Ang Mag-aso Falls ay matatagpuan sa Antequerra Bohol. Ito ay may 8 metro ang taas na may dalawalang magkatabing falls na nasa mataas na bangin. Hindi parehas sa ibang falls na malakas ang agos ng tubig, ito ay napakatahimik at malumanay ang daloy ng tubig na nanggaling sa taas nito. Wala kang ibang marinig bukod sa daloy ng tubig nito kundi ang lawiswis ng mga ibon at sobrang payapa ng lugar. Napaka natural lang ang ganda ng falls at lugar na animoy parang nawawalang paraiso na ngayon mo lang ulit nahanap. Ito ay malayo sa ibang tourist spot ng Bohol at hindi crowded ang lugar na minsan lang may pumupunta dito. Perfect ito sa mga taong mahilig sa hindi mataong lugar. Very peaceful ang lugar, tahimik at simply ang kagandahan.
Walang mga facilities sa lugar, walang comfort room at walang mapagbilhan ng pagkain kong kayo ay nagugutom. Kong kayo ay pupunta dito dapat magdala kayo ng sariling pagkain at pangsnacks. Bagamat may entrance fee na Php 20.00 kada tao at Php 15.00 na parking sa mga sasakyan bukod jan wala ng iba.
Mabato ang papunta sa lugar kaya konting pag-iingat at hindi ito recommended sa mga bata kasi matutulis at madulas ang mga bato. Ito ay isang hidden paradise na ipinagmamalaki ng taga Antequerra.
abzero:)