read.cash Log in
a@anjhernan more from that month

Habang nabili ng barbecue kanina, may batang namalimos sa akin habang kinakalog yung lata na dala nya. Imbes na bigyan ng pera, tinanong ko sya kung gusto nya nung hotdog. Tumango naman sya na may kasamang ngiti. Parang natuwa sa offer ko. Tapos dumating kasama nya, kaya inalok ko din ng hotdog na pinaihaw ko na rin sa nagtitinda na pinasama ko sa babayaran kong barbecue. Nang maluto na barbecue, sabe ko sa tindero bigay na lang dun sa dalawang bata. Umalis na kami baka dumating pa mga tropa nila at magpabili din haha. Kidding aside, mas tumatak sa akin yung ngiti ng bata ng alukin ko sya nung Hotdog.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.