Anomaly (Part 18: Lihim na Pilit Itinatago)

0 20
Avatar for baoxian23
2 years ago

"Celestine, I missed you, anak." Mahigpit akong niyakap ng aking ina.

"I missed you too," mahina kong sagot dito.

"Ahem." Bumaling kaming lahat sa mukha ni Anna. May iilang estudyante ang tumitingin sa direksyon namin.
"Hindi dito ang tamang lugar, first lady?" Dagdag pa nito.

"Tama, tama. I'm sorry, let us go now." Humiwalay ang mga kamay ng aking ina sa akin, naglakad ako sa likuran nito kasunod sina Dianna at Marco. Maingat na hindi maka-hatak nang higit pang atensyon.

You look exactly like her, beautiful.

Ngumiti ako sa direksyon ni Marco, "I know."

Nang makalabas kami sa likurang parte ng academic building ay dumiretso kami sa parteng walang masyadong tao. "Mas magandang dumaan nalang kayo sa portal. Dianna? Lyndon is already at your house. So, maiwan ko na kayo."

Umalis si Anna kasabay ng pamilyar na huni sa hangin, isang lagusan ang ngayon ay nasa likod na nang malaking punong katabi nasa tabi ko. Pumasok kami rito at agad na lumabas sa harapan ng bahay namin ni Franco.

"Mama!" Masayang bati ni kuya Lyndon sa aming ina pagkapasok sa loob ng bahay na nasuiklian naman ng isang mahigpit na yapos. "How are you? Are you still--"

"I am fine, we are still looking for your dad but Richard is doing his best. So, we don't have anything to worry about. Besides...Celestine, won't you introduce me?" Bumaling ito sa mukha ng mga kasama ko.

"Oh, yeah...si Dianna at si Marco, my guardians--" huminto ako, hindi ko alam kung tama ba ang nagawa kong pagpapakilala kay Marco. "I-I guess the principal told you about them right, right?" Pagliliko ko sa usapan.

"Yes." Kinuha ng aking ina ang mga kamay ni Marco at Dianna at nakipag-kamay sa mga ito.

"Nice to meet you po," magka-sabay na sagot ng dalawa matapos ang pakikipagkamay. Para silang naging mga bato na nakakita ng isang artistang matagal nang hinahangaan.

Siniko ko sa tagiliran si Dianna, "Don't act so awakward, she is just my mom."

"But, she's the first lady," bulong sa akin ni Dianna.

"And, she can hear you." Tumawa si Marco at kuya Lyndon dahil dito, sabay naman nang pamumula ni Dianna.

"You can't blame her, she's like a big celebrity; biruin mo ang first lady, kaharap na namin?" Pagpapaliwanag ni Marco.

Nagkibit balikat ako, "Being the Wiccan princess is more cool for me."

"Tama na nga 'yan, para kayong mga bata. I'm buying food, any specifics? Ma? Celestine?" Pagsingit ni kuya Lyndon sa usapan.

"Chinese would do," suwestiyon ko.

"Okay, sige! Sasama ko muna 'tong dalawa, a?" Hindi na nakatanggi pa sina Dianna at Marco dahil walang kung anu-ano nang hilain sila palabas ni kuya Lyndon. "Talk to her," dagdag na bulong pa nito sa akin bago tuluyang lumabas ng pintuan.

Tahimik akong umupo sa sofa, nagpapaka-busy sa pagmamasid sa mga 'di makitang dumi sa kuko sa mga kamay. Ilang saglit pa, naramdaman ko ang bigat na umupo sa tabi ko. Dalawang kamay ang humawak sa mukha ko at marahang ibinaling ang mukha ko palayo sa mga kamay. Tumagal kaming ganoon lang, nagtitigan walang nagsasalita ang mga mata namin parehas sinusukat ang isa't isa.

"Anak, how are you? Nararamdaman ko, may gusto kang sabihin sa'kin." Pinagmasdan kong mabuti ang kabuuan ng mukha ng babaeng haplos-haplos ang mukha ko. Para akong tumitingin sa sariling repleksyon sa salamin, hindi maikaka-ilang mag-ina nga kami; maliban sa kulay ay para kaming pinagbiyak na bunga. Pilit kong iniisip kung paano niya nagagawang itago ang lahat sa sarili niyang anak. Ang mga luha, nangingilid sa mga mata ko. "Bother, spill me some crumbs?" Hindi ko magawang ibukas ang bibig ko para sabihin ang nasa saloobin. Mahirap ipaliwanag ang mga bagay na walang katumbas na salita. Mga emosyong kay tagal mong itinago hanggang sa hindi mo na ito kayang mailabas.


"Ikaw ma, will you spill me some crumbs? 'Yung katotohanan, ma," sabi ko. Ang mga kamay niya biglang tumigil sa paghaplos sa mukha ko pababa sa kanyang hita, kinuha ko ito at pinisil; inuudyukan siyang sabihin ang lahat sa akin. "Tell me everything, everything," pakiusap ko.

