, the cellphone in my pocket fly to her direction, leaving my mouth hanging open. Pesteng mga lamang lupa o!
"First day demerit agad? You may now go." Sabi nito sabay abot nang maliit na papel na may nakasulat na cleaning duty. Just effing great! Huminga ako nang malalim at hindi pinansin ang iilan-ilang matang nakatitig sa akin. Umakyat ako ng hagdan at binuksan ang pintong may numerong 23, kagaya nang nakakabit sa susi.
Pagkapasok ko, halatang may gumagamit na sa kuwarto. Hindi lang dahil sa dalawang kama kun'di dahil din sa mga nakakalat na damit sa sahig. Ugh. I can't stand clutter. Hindi ko makuwang mag-ayos kahit pa gustung-gusto ng utak ko, masyado akong pagod kaya naman sumalampak agad ako sa asul na kama. Asul kagaya ng mga mata niya. Something is really messing up my brain, why am I thinking of him? 'Yung mga matang niyang parang sumisilip sa ikalaliman ng kaluluwa mo. I wonder what is with him, bakit hindi ko siya magawang ialis sa utak ko. Malayo namang magkita kaming muli, kung mangyari man, siguro napakaliit na porsyento lang. But, there is no harm in wishing for the impossible. Malay mo naman.
Author's Notes: Thanks for reading. Hopeless romantic ako chaar.
If you like this story, here's the link to the previous one. https://read.cash/@baoxian23/anomaly-part-2-dalawang-pulang-mata-at-isang-masamang-balita-122a473a
Feeling ko mate niya yung nakasama niya sa selda ba yun? Hehe