Ito ay makikita sa highway ng Lomangog Ubay Bohol. Ito ang nagsusupply ng tubig sa buong lungsod ng Ubay. Malawak at malalim ang naturang Dam.Pwedeng pumunta dito at mamasyal pero bawal lang ang paglangoy at pagligo sa lugar. Kong nasa kalsada at kahit nakasakay ng bus hindi ito masusulyapan kasi mataas ang nakapaligid na dike sa naturang dam.
Ito rin ang nagsusupply ng tubig sa palayan na malapit dito. Sa panahon ng tag-ulan ay umaapaw ang tubig dito pero sa panahon ng tag-init ay kulang at mababaw lang ang tubig na naging sanhi ng kakulangan ng supply ng tubig sa buong lungsod. Nagdepende dito ang supply ng tubig ang buong lungsod ng Ubay kaya may alternatibong ginawa ang local na pamahalaan dito kong kulang at kunti ang tubig.
Maraming namamasyal at bumibisita sa lugar para lang makita ang dam. Libre lang naman ang pagpasok dito at dapat lang sumunod sa patakaran dito na bawal maligo at lalo na ang mga bata na bawal maglalaro sa gilid ng dam kasi malalim ito. May naitalang kaso na rin dito na nalunod dahil sa pagswiswimming kaya simula non ay pinagbawalan na ang paglangoy at maligo dito.
Dito madalas namamasyal ang kapatid ng asawa ko kasama niya mga pinsan niya.Isang beses lang akong nakapunta sa lugar na ito noong highschool pa ako at fieldtrip namin. Mula noon hanggang ngayon ay hindi na uli ako nakakadalaw sa naturang dam.Siguro pag-uwi ko at matapos na tong lockdown ay bibisitahin ko ulit itong lugar.
abzero:)