Hinagdanan Cave

0 70
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Ang Hinagdanan cave ay matatagpuan sa Brgy. Bingag Dauis Bohol. Mga 30 minuto ang byahe mula sa Tagbilaran City kong pribadong sasakyan ang gagamitin. Ito ay isa sa mga sikat at dinarayong tourist attraction dito sa Bohol. Ang naturang kweba ay naporma dahil sa limestone at puno ng nagklasi-klasing mga stactactites at stalagmites na dahilan upang mabuo ang natural na pool sa ilalim nito. May pool sa ilalim ng kweba na kong saan ito ang dinadayo ng mga turista upang maligo at magrelax. Ang entrance fee nito ay Php 50.00 kada tao at may dagdag na Php 75.00 kong maligo sa pool. Sobrang lamig at sobrang sarap maligo sa pool.

Maraming mga turista ang pumupunta dito hindi lang gustong makita at masilayan ang pool sa loob ng kweba kundi maligo rin. Sa loob loob din ng kweba makikita rin ang mga rock formation ng stalagmites at stalactites.

Ang likod sa kwento ng Hinagdanan cave nagsimula noong nadiskubre ng may-ari ng lupa ang kweba na kong saan qawin sana nitong farm at tamnan ng mga gulay. At dati rin itong taguan ng taga rito noong panahon pa ng digmaan upang hindi sila makita ng mga hapon. Sa nakakalungkot na nakaraan at mga pangyayaring hindi mabuti patuloy ngayon sa pagbibigay saya ang naturang kweba dahil dinarayo ito.

Sa mga nagbabalak pumunta dito sana sumunod lang tayo sa mga patakaran ng nasabing lugar para makag enjoy kayo at makapag relax habang kayo ay nandito.

Marami pang mqa tourist attraction dito sa Bohol na hindi niyo pa siguro alam at narinig.Sa susunod kong artikulo ibabahagi ko sa inyo ang ilan pang mga lugar na dapat ipagmalaki hindi lang sa taga Bohol kundi na rin sa buong Pilipinas.

abzero:)

1
$ 0.00
Sponsors of abzero
empty
empty
empty
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Comments

Wow. Parang gusto ko tuloy mag side trip bohol sa pagpunta ko sa Cebu sa August. Yan ay kung hindi ma cacancel ang flight ko at pwede ng bumyahe pa cebu.

$ 0.00
4 years ago

bumalik pa namn sa lockdown ang cebu madam sa patuloy ang paqtaas ng nag positive sa virus.

$ 0.00
4 years ago

Yun nga din sabi ng friend ko na nag.wowork ngayon sa cebu. Na baka daw buong cebu mag lock down. Dapat kasi matagal na na implement yan eh. Stay safe po wherever u r.

$ 0.00
4 years ago