Anomaly (Part 19: Mabilis na Paglipas ng Oras)
PAng oras mabilis na lumilipas at kahit gaano mo pa gustuhing ibalik ang lahat sa dati'y hindi na maaari, ang nakaraan ay nakaraan na. Kagaya ng araw na naging linggo hanggang sa maging buwan ito at hindi ko na alam kung gaano na ako katagal tumigil sa pag-asang babalik pa si Franco. Minsan kapag pumipikit ang mga mata ko, pilit kong ibinabalik ang sarili sa dalawang linggong nakasama ko siya, sa mga oras na nakaramdam ako ng kasiyahan kasama ang isang taong hindi ko inakalang magiging malaking parte pala ng buhay ko. Nangungusap ako sa puso kong alalahanin ang lahat ng emosyong naramdaman ko kasama siya noong mga panahon na iyon, pero kahit anong pagpupumilit ko, katulad ng oras, lahat ng emosyong lumipas ay hindi ko na magagawang ibalik pa. Ang tanging natitirang ala-ala na lang niya sa akin ay ang taong siya ring tumutulong para makalimot ako.
"Hey! Guess who's this," isang boses ang mahinang bumulong sa tainga ko at dalawang malaking palad ang tumakip sa aking mga mata. Hinawakan ko ang mga kamay at pinakiramdaman ang mga ito. Kahit pa naman noong malayo pa ito ay alam ko na kung sino siya. Kabisado ko na ang tunog ng yapak ng kaniyang mga paa, ang hingal kasama ng kaniyang paghinga kahit ang tibok ng kaniyang munting puso. At higit sa lahat, siya lang ang tanging taong kayang magparamdam sa akin ng ganitong kasiyahan.
"Marco," mahina kong tugon.
"Are you okay? Nandito ka na naman sa punong 'to. Iniisip mo na naman ba si Franco?" Tanong niya, ang mga mata biglang bumaling sa malayo sa asul na kalangitan.
Tumango ako kahit na alam kong hindi niya makikita ito. "Bukas na ang equinox, may susuotin ka na ba sa sayaw? Gusto mo samahan kitang pumili?" Pagliliko ko ng usapan.
"Don't worry, sasamahan ako ni Samuel. And, I think you girls would just take all of our time pagsinama namin kayo, para naman kasing magpapaiwan sina Di at Thea. Tsaka kasama ko naman 'yung lima..." Hindi nito tinuloy ang sinasabi. Naintindihan ko naman kung bakit, kahit matagal na namin kasama ang 'yung mga taong putik, hindi pa rin namin maiwasan ang ilangan sa isa't isa.
"Sabagay--" Huminto ako, hinatak ang kuwelyo ng suot nito. "White would look really good on you," nakangiti kong sabi rito, ang mga mata namin parehong nakatitig sa isa't isa. Pinakawalan ko ito tapos ay natatawang naglakad palayo. "Mauna na ako may klase pa kami ni Dianna, so sa bahay na lang?"
Kumurap ako at biglang nawala ito sa paningin ko. Isang segundo pa ay hawak-hawak na ako nito sa baywang, ang mukha niya sobrang lapit sa mukha ko. "Wala man lang ba akong goodbye kiss?"
Pabiro ko itong hinampas ko at ibinaba niya ako sa sahig. "Tse! 'Wag na pinapatay mo naman ako sa kaba!" Sigaw ko sa kaniya pero walang kung anu-anong hinila kong muli ang kuwelyo nito at binigyan ng mabilis na halik sa labi saka tinulak ito at tuluyan na akong umalis papunta sa susunod na klase. Ang mahinang tawa at mabilis na tibok ng puso kaniyang ay naiwang umaalingawngaw sa tainga ko.
