Masakit na kahapon (part 1)

Avatar for ajlove14
2 years ago
#31 blog 💚 april 29,2022 💚 9:45pm

Blessed friday read.cash fam,how is your day?Thanks god its friday,tomorrow is salary day yehheyyy, akala mo may trabaho eh noh hahahaha..anyway sahod ng asawa bukas,since ako ang treasurer niya kaya ako tagahawak ng sahod niya,oh diba!

Today,i will write a taglish article,medyo ng drain ang utak ko eh because of judith,anyway judith is part of our life kaya kailangan talaga siyang bayaran pagdumating.

Lets move to the main topic...

Madalas akong napapasama sa disco bar during my single days,lahat na yata ng disco bar napasukan na namin,cowboy grill,nirvana,calle5,at padis point.Hindi naman ako gala,madalas lang kasi akong mayaya noon ng dati kong kaibigan,nahiya din ako tumanggi dahil sasabihin agad na KJ (kill joy) daw ako kaya kahit ayaw ko napipilitan sumama.Halos gabi-gabi kaming nasa disco bar,minsan nakakasawa narin at nakakapagod pero kailangan ko makisama.Libre lang din naman kaya sige go lang ng go...

*M.U (Mutual understanding*

Nasa ganitong level lang kami noon,tuksuan lang ng mga kaibigan,mag tropa naman kami kaya deadma lang,may gf din siya during that time kaya walang personalan biruan lang,Magkasama kami sa apartment kaya nasanay narin kami sa pang aasar ng mga kasama namin.Minsan sumabay siya samin sa para magdisco,nagkatuwaan ng sobra,andun narin ang tuksuan,nalasing, hanggang sa nagyari ang hindi dapat mangyari.

Kinabukasan ng mahimasmasan ako,nakaalis na siya papuntang trabaho,balak ko sana siyang kausapin pag uwi niya pero naunahan ako ng hiya dahil parang balewala lang naman sa kanya ang nagyari,kaya hinayaan ko nalang,umiiwas nalang din ako dahil nahihiya ako sa sarili ko,nagsisi ako kung bakit hinayaan ko na mangyari ang ganon.

Makalipas ang isang buwan hindi na ako dinatnan,kinabahan nako,natakot,paano ko sasabihin sa mga magulang ko?Nilihim ko muna sa mga magulang ko ang nangyari sakin,kapatid ko lang ang pinagsabihan ko na andito din sa manila noon.Sa isip ko saka ko nalang sasabihin sa mga magulang ko pag may lakas na ako ng loob.

Kinausap ko ang ama ng pinagbubuntis ko,doubted pa siya na siya ang ama,ayaw niyang maniwala at ayaw niya ako panagutan,dahil nga sa lifestyle namin na nakikita niya.Kinausap din kami ng kaibigan namin noon na kailangan na naming bumukod dahil buntis na ako,hindi na kami pwedeng manatili doon sa apartment.Magulo na ang isip ko hindi ko na alam kung paano ang gagawin ko,nakakastress ang katangahan ko..

Kiinabukasan pumunta ako sa boarding house ng kapatid ko,sa kanya ako naglabas ng sama ng loob iyak na ako ng iyak.Inabutan nako ng hapon doon ng biglang may natanggap akong tawag,kilala ko naman ang # kaya sinagot ko,at sabi ng nasa kabilang linya "Oy juv umuwi kana dahil lilipat na si boy ngayon,nagmamadali ng mag impake at hindi ka niya isasama bilisan mo!!". Kaya nagmamadali akong umuwi sinamahan din ako ng kapatid at ng bf niya,nagkataon din na sasakayan ang dala ng bf ng kapatid ko at hindi motor,halos paliparin na ang sasakyan sa sobrang pagmamadali.

Naabotan namin na andun pa si boy at nakaready na nga lahat gamit,wala siyang balak ipaalam sakin ang paglipat niya dahil ayaw niya akong panagutan at balak niya akong takasan,pero hindi siya nagtagumpay.Wala akong ibang mapuntahan kaya kailangan niya akong panagutan,yun lang ang nasa isip ko noon,saka ko nalang iisipin kung ano ang susunod kong gagawin after i gave birth.

Nakalipat na kami at nagsama bilang mag-asawa,Pero nasa isip ko na nagsama lang kami para sa bata,ngunit habang tumatagal nahuhulog narin ang loob ko sa kanya.nararamdaman ko din na ganon narin siya sakin,pero hindi nawala sa isip ko ang insecurities dahil nga sa napilitan lang siyang makisama sakin.maayos naman ang naging pagsasama namin hanggang sa...

To be continued...

Thank you to my sponsors..Godbless you and keep safe always..

4
$ 0.03
$ 0.02 from @BCH_LOVER
$ 0.01 from @Zyrel04
Sponsors of ajlove14
empty
empty
empty
Avatar for ajlove14
2 years ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Pabitin naman parang nagbasa ako ng novela na laging pabitin kasi aabot sa point na my bayad na ang kasunod na part hahahaha waiting sa part 2.

$ 0.00
2 years ago

Next sis...Waiting ako sa kasunod.. Curious ako sa mga susunod na mangyari

$ 0.00
2 years ago

waiting ako sa part 2,grabe nmn pla nangyari .

$ 0.00
2 years ago

Oo sa umpisa palang tiis mode na,dami kong lesson dyn hehehehe

$ 0.00
2 years ago