Wala ng tayo.

1 28

Sa bawat pagtitig

kapalit ay kilig.

Sa bawat salita

kapalit ay saya.

Iba ang nadarama

lalo na pag lumapit ka.

Iba ang ligaya

lalo na pag kasama ka.

Mga pangakong binitawan,

pag-ibig na walang hanggan,

maligayang pagsasamahan,

salita mong pinaniwalaan.

Ngunit bakit tila nagbago?

Tila ba kay lupit ni tadhana

Bakit pangako'y napako?

Tila ba nawalan ng gana.

Humingi ng sagot

sa bawat tanong na hinuhugot.

Humingi ng paliwanag

ng pag-iisip ay lumiwanag.

Anong nangyari?

Hindi ba't masaya naman dati?

Hindi ba't sabi mo'y tayo hanggang sa huli?

Hindi ba't sabi mo'y hindi iiwan kahit na sandali?

Gusto kong kumapit,

ngunit hindi na kaya kahit pa sumabit.

Gusto kong maniwala,

na tayong dalawa ay magiging isa pa.

Alam kong malabo na

dahil alam kong maligaya ka na,

dahil alam kong kuntento ka na,

dahil alam kong tayo'y tapos na.

4
$ 0.00
Sponsors of annyeongkleopatra
empty
empty
empty

Comments

Nice article..

$ 0.00
3 years ago