Sa nilagi ko sa eskuwelahan ng San Jaoquin, nasanay na ang sistema ko sa mga paulit-ulit na ginagawa sa araw-araw. Ang paggising nang maaga, pagpasok sa klase at pag-uwi sa bahay pagkatapos nito. Maayos ang lahat kung iyong titingnan sa labas pero hindi iyon ang totoo. Dahil kasabay nang lahat ng ito ang pag-aantay ko ng balita tungkol sa mga nawawala. Anim na buwan, ganoon na katagal na walang balita sa kanila at ganoon na rin katagal na namamahala ang pinakamatanda kong kapatid kapalit ng aking ama. Ang huli kong narininig galing kay kuya Lyndon ay maayos naman daw ang lahat, pero hindi ako naniniwala dahil madalas kabaligtaran ang lumalabas sa kanila. Kahit sa aking ina, ano mang pilit ang gawin ko ay tikom ang bibig nito.
Tumingala ako sa isang ibong lumilipad, nakainggit ito na malaya siyang nakagagalaw at nakakalipad kung saan man niya gustuhin. Sa totoo lang matagal ko nang ginugustong tumakas sa mga pader na kumukulong sa akin dito sa San Jaoquin pero may kung anong pumipigil sa akin na gawin iyon, dahil may pakiramdam akong dito ko mahahanap ang mga kasagutan sa ilang tanong ko, kung hindi man lahat. Siguro kailangan ko lang talagang matutong mag-intay...
Ump. Napatumba ako nang hindi ko nakikitang bagay at napaupo ang puwetan ko sa damuhan.
Isang kamay ang umalok sa akin ng tulong, "Hi, um, pasensya ka na hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko."
Kinuha ko ang kamay at ang mga mata ko tumama sa mukha ng nagmamay-ari nito: Itim na buhok, mapupulang mga labi at dalawang pares ng dilaw na mata, dilaw na mata. Dahan-dahan akong tumayo habang isang kakaibang pakiramdam ang dumadaloy sa katawan ko. May kung ano sa lalaking kaharapan ko, alam kong hindi ko pa ito nakikita pero may bagay na nagsasabing pamilyar siya sa akin. "No, I'm the one who is at fault here, ako 'yung hindi tumitingin." Nagtaas ako ng kamay at tumuro sa kalangitan.
"I guess parehas tayong may kasalanan. Iñigo nga pala." Muli nitong iniabot sa akin ang kamay.
Kinuha ko ito at nakipagkamay. "Adrianna, Yanna na lang," pagpapakilala ko naman sa kaniya.
"So, nice meeting you Yanna. Um, alam mo ba ang papunta sa main building? Medyo naliligaw na kasi ako, I'm getting bored with that Anna kaya humiwalay ako," natatawang pagpapaliwanag nito.
"Bago ka?"
"Yep,"maikli nitong sagot.
"Fae," mahina kong bulong.
Kumurap ang lalaki, "Ow, yes my eyes are always a tell, yellow as the sun. You? Mahirap kang basahin, your brainwaves are all over the place."
"Yeah... I'm blocking, vampire by the way," pagsisinungaling ko.
"Talaga? Hmm...curiouser curioser," kakaibang sagot nito.
Naalala kong may kailangan pala akong puntahan. "A, may klase pa ako kaya hindi kita masasamahan pero 'yung main building diretso lang doon." Tumuro ako sa kalasada sa likuran ko. "Pero p'wede ka namang dumaan sa portal, mga alas dos magbubukas ang isa duon sa may bus stop."
"Ganoon ba? Sige salamat, ingat ka Yanna." Tumango ako at nagsimula muling maglakad.
Hindi ko maialis sa isipan ang pagiging pamilyar ng lalaki, sa isang beses pa ay huminto ako para lingonin ito. Ang likod niya ang tanging nakita ko. Pumikit ako at pilit inabot ang isipan nito, sa loob ng anim na buwan ay natutunan kong unti-unting kontrolin ang mga kakayahan ko. Inisip ko ang pagbukas ng isang pintuan, dahan-dahan ko itong binuksan ngunit kahit ilang beses ko pang pihitin ang bukasan ng pintuan ay hindi ko magawa, may isang puwersang pumipigil sa akin. Napagod ako at sawi kong binuksan ang mata. Halos mapatalon ako sa kinatatayuan nang makita kong nakatitig sa akin si Iñigo at isang ngiti ang nakaguhit sa mukha nito. Namula ang mga pisngi ko at mabilis akong tumalikod para magpatuloy sa paglalakad ang dibdib ko hindi matapos sa katatambol.
