read.cash Log in
@alicecalope more from that month

Mahal ba talaga niya ako o hindi?

Blog 69-18th Date :April 29,2022 Time :10:00am Isang tanong na minsan ko ng itinanong sa aking asawa Kung mahal ba talaga niya ako.

Una nung nag attend kami ng seminar Para sa aming wedding, tinanong siya bakit ba kami magpapakasal? Ang sagot niya "unsaon Taman naa naman ni? (what can we do she's already pregnant?) I was totally shock of his answer Para akong sinampal sa sakit dahil marami ang nakarinig sa sinagot niya, mga 5 pairs Ata kaming umattend ng seminar. Kung kayo sa katayoan ko,ano ba ang mararamdaman niyo? However! Nung minsang tinanong ko siya bago pa kami ikasal Kung mahal ba talaga niya ako at handa ba talaga siyang pakasalan ako, ang Sabi Lang niya hindi pa ba sapat na namanhikan sila Para proof na seryoso daw siya? But he didn't answer my question. Iba ang sagot niya sa tanong ko. Year 2020,December 26, it was my bday .a month before our wedding Sabi niya titigil na daw siya sa pagyoyosi on my birthday pero hindi niya nagawa. Then nagpromise ulit siya na titigil na siya pag lumabas na anak namin pero until now di pa rin niya nagawa, my son will turn 2 years old this coming June. So aasa pa ba ako na Kaya niyang tuparin ang pangako niya? Alam na Alam niyang ayaw ko ang amoy ng yosi at Alam niyang nakakasama ito sa anak naming my hika pero wala pa rin siyang ginawa. Nagmakaawa na ako na Sana itigil na niya ang kanyang pagyoyosi for the sake of our son pero wala eh, wala siyang effort na itigil ito. Isa sa dahilan Kung bakit ayaw ko siyang my sariling pera or my trabaho dahil nagiging chain smoker yan. Kaya atang umubos ng higit P50 a day. Kapag wala naman siyang pera ayun nangungutang Para lang makapagyosi. Now tell me di ba ako maiistress sa style niya? Wala na ngang trabaho inuuna pa ang bisyo. Eh di wow! Just more than a week after I gave birth my dugo pa ako pero pinipilit niya akong makipag s*x kahit Sabi ko sa kanya na masakit. Kung kayo ba masasabi niyo ba na mahal niya talaga ako? Kung di niya kayang iconsider yung feelings ko? Kung di niya ako kayang respitohin. Kaya ayun more than 2 months bago nawala ang dugo ko at sakit ng aking private part.Besides sweet Lang siya pag gusto niya akong galawin, minsan naiisip ko parang I am doing this thing dahil obligation ko to bilang asawa niya. I can't feel the love anymore. If my gusto akong sabihin sa kanya lagi nalang niyang minamasama kahit ang gusto ko Lang eh malaman niya Kung ano yung nararamdaman ko. My time na sinabi ko sa kanya one day I will find someone na handang makinig sa akin. Yung handa akong pakinggan kahit ano ang aking sasabihin dahil wala eh ang hirap niyang kausap. Hindi nga niya Alam ang mga bagay na gusto ko like my favorite flavor ng cake. Minsan nag effort siyang isurprise ako nagpabili siya ng cake ng kanyang sister at Sabi niya yung chocolate daw Sabi ng sister niya Diba mocha ang favorite ni ate? Pero Sabi ni hubby chocolate Lang daw kasi masarap. Di niya Alam na di ako mahilig sa chocolate cake Kaya ayun ilang araw din nakatambay sa ref ang cake na binili niya. Masakit Para sa akin na Alam Kong lagi nalang niya akong tinitake for granted. Kapag my sinasabi ako parang wala siyang naririnig oh wala talaga siyang planong Makinig. Di rin niya Alam Kong gaano ako magpahalaga sa mga bagay na napundar ko or binigay sa akin. Bago pa kami nagpakasal marami na akong gamit sa bahay Kaya di na kami nahirapan nung bumukod kami. My mga caps ako na bigay sa akin at pinahiram Lang niya sa family niya at nawala lahat ng caps na pinahiram niya. Masakit sa akin dahil iningatan ko Yun tapos