Masakit na kahapon (part 2)

6 22
Avatar for ajlove14
2 years ago
#32 blog 💚 April 30,2022 💚 9:54pm

Hello again read cash fam.eto na po ang karugtong ng previous article ko,para po sa hindi pa nakabasa here it is.

https://read.cash/@ajlove14/masakit-na-kahapon-part-1-ed9b1afc

Nasa pang 5 months na ang pinagbubuntis ko noon,habang naghahanda si partner sa pagpasok sa trabaho ay may biglang kumatok sa bahay,nasa banyo si partner ng time na yun kaya ako na nagbukas ng pinto,Yung kapitbahay pala namin at may kasama siyang isang babae na hindi ko kilala,tinanong ko kung bakit?sumagot yung kapitbahay namin na "sinundo lang namin si kuya para sabay na papasok" yun ang sagot sakin.Nagtaka man ako pero hindi ako nagpahalata sa isip ko "ilang buwan na kami dito ngayon palang may sundo moment?"

Womans Instinct

Ilang beses din naulit ang pagsusundo na yun,nghihinala na ako pero wala naman akong ebedinsya,kadalasan late na kung umuwi si partner,pag umuuwi naman ng maaga nasa labas nakatambay hating gabi na kung pumasok sa bahay,minsan tumawag ako s work nila maaga daw umuwi pero wala pa sa bahay,uuwi gabing gabi na at nakainom pa.Ako naman tahimik lang at walang kibo pero deep inside sobrang sakit na,Minsan kinompronta ko siya pero hindi siya umamin,"may magnanakaw ba na umamin?.ilang buwan din na ganon ang ginagawa niya,hindi naman ako pwedeng pumunta sa workplace niya dahil pinagbabawalan niya akong pumunta doon,minsan nga pumunta ako ng hindi niya alam,galit na galit siya akin at pinauwi niya agad ako,awang awa ako sa sarili ko pero wala naman ako magawa kundi iyak nalang sa tago,iniisip ko nalang na baka magbago din siya pag-lumabas na ang baby..

Habang lumalaki ang tiyan ko pababa naman ang timbang ko,bumagsak ang katawan ko dahil s stress,wala ako mapagsabihan ng problema noong time na yun,kaya kimkim ko lahat ng sama ng loob ko,iniisip ko nalang yung baby sa tiyan ko para patuloy na lumaban sa hamon ng buhay..

Forward

Lumipas ang ilang buwan at nakapanganak na ako,thanks god at healthy ang anak ko sa kabila ng pinagdaanan kong stress habang pinagbubuntis siya.Naging ok rin naman si partner inaalagaan na ako at maaga na siyang umuuwi sa bahay,minsan pag tanghali breaktime umuuwi din,malapit lang kasi workplace niya sa inuupahang bahay namin,kaya sabi ko baka nga ngbago na dahil may baby na,nabawasan narin ang kinimkim kong galit dahil sa mga magagandang pinakita niya.Pero yun ay pansamantalang kaligayan lang pala..

Bumalik ulit siya sa bisyo niya,hindi ko man nakita pero naramdaman ko,paano ba naman ayaw niya na mahawakan ko ang cp niya,dinadala kahit sa banyo,pag nakacharge naka off at merong pin pag inopen,meron pa na kapag ngttxt nakatalungbong pa ng kumot,ano kaya yun!

Simula noon napapadalas na ang away namin,bumagsak ulit ang katawan ko,ngkaroon pako ng post-partum depression dahil ilang buwan simula ng nanganak ako ay na stress na,wala akong mapag labasan ng sama ng loob,wala akong mapagsabihan,hindi nako makatulog sa gabi dahil sa kakaisip,iyak nalang ako ng iyak..