Nagsisimula na ang klase nang makarating ako sa academic building kaya naman marahan na lang akong sumingit sa gitna ni Dianna at Althea.
"Bakit ka kinakabahan?" Tumingin ako kay Althea.
"Ha?"
"Your heart dear, it won't shut up. Don't tell me you and Franco did some skedaddle kaya ka na-late?"
"No!" Napalakas ang boses ko.
"Shhh...papagalitan kayo ni--"
Hindi pa tapos sa sasabihin si Dianna ay pumalit na agad ang boses ng aming guro. "Late na nga nagdadaldalan pa? You won't want to have detention this afternoon Miss Carlos or do you?"
"No sir!" Malakas kong sagot.
"Then stand up and explain the significance of the event for tomorrow."
Huminga ako nang malalim at tumayo, "Tomorrow would be spring equinox, the only day in the year where the day equals the night and/or vice versa. Equinox signifies different customs and traditions for us supernaturals, kagaya ng paniniwalang mas makapangyarihan ang lahat ng potions at charms na gawa sa araw na ito lalo na ang tungkol sa pagibig. May ilan namang nagsasabing ito raw ang araw kung saan pinakamahina ang bawat pinuno. Pero, higit sa lahat ang equinox ay nagpapahiwatig ng bagong simula. Halos lahat ng kauri natin ay pinapanganak sa araw ng equinox."
"And what makes tomorrow more special than the usual equinox?" Dagdag na tanong pa ng aming guro.
"There would be a full blue moon na maghuhudyat ng simula nito," sagot ko.
"Right! Very good miss Carlos!" Huminto ito, tumungo sa kaniyang lamesa at nakangiting humarap sa mga estud'yante niya. "Sinong nakakaalam ng alamat ng asul na buwan?" Lahat ng estud'yante kasama ako ay nagtaas ng kamay. Lahat naman siguro ay alam ang tungkol sa kuwentong iyon, lahat daw ng kahilingang ibubulong sa asul na buwan ay mabibigyan ng katuparan. Hindi ko alam kung may katotohanan nga sa sabi-sabing iyon dahil isang beses lang sa isang daang tao lumalabas ang ganoong kulay ng buwan. "Lahat na ba kayo nakapag-isip ng kahilingan?"
Oo, gusto kong isagot sa kaniya. Gustong makitang muli si Franco. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan kong humiling, hindi ba? Pero, masama rin ang umasa sa walang kasiguraduhan, mas malala pa sa paniniwalang puputi rin ang uwak. Umiling ako at bumaling ng tingin sa bintana sa harapan ko. Nagbingi-bingihan ako sa mga salitang lumalabas sa bibig ng aming guro, para sa'n pa at makinig ako kung hindi ko rin naman ito maiintindihan, kung lumilipad din naman ang isip ko.
Isa.dalawa.tatlo.natapos na parang bula ang mga klase ko.
"Ang tahimik mo, kanina ka pa gan'yan, a?" Tanong ni Dianna.
"Kaya nga, hindi ba sasabay sa atin si Franco kumain? Pati si Sam parang wala 'ata tsaka 'yung damuhong kambal ng irog mo," Dagdag pa ni Althea.
Sumubo ako ng kanin at ulam sabay iling, "Bumibili ng damit para mamayang gabi. Alam niyo na, mga pabebe laging last minute."
"Daig pa tayong mga girls," komento ulit ni Althea.
"Parang mas malala pa nga tayo, nu'ng 'sang buwan pa tayo bumili ng damit, excited much lang ang peg," singit naman ni Dianna.
"Maiba nga tayo ng usapan." Hinila ni Althea ang braso namin ni Dianna para lubusang kuhanin ang atensyon naming dalawa. "I saw a papable guy kanina! Nu'ng pagkatapos natin sa Myths and Legends. Mukhang bago nga e, parang may hinahanap."
"Talaga? Anong itsura?" Pag-uusisa ko.
"Althea!" Biglang sigaw ni Dianna sa tabi ko matapos siyang bugahan ng tubig ni Althea sa mukha. "Kadiri ka! Ano ba'ng problema mo!?"
