Loboc River

0 9
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Ang Loboc River ay matatagpuan sa bayan ng Loboc , Bohol. Ito ang isa sa pinakadinarayong tourist attraction dito sa Bohol. Mula sa Tagbilaran City ang Loboc ay nasa 24 kilometro ang layo at mga isang oras ang byahi papunta dito.

Ito ay dinarayo hindi lang ng mga Pilipino kundi ng ibang lahi. Dinarayo din ito dahil sa kilala at sikat nitong FLOATING RESTAURANT.

Sakay sa Floating Restaurant ay maeenjoy mo ang Loboc River Cruise sa kanila buffet meal. Sakay sa River Cruise nito at buffet meal ay nagkakahalaga ng Php 550.00 bawat tao kasama dito ang cultural show at palabas ng mga taga rito.

Ang Loboc River Cruise ay nagsisimula sa Loay bridge sa magkatabing lungsod at sa sentro ng lungsod ng Loboc. Dito maraming mga cruise vessel ang pwede mong pilian at sakyan. Ang Loboc River cruise ay umaabot ng mahigit isang oras ang biyahe back and forth. Maeenjoy mo talaga kasama ang pamilya ang pagsakay mo aa floating restaurant dito.

Ang Loboc river ay isa sa pinaka malinis na ilog sa buong Pilipinas at pinakamaganda at pinakadinarayong ilog. Bukod sa maganda makikita mo kong gaano kalinaw at kulay berde ng tubig nito. Kong pupunta ka ng Bohol wag mong kalimutang bisitahin ang isa sa pinagmamalaking tourist attraction ng Bohol. Kakaibang experience at enjoy ang maramdaman mo kapav ikay bibisita dito sa bayan ng Loboc.

abzero:)

1
$ 0.00
Sponsors of abzero
empty
empty
empty
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Comments