Nag lahong Pag-Ibig (part 3) By :aila

2 27
Avatar for ailarala
3 years ago
Topics: Relationships, Story

RHONALYN’S POV

Habang nag susukat ako ng damit ko pang kasal ay nakita ko si mark na may kausap na magandang babae . sa tingin ko ay matagal na silang mag kakilala. Nakikita kung nag tatawanan sila habang si mark ay hindi parin namamalayan na tapos na akong mag sukat at kanina pa nakatingin sa kanila kaya ako na ang lumapit

Hindi nagtagal ay nakita na akong nag lalakad papalapit sakanila at ngumiti ako ng pilit kahit na nag seselos ako ,kakaiba talaga ang kutob ko sa kanilang dalawa ng mga oras nayun .Nang makalapit na ako ay bitani ko sila.

“Hi” bati ko ng nakangiti sa babae at nag hi din naman sia habang tinignan nya ako mula ulo hanggang paa at saka ngumiti

Aba at may gusto ata ito palabasin sa pag kakatingin nya saakin ah naibulong ko nalang sa isip ko

“Oh love di mo manlang ba ako ipapakilala sa magandang kaharap mo ?” sabi ko kay mark

“Love si Yuuki nga pala kaibigan ko kakauwi lang nya galing sa japan eh nakita daw nya ako habang nag iikot dito sa mall” mahabang sagot naman saakin ni mark

Pero hindi ko talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko ,parang may kakaibang kutob na namumuo sa isipan ko at natatakot akong maging totoo ito .

Nang matapos na kaming mag sukat na dalawa ni mark ay nag yaya na akong kumain dahil nagugutom na ako,kasama na namin si yuuki hanggang sa kami ay matapos sa pag susukat dahil gusto daw nya makita kung babagay saamin ang mga napili namin, mas maganda daw na may ibang mag bibigay ng oponion tungkol dito para sigurdong tama ang mga damit na aming napili .

Sino ba talaga sya sa buhay ni mark at bakit pumapayag si mark na makealam ang babaing ito sa disisyon naming dalawa tungkol sa damit ,hindi nga ako nag sama ng kaibigan ko o ng kakilala ko para dalawa lang kami ni mark dahil napakahalaga ng disisyon na ito para saakin “ Minsan lang makapamili ng damit pang kasal may extra pa “ inis na inis kung bulong saaking sarili

Sa mang inasal nalamang kami kumain at tulad kanina hanggang dito ay kasama namin si yuuki .

Habang nasa pila si mark ay kinausap ko na si yuuki

“Yuuki?,Wala ka bang ibang pupuntahan at ibang gagawin ? Baka nakaka abala na kami sayo nakakahiya naman “ ay ang palstic mo Rhonalyn hahaha, pero sana maka halata na ang babaing ito na nakaka abala na sya saamin ni mark at umalis na

“Ok lang,wala naman akong ibang gagawin at pupuntahan,at isa pa gusto ko talagang makita kung paano mag handa si mark sa kasal,kahit makita ko nalang at hindi na maranasan “

Ano kaya ang ibig nyang sabihin,may nakaraan kaya sila ni mark

“Matagal na ba kayung magkakilala ni mark?

“Oo tama ka matagal na kaming magkakilala,grade two palang kami ay mag kasama na kami sa klase hanggang second year highscool ay kaklase ko parin sya ,pero nawalan na kami ng contact sa isat isa ng lumipat na kami ng pamilya ko sa japan "

Ganun pala kaya siguro malapit sila sa isat isa ,baka ako lang ang nag iisip na may kakaiba sa kanila

"Ang tagal nyo na palang mag kakilala hindi ka nya kasi na babanggit sa akin kaya hindi ko alam na may kaibigan sya na nasa japan "

“kayo matagal na ba kayo mag ka relasyon? “

"oo kami na simula pa 4th year highschool at talagang kahit na isang beses ay hindi ka nya naikwento kaya hindi kita kilala pasensya kana "

" naiintindihan ko kung bakit hindi ako naikwento ni mark sayo kaya ok lang kahit hindi mo ako kilala"

Naiintindihan nya ? bakit kaya? Ano kaya ang totoong dahilan ni mark bakit hindi nya sinabi saakin ang tungkol kay yuuki

“pwede ko bang itanung kung may nakaraan ba kayo ni mark?

“ang totoo......

Hindi na naituloy ni yuuki ang sasabihin nya dahil nakita naming malapit na saamin si mark

“ Muka atang siryoso ang pinag uusapan nyo ah tungkol ba saan yan ? agad na sabi ni mark ng makarating na sa aming pwesto

“ Wala naman nasabi lang ni Rhonalyn na hindi mo pala ako nai kwento sakanya kahit minsan “

“ Ah iyun ba , wala naman kasi akung alam na maikukuwento eh “ sabay tawa ni mark

Ito nanaman ang kakaibang pakiramdam

Kumain lang kami at pagkatapos ay nag kayayaan ng umuwi , hinatid namin si yuuki sa bahay nya dahil nag prisinta si mark.Pag dating namin sa appartment na tinutuluyan ko ay hindi parin ako mapakali kaya tinatung ko sya bago ako tuluyang pumasok.

" May nakaraan ba kayo ni yuuki? " hindi ko mapigil ang tamlay na namuo sa aking boses

" Kung ano mang meron saamin ay nakaraan na yun ikaw na ang Mahal ko "

"Ibig sabihin may nakaraan nga kayo, kaya pala ang saya mo habang magkausap kayo at hindi mo na ako napansin kanina na tapos na ako mag sukat "

hindi ko mapigilan ang Pag tulo ng luha sa aking mata

" Nakaraan na nga yon, at naging kaibigan ko sya paanong hindi ko sya kausapin"

Pagkasabi ni mark ng mga salitang iyon ay agad na akung pumasok at isinara ang pintuan ng padabog.

Agad akung nag tuloy sa kwarto at nahiga habang patuloy parin ako sa Pag iyak

Abangan:

Matutuloy pa kaya ang kasal Nila mark at Rhonalyn ,o tuluyan ng masisira ang kanilang relasyon ng dahil kay Yuuki

Salamat po sa Pag babasa maari po kayung mag iwan ng comment kung ano ang inyong saloobin 😂

8
$ 0.10
$ 0.10 from @jiroshin
Sponsors of ailarala
empty
empty
empty
Avatar for ailarala
3 years ago
Topics: Relationships, Story

Comments

😂😂😂 alamin 😂

$ 0.00
3 years ago

Eentrada ako kaya ndi na matutuloy ang kasal

$ 0.00
3 years ago