Ito ang Jardin Necitas na kilala rin sa tawag na Bohol Glowing Garden na matatagpuan sa Purok 5, Bagumbayan, Pilar , Bohol. Gawa ang mga bulaklak sa plastic na nilagyan din ng LED light sa loob at umabot ito ng 20,000 na piraso ng mga bulaklak.
Bukas ito araw-araw mula alas 10 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi.
Php 30.00 lang ang entrance fee kada tao at pwede ka ng magselfie at mag groupie kasama ng mga barkada, kaibigan at kamag-anak sa isang hardin na puno ng libo-libong rose at tulips flower. Perfect din ito sa magkasintahan kasi napaka romantic ng lugar na animoy nasa paraiso ka na nalilibutan ng mga naggagandahang mga bulaklak.
Mas maaapreciate mo lalo ang lugar tuwing gabi dahil sa malaparaiso nitong mga kulay na umiilaw sa kalagitnaan ng gabi na maganda sa paningin.
Mapawow ka sa nag-iilawang mga bulaklak at very nice tignan nito sa pagkakasunod nitong mga kulay.
Dinadayo at pinapasyalan ito hindi lang taga rito kundi sa taga malalayong lugar katulad ko.Pumunta kami ng misis ko at anak ko dito nong kagagaling lang namin puntahan ang chocolate hills. Hindi na namin to naabutan na umilaw sa gabi kasi dumating kami dito mga 4 pa ng hapon. Umuwi kami mga 5 pasado na ng hapon kasi malayo pa byahi namin kaya di namin naabutan na umilaw ang mga ito. Pero nice parin ang experience kasi nakita namin kong gaano kaganda ang lugar pati na rin ang libo-libong bulaklak.
Nafeatured na rin ito sa Rated K ng ABS-CBN at 24 ORAS weekend kaya kilala ito sa buong Bohol.
abzero:)
kagandang pasyalan lalo n sa gabi napaka relaxing .d2 as cebu napuntahn q ung 10,000 Rose's katulad nito ang pagkakagawa.tapos nasa tabing dagat xa