"Ka-kasi! Kasi!" Paulit-ulit nitong sabi habang ang kanang kamay nito tumuro pataas sa likuran ko. "Papunta siya dito," bulong pa nito.
Sabay kaming napatalikod ni Dianna. Isang lalaki ang umakbay sa akin, si Iñigo. "Hi, Yanna. Napagod ako, ang laki pala ng San Joaquin, ano?" Ibinaba ko ang kamay nito umaarteng hindi ako kinakbahan sa presensiya niya at nagpatuloy ako sa pagkain, umangat ang tingin ko sa kaharap, nanlalaki ang mga mata ni Althea at bahagyang nakabukas pa ang bibig.
"Hello to you too, Iñigo. Kain?"
"Kilala mo siya?" Sabay na tanong ni Dianna at Althea.
"Yep, siya 'yung dahilan ba't ako na-late kanina. Kaya tama na ang kakaisip na nakipag-skedaddle ako kay Franco." Tumawa ang mga kaibigan ko at naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko.
"You are a vampire, right?" Tumango ako. "Bakit ka nakain ng pagkain?" Tumuro ito sa plato ko.
"Because I like to," sarkastiko kong sagot sabay lagok sa boteng nasa lamesa.
"Just curious, sino nga pala si Franko? By the way I heard there will be a dance this night, can you be my date, ha, Yani?"
"Bakit ba ang dami mong tanong? Tsaka 'wag mo nga akong binibigyan ng nickname!"
"Franco is the vampire prince and her significant," sagot ni Althea dito na malaki ang ngiti. "Kaya that means she's taken. Hindi mo ba kami ipapakilala, Yani?" Sabi nito na ginaya pa ang binigay napalayaw sa akin ni Iñigo.
"Ow, yeah totally forgot, si Althea nga pala at si Dianna," pagpapakilala ko sa mga kasama.
"You are mated? Kailan pa?"
"Aba at--" natigilan ako.
"Iñigo, tama na nga 'yan," isang boses nagsalita sa likod ko. Napalingon ako rito at dalawang lalaki ang ngayon nakatayo sa likuran namin ni Iñigo, ang isa sa mga ito nakadantay ang kamay sa balikat ni Iñigo. "Sorry kung iniistorbo kayo nitong kaibigan namin, Vincent by the way at ito naman si Lord," turo niya sa kasama.
"Hi!" Sabay-sabay naming bati nila Dianna at Althea.
"Kain?" Alok ni Althea sa mga ito.
Umiling si Vincent, "We don't eat human food."
"So, you are all faes then."
"Yes. Iñigo, we have to go now tama na ang kulitan," pagyayakag ni Vincent sa kasama. Sinubukan kong basahin ang isip ng dalawang bagong dating ngunit kagaya nang nangyari kay Iñigo ay wala akong narinig kung hindi isang nakabibinging tunog kagaya nang ingay na ibinibigay ng radyong walang masagap na estasyon. Napangiwi ako at napakapit sa ulo dahil dito.
"Something wrong?" Baling na tanong ni Iñigo sa akin.
"Nothing," sagot ko rito.
"Iñigo, ano ba?" Pamimilit ni Vincent dito.
"Yeah, yeah...I am going just get your hands off me man!" Tumayo si Iñigo at humarap sa amin, "So I am going now, nice meeting you guys." Pagpapaalam nito. Hindi ko alam kung nakaalis na ba ito ngunit ang mainit na hanging dumampi sa tainga ko ay ang nagsabing nasa likuran ko pa rin ito. "I am still looking forward on dancing with you Yani. And, please stop reading our minds." Isang kuryente ang dumaloy sa kalamnan ko.
Liningon ko si Iñigo ngunit ang likuran lamang nito at ng mga kasama niya na naglalakad palayo ang nakita ko. Ang pakiramdam na iniwan niya sa sistema ko ay pilit ginugulo ang isipan ko. Sino ba talaga siya?
......
Pasensya na mahilig kasi ako sa harem.hahaha.
Nauubos na Ang sponsors ko Dito . Huhu so sad.
jes♥