read.cash Log in
a@anjhernan more from that month

para sa mga nasa Manila. Doble ingat po tayo. Kahapon nakasakay kami sa taxi at binabagtas ang taft avenue. Nakastop light sa kanto ng Remedios St at Taft Ave. Biglang may nagbukas ng pinto dun sa tabi ng driver at sa pinto sa passenger seat na katabi ng driver. Doon nakaupo si partner. Mga kabataan na parang mga tambay yung nagbukas nanghihingi ng pera. Dalawa dun sa pinto ng driver at isa dun sa pinto kung saan nakaupo si partner. Mabuti na lang nailock ko pinto sa likod . magisa pa man din ako sa likod. Binigyan nya na lang ng bente, sabe nya kase nakita nya may hawak na bato. Pagkabigay naman nya umalis na sila agad. Tapos nag-Go na ung sa traffic light. Kaya pag nasa taxi or kotse kayo siguraduhin nuo na nakalock ang pinto. Mabuti na lang talaga pagkasakay bg taxi, simisigurado ko agad na nakalock ang pinto. At mabuti din na hindi kami nagamit ng selpon habang nasa byahe. Panigurado, I nisnatch yun. Doble Ingat po noisy peeps

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.