Lonoy Cold Spring

0 20
Avatar for abzero
Written by
3 years ago

Bukod sa Kinahugan Falls ay may isang lugar din ang dinarayo ng mga tao dito sa Jagna ito ay ang Lonoy Cold Spring. Malapit lang ito sa Kinahugan Falls na nafeatured na sa una nating articles.

Ang entrance dito ay sampung peso lang. Swak ito sa mga gustong mag picnic na pamilya at mga barkada. Dinadayo ito ng mga tao kasi bukod sa maganda at malamig ang tubig dito ito ay may kakaibang klima na lugar. Napakarelaxing at nakakawala ng stress ang lugar. Ang pool dito ay man-made pero ang tubig dito ay galing sa ilog na nanggagaling sa bukiring bahagi ng Jagna.

May mga cottages dito na pwedeng rentahan at may mabibilinh souvenirs din dito. Maraming naliligo dito sa araw ng sabado at lingo. Nice ang lugar at isama mo pa anq napakalamig na tubig nito.

abzero:)

2
$ 0.00
Sponsors of abzero
empty
empty
empty
Avatar for abzero
Written by
3 years ago

Comments