Jagna Rock Resort

2 8
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Ang Jagna Rock Resort ay matatagpuan sa Larapan Jagna Bohol. Ito ay rock beach resort at madali mo lang itong mahanap dahil tabi lang ito ng highway. Ang entrance fee nito ay Php 20.00 bawat tao, ang cottage nito ay Php 250.00 ang renta at nagseserve din ito ng short orders.

Nagcacater din sila dito ng ibat ibang event tulad ng birthday party at may open function hall na perfect pang Garden Wedding.

Mula sa taas makikita mo ang malinis at bughaw na dagat na animoy nang-aakit upang ikaw ay maligo at magtampisaw. Mag-ingat lang lalo na ang mga bata dahil mabato ito hanggang pababa sa dagat. Dapat may konting pag-iingat.

Perfect dito magrelax at maligo. Sobrang malinaw at malinis ang dagat.

May paliguan para sa mga bata na mababa lang. Parang mini swimming pool kumbaga. Ang ganda ng lugar na akala mo nasa malayong lugar ka kasi sobrang payapa at tahimik ang lugar. Kong galing ka sa malayo may room naman sila para sa mag oover night at magpalipas ng gabi sa lugar.

Noong unang punta ko dito ay hindi pa masyadong narenovate ng maayos ang lugar pero ngayon lalo itong gumanda at naging maayos ang lugar.

Perfect din ito sa mga mahihilig mag dive at tumalon galing sa taas ng mga bato kasi malalim ang iyong babagsakan.

Subukan niyo itong puntahan at bisitain ang munting rock resort ng Lungsod ng Jagna Bohol.

abzero:)

2
$ 0.00
Sponsors of abzero
empty
empty
empty
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Comments

Wow ang Ganda naman Dyan pero mukang ang Ganda din ng presyo ng entrance Dyan pero Kung naghahanap ka ng lugar na mapag papahingahan ng isip MO maganda Dyan magkano po ba entrance Dyan boss

$ 0.00
4 years ago

Mura lanq ang entrance 20 pesos bawat tao. Ang cottage 250 pesos.. Marami ring mga foreigner pumupunta dito lao na yong may asawang pinay.. maganda kasi dito at tahimik kahit nasa highway lang.

$ 0.00
4 years ago