Kinahugan Falls

0 47
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Maraming mga falls ang makikita sa lalawigan ng Bohol. Mahilig ako sa mga falls kaya dadalhin ko kayo sa isa sa mga falls na ito.

Ito ang Kinahugan Falls na matatagpuan sa Sitio Karap-agan, Brgy. Cabungaan, Jagna, Bohol.

Kong galing sa Tagbilaran City pwedeng sumakay ng bus sa may Dao Integrated Bus Terminal papunta sa Jagna.

Php 60.00 lang ang pamasahi galing ng Tagbilaran. At pagdating mo sa lungsod ng Jagna sakay na naman ng motorsiklo (habal-habal) Php 40.00 ang pamasahi kada tao patungo ng falls. Mga 5 kilometro ang layo mula sa sentro.

Mula sa kalsada maglakad pa ng isat kalahating oras bago marating ang naturang falls dahil hindi makapasok ang anumang sasakyan.

Matutulis na mga bato at paakyat ang daan papunta at dapat may pag-iingat sa bawat paghakbang. At hindi rin ito recommended sa mga kabataan dahil na rin sa delikado ang daanan dito.

Pero pagdating doon masaksihan naman ang kagandahan ng lugar. Pawi ang pagod at hirap sa pagpunta at nakaka amazed ang lugar.

Ang naturang falls ay may tatlong falls na magkahiwalay. Napapaligiran ito ng bangin na ang taas ay 50 feet at ang lalim ng falls ay nasa 15 feet at ang lapad ay nasa 60 feet ang kabubuan.

Walang bayad ang pagswimming dito at kilangan lang ng sariling pagkain at tubig.

Bukas naman to sa publiko araw araw at hindi advisable ang mga bata na maligo dito kasi malakas ang daloy ng tubig at baka maanod sa baba.

abzero:)

2
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Sponsors of abzero
empty
empty
empty
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Comments