Sikatuna's Mirror of the World

0 59
Avatar for abzero
Written by
3 years ago

Ito ay tinatawag ng Sikatunas Mirror of the World dahil makikita mo dito ang mga kilalang tourist attraction ng buong mundo gaya ng Eiffel Tower ng Paris France, Statue Liberty ng New York City at marami pang iba. Ito ay matatagpuan sa Libjo Sikatuna Bohol. Kong makakapunta ka nga dito at para ka na ring nakapunta sa ibang bansa. Ito ay isang proyekto ng lungsod na naglalayong mas lalong makilala at dadayuhin ng mga turista ang naturang lungsog ng Sikatuna. Kinagigiliwan at patuloy na dinarayo ang lugar at ang turismo nito ay patuloy na umaasenso.

Maraming nagpupunta dito para magpakuha ng litrato at mamasyal. Maganda ang pagkagawa ng naturang maliit na Eiffel Tower na kuhang kuha sa original nito na nasa France. Perfect ito sa mga magkasintahan na mamasyal dito.

Ang mini Statue of Liberty ng New York. Kong wala kang budget at gusto mong pumunta sa New York para makita mo ng personal ang statue dito nalang muna mamasyal at makakatipid ka pa.Hehe.

If im not mistaken sa bansang Singapore yata to makikita itong statue na to.Hehe hindi lang ako sure niyan.

At ito naman na statue ay kinopya galing yata to ng bansang Brazil kong di ako nagkamali.Maraming makikita dito na mga tourist destination at malulula ka na lang ka kakalibot ng lugar.

Kong may Hollywood sa Amerika ay Bohollywood naman sa Bohol. Hahaha

Sa gabi ay mas maganda ang lugar na ito kasi puno ng mga ilaw na mas lalong nakakabighani sa mata ng mga pumapasyal dito.

abzero:)

2
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Sponsors of abzero
empty
empty
empty
Avatar for abzero
Written by
3 years ago

Comments