wawalain Lang ganun ganun. Kaya dahil sa mga ganung pangyayari natuto akong maging madamot kahit sa family niya. He doesn't know if di ako okay. Like pag nagtampo ako sa kanya. Kahit pa Alam na niya wala pa rin siyang ginagawang effort Para maging okay kami, ang gusto niya magiging okay kami after a day kaming di magkibuan. To be honest hindi ko habit na wag magpansinan at kiboan pero dahil sa kanya natuto akong tiisin na wag kaming mag usap for 3 days. Anong akala niya magiging okay kami kahit wala naman siyang ginawa? Nung first few weeks ng aming relasyon as mg jowa ang sweet sweet niya, daming mga paasa na Salita. Mahinahon pa magsalita pero nung tumagal eh tinataasan na ako ng boses. Nung first wedding anniversary namin I made a letter for him, nung binabasa na niya ang Sabi Lang niya sa akin San mo to nakuha? Ano daw? Anong ibig niyang sabihin kinopya ko Lang Yung sinulat ko. Ito Pala ang sinulat for him. **“TAYO”** *Sisimulan ko ang sulat na ito sa mga panahong pareho pa tayong nagpapacute sa isa’t isa* *Masaya at nakakaexcite naman talaga yun* *Maraming salitang,ang gagandang pakinggan* *Ang sarap sana kung kayang panindigan* *Masaya naman,sa umpisa nga lang* *Kung laging sabi ng iba”Sana All”* *Ang sabi ko naman “Sana Always”* *Sana always sweet* *Sana always expressive* *Oo,madaling magmahal*  *pero ang patuloy na magmahal sa iisang tao lang*  *Ay kailangan ng dalawang taong handang magtulungan* *Para relasyo’y magtagal* *Pareho tayong sumugal para mabuo ang salitang “TAYO”* *At sa pag aakalang tatagal tayo* *Unang tatlong araw ng maging tayo* *Pinadama mo na ako’y mahalaga sayo* *At nagdaan pa ang mga araw* *Na tila gabi ginawang araw* *Hanggang sa dumating ang mga araw* *Na tayo’y hindi na nagkakaintindihan* *Dahil sa iyong mga kalokohan* *Sinikap kitang intindihin* *Kahit masakit sa aking damdamin* *Pinilit kitang pagkatiwalaan*  *Ngunit ako’y iyong binigo* *Sinira mo ng paulit-ulit* *Tiwala na sayo’y pinagkatiwala* *Dumating na araw na ating pinakahihintay* *Kung tayo ba ay magtatagumpay* *Isang taon* *Mula ng tayo’y sumugal* *Masayang alaala aking tinatanaw* *Salamat sa mga panahong ako’y iyong pinasaya* *Salamat sa mga panahon na iyong pinadama* *Na ako sa iyo’y mahalaga* *Bangayan,tampuhan at asaran* *Na tila bay’ nakasanayan ko na* *Lahat ng hirap at sakripisyo* *Para sa salitang “Tayo”* *Tiwala ma’y di ko pa kayang ibalik* *Pagmamahal ko sayo’y di mawawaglit* *Relasyon ma’y di perpekto* *Basta tayo’y may respito* *Binigay ka ng Diyos sa akin ng may dahilan* *Ikaw ay aking kailangan* *Para ako’y may matutunan* *Pasensya kung ako ma’y pagkukulang sayo* *Lahat gagawin ko*  *Para sa salitang “Tayo”* *Akong handang magtiis ,pasensya habaan* *Para sa “Pamilya”* *Pamilyang ating binuo* *Lahat may pagbabago* *Pero alam kong kaya natin ‘to* *Basta wala sa atin ang susuko* *Sabay nating harapin* *Hirap ng buhay ating kakayanin* *Sa Dios magtiwala* *Alam kong siya na ang bahala* *Buhay man ay hindi marangya* *Basta tayo’y masaya’t mapayapa* *Salamat sa pagsisilbing ginawa* *Sa pagbabagong pinakita* *Alam kong kaya mo yang gawin* *Para sa pamilyang di mo kayang tiisin* *Para tiwalay ibigay* *Para buhay maging matiwasay* *Pinagtibay tayo sa lahat ng ating pinagdaanan* *Sana ay umpisa na ito ng ating walang hanggan* *Ako’y sayo at buong magmamahal* *Dahil pareho tayong sumugal* *Para sa aking akoy panalo* *Bigay ka ng Diyos para akoy mabuo* *Salamat Sayo* *Dahil sayo*  *May salitang “TAYO”* Isa pa Kung totoong mahal niya ako bakit lagi siyang gumagawa ng mga bagay na Alam niyang ikakagalit ko or masasaktan ako ? Tapos pag sinabi ko na pagod na