"Anak, hindi mo man maisip ngayon pero, nagawa lang namin ng ama mo ang lahat para sa kaligtasan mo. And trust me when I tell you na hindi pa ngayon ang tamang oras." Bumitaw ito sa pagkakahawak ko.

"Hanggang kailan, ma? Stop lying to me! Gaano pa katagal para maging tama 'yung panahon?" Umiling ito at naglakad patalikod patungo sa kusina. Ang boses niyang may bahid ng paglilihim ay tumakbong paulit-ulit sa utak ko. "Mom! Please!" Ang mga emosyong pinipigilan ko kanina ay biglang umagos palabas.

"Ahh!" Isang malakas na ungol ang umalulong kasunod ng sigaw ko. Tumakbo ako direksyon ng kusina para malaman ang nangyayari. Ang pigura ng aking ina ay ngayon nakahandusay na sa sahig, ang mga kamay niya nasa kaniyang dibdib, kusot-kusot ang dami na suot at namimilipit sa sakit.

"Ma!" Tumakbo ako papunta dito, "Marco! Tulong! Dianna! Kuya Lyndon!" Sigaw ko sa hangin habang pinapakinggan ang pulso ng aking ina; takot ang tumatakbo sa isipan ko. Hindi dapat gano'n ang inasal ko sa kaniya kanina, hindi ko dapat itinutuon ang galit ko sa kaniya.

"Celestine!" Sigaw ni kuya Lyndon pagkapasok sa pintuan; agad itong tumakbo sa tabi ko. Ang mga dala niyang supot naiwan sa may pintuan. "What happened?" Ipinatong nito ang tainga sa dibdib ng aming ina, "Are you okay, ma?" Hindi ito sumagot bagkus nanatili sa kaniyang pagkakabaluktot.

Umagos ang luha ko, "I dunno, biglaan na lang s'yang natumba at sumigaw. Is she okay? Tell me kuya. What have I done wrong?"

"Don't cry, it's maybe her and dad's bond. It is been almost four days, malamang nahihirapan na s'ya." Ipinaling niya ang ulo sa mga kasama, "Dianna, help me dalhin natin s'ya kay Simon. Marco, stay here with Celestine."

"No! Sasama ako!" Pinigil ko ng mga kamay ko ang paglapit sa akin ni Marco. I knew it was my fault, atleast part of it. "I need to be with her," mahina kong bulong.

Nagbuntong hininga si kuya Lyndon, "Fine, but we need to hurry up. Dianna?"

Tumango si Dianna at bumulong ng mga ekantasyon, "Aperta ianua." Humuni ang hanging nakapaligid sa amin katulad nang nanyari kanina at isang lagusan ang nagbukas. Agad binuhat ni kuya Lyndon si mama at pumasok sa lagusang nalikha.

Nanginginig akong tumayo sa kina-sasalampakan at sumunod sa kapatid, gayon din sina Marco at Dianna.

"Simon," bati ni kuya Lyndon sa bagong labas sa banyo na prinsipal.

"What are you all doing here? Lyndon? And, is that Elena?" Tumuro ang gulat na lalaki na nakatapis lang sa aking ina. "What's wrong with her? Are you all okay? May nangyari bang masama? Celestine, ikaw ayos ka lang ba?" Sunud-sunod pa nitong tanong.

"Just stop asking too much questions and help us!" Galit na singhal ni kuya Lyndon habang marahang ibinababa sa kama ang aming ina. Tumakbo pabalik sa banyo ang prinsipal at ilang segundo lang bumalik ito na naka-damit na. Pumunta ito sa paanan ng kama at sinapo ang ulo ng aking ina.

"Ge-get he-her away fr-from here," nangangatal na tugon ng aking ina.

"Marco, ilabas mo muna dito si Celestine," baling sa akin ng prinsipal.

"Pero? Mama!" Naramdaman ko ang pagkapit ng isang kamay sa braso ko. "Marco, teka lang. I need to stay."

"You need to," bulong sa tabi ko ni Dianna. Bumaling ang mukha ko rito, humihingi ng kasagutan, "Your making her feel more pain, reflecting your emotions to her, hightening her agony," pagpapaliwanag nito.

"Pe-pero."

"Come on, she'll be okay." Gusto kong magpumilit pero ang itsura ng aking ina na namimilipit sa sakit ang nagpapigil sa akin. Wala na akong nagawa at sumama na ako palabas kay Marco. Tahimik kaming naglakad sa madilim na pasilyo hanggang makalabas kami sa main building; ang kamay niya hindi nililisan ang braso ko. "Tell me, what's running in that head of yours?" Huminto kami sa paglalakad at napalingon ako sa mukha ni Marco, sa nangungusap niyang mga mata. Bumaba ang paningin ko sa hindi bumubukang bibig nito "Try me, I'm always good at listening. 'Wag kang masyadong maging plastik sa sarili mo, ayos lang umiyak, ilabas mo lang ang lahat." Umiling ako at naupo sa pamilyar na puno. Sa puno kung saan ko unang nakita si Franco at nabuo ang koneksyon namin. Umupo sa tabi ko si Marco at pinunasan ang mga luhang hindi pa rin matapos sa pag-agos sa mga mata ko.

