"Nag lahong Pag-Ibig (Part 1) By :aila

6 43
Avatar for ailarala
3 years ago
Topics: Love, Relationship, Story

Bawat isa saatin ay naghahangat ng masayang pamilya maging ako ay iyan ang nais ko at yan ang inakala kong mangyayari ng maging asawa ko si mark ngunit mali ang aking inakala

Ronalyn POV

Ang ganda Naman ng araw Ngayon,saan kaya pwede mag gala para naman sulit ang day off ko,ay alam ko na aayain ko nalang si mark na magpunta sa MOA. Si mark ay boyfriend ko simula pa nuong 4th year highschool mahigit limang taon na kami ngayon na magka relasyon at pareho na kaming may trabaho,napaka swerte ko sakanya dahil maalaga sya at mabait kaya tumagal kami . Kung Minsan ay may pag tatalo ngunit na aayos rin agad normal naman yun sa relasyon Diba .Tinawagan ko si mark at sinabing gusto kong gumala pumayag naman sya kaagad at sinabing susunduin ako dito sa bahay . Pagka baba ko ng cellphone ay nag bihis na ako para Pag dating nya ay aalis nalang kami. .

Halos isang oras ang nakalipas at may narinig na akung bumubusina sa labas ng aking apartment at alam kung si mark yun . Dali dali akung lumabas at nakita kung nakaparada doon ang kanyang sasakyan nakita nya akung papalapit kaya bumaba sya at pinag bukas ako ng pintuan may dala rin syang bulaklak . Haaay wala na tala akung mahihiling pa sa lalaking kaharap ko ngayon , yayain lang akong magpakasal nito at hindi na ito mag dadalawang sabi pa ay sasagot na ako ng oo , yan ang biglang pumasok sa isip ko.

Nang makarating na kami sa MOA ay nag hanap muna kami ng makakainan dahil hindi pa kami kumakain ng agahan . Napag disisyonan namin na sa Mang inasal nalamang kumain. Dahil mahaba ang pila ay pinag hanap nalang ni ako mark nang pwede naming maupuan at sya na ang pipila para sa aming pagkain

Pag lapit nya saakin ay dala na nya ang dalawang order ng PM 1 na unli rice dahil parehong hindi sapat ang isang kanin lang saamin may dala din syang dalawang small na creama de leche .

Nang matapos na kaming kumain ay nag punta kami sa arcade

Habang kami ay nag lalaro napansin ko ang kanyang pagka balisa kaya tinanung ko sya kung anung problema

"Love my problema ka ba?

" Wala love pagod lang siguro ako dahil sa trabaho "

" Kung mag sabi ka ka kaya na magbabakasyon ka kahit ISANG linggo lang ,"

" Hindi pwd love alam mo Naman Diba na ako lang ang inaasahan ni mr cruz sa mga malalaking project"

" Pero pagod na pagod kana ,tignan mo sarili mo parang wala ka ng maayos na tulog "

" Ok lang ako love wag kang mag alala saakin "

Hindi na ako nangulit pa pero kitang Kita ko talaga na may kakaiba sa kanya .

Mag aalasais na ng naisipan kung ayain ng umuwi si mark dahil may Pasok pa rin kaming pareho bukas pero sabi nya ay may gusto pa syang sabihin saakin

Pumunta kami sa gilid ng manila bay at naupo pero si mark ay wala paring imik hanggang sa tumayo sya at humarap saakin

Mark POV

Habang nakaupo si Ronalyn ay kabadong kabado ako hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya o kung paano ako mag uumpisa, maraming gumugulo sa isipan ko ng mga oras na iyon , paano kung magalit sya saakin ?

"Abangan "

Ano kaya ang sasabihin ni mark kay ronalyn at bakit sya balisa may itinatago kaya syang lihim kay ronalyn?

Hangganang DITO po muna ang ating kwento at abangan ang pangalawang yugto

Salamat po sa pag babasa

8
$ 0.02
$ 0.02 from @Greyzzz
Sponsors of ailarala
empty
empty
empty
Avatar for ailarala
3 years ago
Topics: Love, Relationship, Story

Comments

Mamsh may ibang babae si Mark sa?😂😂

$ 0.00
3 years ago

😂 bangan 😂

$ 0.00
3 years ago

😂 baka po 😂

$ 0.00
3 years ago

Cuteeeeee

$ 0.00
3 years ago

Keep up the good work

$ 0.00
3 years ago

Next pls 😚😚😚😚

$ 0.00
3 years ago