An accountancy graduate.

0 5

"Magaling ka sa Math, mag-accountancy ka!"

"Plus saka minus lang naman 'yan!"

"Diba accountancy ka? Dapat lagi kang nagbibilang."

"Sa bangko ka nagwowork?"

Ilan lang iyan sa mga naririnig kong tanong at opinyon ng mga nakakasalamuha ko. Madami siguro ang nagkakaroon ng misinterpretasyon sa kursong Accountancy. Ngayon, sasagutin ko ang ilan dito.

Oo, may math sa accountancy. May plus, minus, times, divide. Nagbibilang kami at may ibang nagwowork sa bangko. Pero hindi lahat.

Hindi dahil accountancy ay magaling na sa math. Kapag pumasok ka sa kursong accountancy, i-ready mo na ang sarili mo sa mga akala ng lahat. Ang accounting ay more on analyzation. More on reading and english. Kahit sabihin nating top 1 ka pa sa Math, kung mahina pa ang pag intindi mo sa mga problems. Mahihirapan at mahihirapan ka pa din.

Mahirap? Oo, sobrang hirap. Tapang ng loob at tiwala sa sarili ang dapat kapitan. Isama na din natin si God na never kang iniwan sa bawat exams, quizzes at recitations.

Mga pinaghalo halong problems, taxation at law na halos mabaliw ka na kakabasa maintindihan lang. Swerte mo na kung may kaparehas na lumabas sa exam.

Isa ako sa swerteng nakapagtapos sa kursong ito, hindi ko sinasabing magaling ako at hindi ko sinasabing matalino ako. Siguro naging madiskarte at matiyaga din ako. Uunahan ko na kayo, Psychology ang unang kursong gusto ko. Napakalayo sa kursong natapos ko hindi ba? Ngunit sabi nga nila, lahat naman ng nangyayari sa atin may rason. Maswerte na lang din siguro at may mga kaibigan akong never akong iniwan sa buong taon kong nagaaral ng accounting. Mga kaibigang kasabay kong makipagtagayan ng isang basong kape at kasama sa lahat ng puyatan.

Natapos ang lahat at dumating ang enrolment ng review centers. Wala naman akong ideya dati dito, sumunod lang din ako sa gusto ng mga magulang ko at mga kaibigan ko. Siguro kasi una palang iba naman ang gusto kong kurso kaya wala sana akong balak magtake ng board exam. Mahina ang loob ko at mababa ang tiwala sa sarili. Itong mga katangian ang dapat baguhin kung tutuloy sa kursong ito. O kahit saan naman, kailangan mo ng tiwala sa sarili at lakas ng loob.

To make the story short, hindi ako pinalad sa unang take. Masyadong magulo ang isip ko. Masyadong pagod ang buong ako. Pagtungtong ng 5th year, integ review. Pagkagraduate, isang linggo pa lang nagstart na ang klase sa review centers. Wala kaming naging maayos na bakasyon para magrefresh sandali. At aaminin ko, nawala ako sa focus nung mga pahanon na yun kaya sobra ko ding pinagsisihan ang mga nangyari. Pagkatapos, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kaya gumaya ako sa mga kaibigan ko na magtrabaho habang nagrereview. Oo, nag-enrol muli kami sa review center, magbabakasakali na papalarin muli ngayong Mayo.

Ngunit siguro nga na-drained ako. Umabot sa puntong, pakiramdam ko pagod na pagod ako. Hindi ako makaaral ng maayos. Weekdays papasok ako sa bangko. Weekends, nasa review center ako. Parehas na buong araw. Oo, sa bangko ako pinalad at ayoko namang sayangin ang oportunidad na nasa harapan ko kaya sinubukan ko na. Pero hindi kinaya ng loob at pag iisip ko. Masyado na ata akong napagod na nagkagulo gulo na ang isip ko pati ang damdamin ko.

Habang maaga pa, nagpaalam ako sa manager ng bangko kung saan ako na-assign. Nanghihinayang man, wala naman akong choice dahil nahihirapan ako. Mas pinili kong unahin ang pagrereview kaysa pagtatrabaho. Nagsumikap ako, nagfocus ako sa mga aralin ko para makabawi. Ayokong mabigo ko muli ang magulang ko at ayokong pagsisihan ang pag-alis sa trabaho ko. Dumating ang prelims at ang main goal ko? Makapasok sa top 100. Ngunit hindi pa ata ako handa masyado. Nagpapasalamat pa din ako dahil hindi nasayang ang puyat at pagod ko sa pag aaral, nakapasa ako sa lahat ng subjects.

Inihahanda ko na ang sarili ko na makabawi para sa finals pati na din sa darating sana na board exam ngayong May. Kaso dumating ang pandemic, nagkagulo gulo. Sa pangalawang pagkakataon, hindi ko muli alam kung saan ako mapupunta ngayon. Natakot akong magtake muli. Nawala ako sa focus.

Mahirap? Oo, mahirap. Pero sa panahon ngayon, mas kailangang maging maingat. Mas kailangan ang matinding pagtitiwala sa Diyos.

Sa pagtatapos ng pandemic, napagdesisyunan ko na maghanap muli ng trabaho. Siguro isa na ding factor na naisipan ko ito ay dahil tumatanda na din ako at gusto kong may mapatunayan na sa sarili. Naisip ko din na magseself review naman na ako, mahahandle ko na ang pagrereview habang nagtatrabaho kahit papano dahil hawak ko na ang oras ko sa pag aaral.

Siguro nga may rason ang lahat, siguro hindi pa ngayon. Pero hindi magiging dahilan ang pandemic o ano mang bagay para abutin ang mga naudlot na pangarap.

Maraming salamat sa pagbabasa at mag-ingat po tayong lahat!

1
$ 0.00
Sponsors of annyeongkleopatra
empty
empty
empty

Comments

These days a pandemic is the cause of everything. We need to blame something. 👍

$ 0.00
4 years ago