Nag lahong Pag-Ibig ( part 2 ) by :aila

1 55
Avatar for ailarala
3 years ago
Sponsors of ailarala
empty
empty
empty

Bago nyo po umpisahan ang part 2 narito po ang part 1

https://read.cash/@ailarala/nag-lahong-pag-ibig-part-1-by-aila-a411a1b8

Kung ito po ay hindi nio pa nababasa marami pong salamat

Mark POV

Kabadong kabado ako habang nakatayo ako sa harapan ni Ronalyn. Nag tataka na sya kung bakit nakatayo lang ako sa harapan nia at walang ginagawa. Nilinis ko muna ang aking lalamunan dahil kinakabahan ako pero kailangan ko na itung gawin . Lumuhod ako sa harapan nya at sinabing

" Love alam mo kung gaano Kita ka Mahal nag tatrabaho ako ng mabuti dahil gusto ko ISANG ARAW ay maihatid Kita sa altar at mamuhay ng masaya . Mahal na Mahal Kita , papayag ka bang magpakasal saakin? sabay labas ko ng singsing na kanina pa nasa aking bulsa .

Hindi nag sasalita si Rhonalyn at nakatingin lang saakin , ilang minuto rin ang lumipas at kabadong kabado parin ako dahil hindi parin sya nag sasalita, at biniro ko na sya para magising sia sa kanyang pagka tula

" Love ? Nangangawit na ako dito pero wala ka paring sagot . ,Oo or hindi? At biglang tumulo ang kanyang mga luha at mahigpit akung niyakap nawala ang kaba ko at napalitan na ng saya dahil sa magandang sagot nya

" Oo gusto kung magpakasal sayo " at sabay yakap ulit nya saakin. Sinuot ko Naman sa daliri nya ang hawak kung sing sing at muli kaming nag yakap

RONALYN POV

" Papayag ka bang mag pakasal saakin "

Ng marinig ko ang sinabi ni Mark ay nagulat ako at hindi agad nakapag salita , sinabi ko lang kanina na pag inaya nya ako ng kasal ay hindi na sya mag dadalawang sabi pa .Pero iba pala pag totoong nangyari na nakatulala parin ako at hindi makapag salita dahil sa saya hangganang sa nag salita ulit si Mark

"Love ? Nangangawit na ako dito pero wala pa paring sagot . ,Oo or hindi?

At natauhan nga ako,hindi ko mapigilan ang mga luha sa mata ko dahil sa labis na kasiyahan na nararamdaman ko ,Agad kung niyakap si Mark at sinabing

"" Oo gusto kung magpakasal sayo " at muli ko syang ni yakap isinuot saakin ni mark ang singsing

Habang kami ay nasa daan pauwi ay panay parin ang tingin at hawak ko sa singsing na nasa aking daliri , at nagulat ako ng magsalita si mark

"Love kanina kapa tingin ng tingin sa daliri mo baka Naman matunaw na yan "

Pag biniro nya

Pero hindi parin ako makapaniwala na niyaya na nia ako magpakasal.

Pag dating ko sa apartment na aking tinutuluyan ay NAKITA ko sa bintana na nakabukas ang ilaw pero ang pag kakaalam ko ay pinatay ko ang LAHAt ng yon BAGO ako umalis kaya sinamahan ako ni mark sa Pagpasok . Ngunit ng buksan ko ang pintuan bumungad saakin ang madilim na loob ng bahay nag lakad ako para buksan ang ilaw habang naka alalay lang saakin si mark habang ako ay nag lalakad .

Pagkabukas na pagkabukas ko ng ilaw ,laking GULAT ko ng sumigaw ang LAHAt ng "CONGRATULATIONS"

Nandon ang buong pamilya ko at pamilya ni mark lumapit saakin sila mama at papa para bigyan ako ng welcome kiss at inabutan Naman ako ng bulaklak ng mga magulang ni mark .

Napaka swerte ko talaga dahil mabait si Mark pati narin ang kanyang pamilya

Nagkaroon ng kaunting salo salo sa apartment ko Kasama ang buong pamilya namin ni mark at pinag usapan kung kailan at saan gaganapin ang kasal.

Ako pinapangarap ko talaga ang ikasal sa simbahan kahit simple lang basta kumpleto ang pamilya namin.

Kinabukasan ay INAYOS na namin ni mark ang aming mga schedule for the next month dahil mag uumpisa na kaming mag asikaso ng mga papel na gagamitin para sa aming kasal.

Mabilis lumipas ang mga araw at papalapit na ng papalapit ang kasal namin ni mark .

At nag hahanap na kami ng damit na babagay saamin .Hapang ako ay nag susukat ng damit pang kasal NAKITA ko si mark na may kausap na ISANG babae maganda ito at parang matagal na silang magkakilala.

"Sino kaya ang babaing yun ? bakit parang ang saya ng pinag uusapan Nila "

abangan

Sino kaya ang babaing kausap ni mark? Ito kaya ang sisira sa relasyon ng dalawa ,matutuloy pa kaya ang kanilang kasal

5
$ 1.00
$ 1.00 from @jiroshin
Sponsors of ailarala
empty
empty
empty
Avatar for ailarala
3 years ago

Comments

Baka Mahal pa Ni mark di yuuki

$ 0.00
3 years ago