Hinawi ko paalis ang kamay ni Marco. Lumunok ako at malakas na umiyak, "I promised him na hindi na ako iiyak. Alam mo ba'ng pakiramdam ko hindi na siya babalik?"

"You don't know that, 'wag kang magsalita ng tapos."

"He said goodbye!" Sigaw kong pabulong sa kaniya. "He said goodbye in my dream and it felt so real."

"I-" Hindi magawa ni Marco na magsalita.

"And this? Everything that is happening to me. I'm even hurting my own mom. These powers, I'm having? They are only causing pain. Bakit pa ako nabigyan ng kapangyarihan kung hindi ko naman sila kayang gamitin nang maayos?" Naglabas ako nang malalim na hininga at tinuyo ang mga mata gamit ang suot na damit.

"Malalaman mo rin 'yon, lahat ng mga bagay ibinibigay dahil sa magandang rason."

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, ha Marco? How can I know? Kung lahat naman ng nakakaalam ay ayaw sa'king ipaliwanag ang mga bagay-bagay? How can I, If I keep on running in circles?"

"I don't know, hindi lang naman ikaw ang nahihirapan dito, Celestine. Nahihirapan din naman ako sa mga nangyayari," malamig na tono ni Marco.

"I know and also hurts me, that I am causing it. Pagod ka na ba? I won't blame you." Tumigil ako para lingunin ito; nakatingin siya sa kalangitan, sa bilugang buwan. "You know, I wanted to tell you to get loss, but, hindi ko kaya, kasi...I need you. Maybe--" huminto akong muli.

"Maybe?"

"I need to accept my new reality."

"And that is?"

"That you are my mate and I am never going to be normal again." Tumahimik kaming parehas, walang gustong bumasag sa katahimikang lumilibot sa amin, pareho kaming nakikiramdam. Isinandal ko ang uluhan sa balikat niya at pumikit. I know, I need to be strong and I will be. Kung ayaw nilang sabihin sa akin ang totoo ako ang hahanap ng paraan para mahanap ito at gagawin ko ang lahat.

"Yanna? I mean, Celestine? Naririnig mo ba ako? Ayos na ang mom mo, she's resting now, pero hinahanap ka niya. The principal asked me to get you, aantayin ko kayo ni Marco dito sa labas ng main building," pangungusap ni Dianna sa isip ko.

"Marco, we have to go," yugyog ko sa nakapikit na, na katabi.

"Is your mom, okay?" Tumango ako at tumayo. Agad akong binuhat ni Marco para mapabilis ang paglalakad namin. Pagkalapag ko sa sahig ay walang kung anu-anong iniwan ko ang dalawa at tumakbo agad papasok sa main building, paakyat sa hagdanan, ngunit napahinto ako sa labas ng kuwarto ng prinsipal. Natatakot ako sa kung ano ang magiging reaksyon ng aking ina, kung ano ang kaniyang sasabihin.

"Celestine, go ahead pumasok ka na." Bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang mukha ng kapatid. "Inaantay ka na ni mama."

Nagaalinlangang tumapak ang mga paa ko papasok sa kuwarto, ang mga mata nakatuon sa sahig. "Come here, anak."

"I'm sorry, hindi ko sinasadya." Unti-unting umakyat pataas ang mga mata ko. "Are you okay now? Wala na bang sumasakit sa'yo? Did they cut you off with dad's connection, like me?" Sunud-sunod kong tanong rito.

"Alam ko namang 'di mo sinasadya. Halika nga dito." Tinapik niya ang p'westo sa tabi niya; lumapit ako rito at naupo sa kama. Kinuha niya ang mga kamay ko at pinagmasdan ang mga ito, "I'm still connected with your dad so don't worry too much, okay? Ang laki-laki mo na anak, kai--"

"Ma, focus here, are you really okay? 'Yung totoo please? Ilang araw ka ng nakahiwalay kay daddy," putol ko rito.

"Anak, I can bear the pain. My connection with your father is different from yours. I can live without my mate, nagkagano'n lang ako kanina dahil hindi mo nakontrol ang galit mo, and that only shows how strong you are! You are growing like the woman I'm expecting you to be." Nakangiti ito sa akin, kumikinang ang mga mata niya na parang siya na ang pinakamasayang tao sa mundo, na wala nang hihigit pa sa kaniya. Na ang mga nangyari kanina ay isang magandang bagay.

Author's Note: I know I haven't been writing much but I promise next year would be a new year an new me. I would have more time na. I swear. Ahahah. By the way if you like this chapter here's the link to the previous one: https://read.cash/@baoxian23/anomaly-part-17-ang-mga-tao-sa-likod-ng-mga-balat-kayo-203ff27b

Enjoy reading po!

2
$ 0.89
$ 0.86 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Hanzell
Sponsors of baoxian23
empty
empty
empty
Avatar for baoxian23
2 years ago

Comments