Meron pa nga na umuwi ng madaling araw at lasing,binuksan ko lang ang pinto at bumalik na sa higaan,nagulat nalang bigla akong binato ng pinaghubaran niya ng sapatos at tumama ito sa likod ko,napabalikwas ako dahil at sa sobrang galit ko binato ko pabalik sa kanya ang sapatos,hanggang sa nagkasakitan na kami,ano ba naman ang lakas ng babae sa lalaki kaya kinabukasan ang dami kong pasa at sugat.

Gustuhin ko man umalis wala akong mapuntahan,ayaw ko din abalahin yung kapatid ko dahil marami din siya problema,kaya tiniis ko ang lahat,kada away namin nagkakasakitan na kami,meron pa ngang time na napakuha ako ng matulis na bagay dahil sobra na ginawa niyang pananakit kaya napatigil siya.Nabulag ako sa sobrang pagmamahal,hindi ko na iniisip ang sarili noong time na yun,hinayaan ko na ganon ang gawin sakin.

Patuloy akong nakisama sa kanya alang alang sa bata,hanggat maari ayaw ko sana maging broken family,pero habang tumatagal mas lalo lang lumala,halos araw araw na kaming ng aaway,hindi na siya tumigil sa bisyo niya.Hindi kami nakakapag usap ng maayos dahil kunting bagay away agad..

Hanggang sa isang araw,grabeng away namin,naawa nako sa sarili ko,nakakapagod na ang ganitong buhay,sabi ko sa sarili ko "tama na ang pagiging martir" habang umiiyak,hinintay ko lang ang pag alis ni partner papuntang trabaho para makaalis kami ng anak ko,noong araw din na yun humingi nako ng tulong sa dati kong kaibigan,ipinagtapat ko na rin sa kapatid ko ang totoong nagyari sa buhay ko,tinulungan naman ako ng kaibigan ko para makaalis doon at pinatuloy muna ako sa bahay nila habang hinihintay ko ang padala ng kapatid ko para makauwi kami ng anak ko sa probinsya.

Makalipas ang dalawang linggo bumiyahe kami pauwi ng probinsya kasama ang anak ko,tumatawag si partner nasa barko na kami,umiiyak ako habang kausap siya,masakit pero kailangan kong gawin bago pa tuluyang maging miserable ang buhay ko,mas maigi na yung umalis nako para makapag isip,life must go on,makakalimutan ko din siya at ang bangogot na nangyari sakin,habang may buhay may pag-asa..

The end..

Lesson learn

Hindi maitutuwid ang Mali sa isa pang pagkakamali,Sa pagsasama ng mag-asawa o mag partner importanteng pundasyon ang TIWALA,PAGMAMAHAL AT RESPITO,pag wala yan 90% wasak ang pamilya..

Thanks you so much to all readers,sana po ay hindi kayo magsawa sa pagbabasa ng article ko,blessed saturday evening to all,godbless and keep safe always...

Thank you so much to my sponsors..love you all..

4
$ 0.21
$ 0.18 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @BCH_LOVER
Sponsors of ajlove14
empty
empty
empty
Avatar for ajlove14
2 years ago

Comments

Grabe pala yung pinagdaanan mo sis. Buti umalis ka sa poder niya at mas piniling lumayo. Btw, saan na siya ngayon sis? May pamilya na siya na iba?

$ 0.00
2 years ago

Oo sis,grabe talaga,may pamilya nadin siya ngayon sis,isa sa mga babae niya noon nagsama pa kami yun ang naging asawa niya

$ 0.00
2 years ago

Ah ganun ba sis? Pero nagbigay siya ng sustento sa anak niyo o wala?..ilang taon na pala yung anak mo sis?

$ 0.00
2 years ago

Mag 16 na anak ko sis,dati sis noong nasa probinsya kami ngpapadala siya minsan

$ 0.00
2 years ago

Ay malaki na pala anak mo sis. Akala ko bata pa yung anak mo sis

$ 0.00
2 years ago

Oo sis binatilyo na yung panganay ko

$ 0.00
2 years ago