ako siya ang my ganang magsabi na pagod na din siya. Eh di wow ulit dahil ako na nga ang nahihirapan sa kakatiis Para Lang wag kaming mawasak, ako pa nga ang naghahanap buhay Para sa pamilya namin siya pa ang napagod? Minsan naitanong ko sa aking sarili? Kulang pa ba lahat ng aking ginawa? Naging pasaway ba ako? Sakit ba ako sa ulo? Kahit ako yung taong pranka at pero ni minsan di ko siya pinagsabihan ng masama dahil ayokong makasakit ng Tao. Lahat tiniis ko para wag Lang kami mawasak. Ilang beses ko ng gusto sukuan ang aming relasyon pero pilit akong nagpakakatatag Para wag Lang kaming mawasak. Una, nung nalasing siya at nagwala dahil sa barkada niya, pinilit Kong pakalmahin siya pero wala akong magawa wala siyang kinikilala kahit magulang niya ayaw niyang pakinggan and it didn't happen once but tatlong beses na nangyari ang ganun yung last ang Pinaka worst dahil sa hindi na ako nakatiis dahil nagwawala na siya at nakita Kong umiiyak yung eldest ko at Yung bunso ko Mas pinili Kong umaalis kahit hating Gabi. And then he committed suicide buti nalang at nakita siya agad ng boyfriend ng sister niya. Kasalanan ko ba Kung mahina siya? Kasalanan ko ba Kung nagmana siya sa mama niya na mahilig magsuicide? Alam ng asawa ko na Kaya ako napadpad sa lugar nila dahil umiiwas ako sa lasenggo Kong Tatay. Add ko Lang just recently pinakita ko sa kanya yung photos ko nung slim pa ako pero ang sinabi Lang niya eh yan ang masarap kas*x. Kung kayo ba matutuwa ba kayo sa sinabi niya? Nung inopen ko sa kanya na feeling ko wala na siyang respito sa akin sinabi niya ako pa ang makitid ang utak at kahit sa maliit na bagay eh ginagawa Kong isyu. Sabi pa niya Kung ganito ako kakitid ang utak ko eh maghiwalay nalang kami. Mali ba ako na feeling ko nabastos ako sa sagot niya, not only once tong nangyari. My time din na sinabi niya sa akin na hindi talaga ginalaw yung ex niya Dahil malaki ang respito niya sa ex niya so meaning di niya ako ni respito kasi ginalaw niya ako. Ganun ba Yun? Ano sa tingin niyo? Mali ba ako? Just earlier today I had the chance na ilabas at sabihin sa kanya lahat lahat ng gusto Kong sabihin bahala na siya Kung anong gusto niyang mangyari basta ako di na ako masaya at pagod na pagod na ako. Wala naman siyang imik. **Writers message** While writing this article bumubuhos yung luha ko. Hindi ito ang pangarap Kong buhay Lalo na Para sa anak Kong panganay. Okay Lang sa akin kahit di mayaman at magarbong buhay basta tahimik at masaya. Mas pinili ko siya sa Pag aakala Kong sa kanya ako sasaya. I really miss being loved , being pampered, Namiss ko na my taong handang makinig at intindihin ako. Namiss ko na lambingin pag nagtatampo ako. Namiss ko na my taong na appreciate yung mga ginagawa ko. Namiss ko na my ka bonding or kausap. Namiss ko na sabihan oi ang ganda mo, bagay sayo yung suot mo. Alam ko girls naintindihan niyo ako. I have to write it in tagalog kasi Mas mailalabas ko yung lahat ng gusto Kong sabihin. Hirap din kasing walang makausap.Parang sasabog na ako sa sakit ng puso ko. Now that you have read this article, Tama ba na mahalin ko pa siya o Tama ba ako na hindi niya talaga ako mahal?Kayo na bahalang magjudge. `Photos used in this article are all owned by yours truly unless it is stated.` `Lead Image edited using Canva` `To my ever-dearest daily readers, upvoters, and likers. thank you for your precious time and for your efforts. I love you all.` `To my amazing and generous sponsors who have been supporting me since from the start thank you so much for inspiring me to do better each day.`

71 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.