Hilltop 360 View Park

0 27
Avatar for abzero
Written by
3 years ago

Bukod sa kilalang Chocolate Hills mayroon ngayong bagong tourist attraction at dinarayo dito sa Carmen Bohol, ito ang Hilltop 390 View Park. Ito ay matatagpuan sa La Victoria Carmen Bohol na boundary mismo sa lungsod ng Carmen at Sagbayan.

Mula Tubigon 30 minuto ang byahe.

Mula Tagbilaran City isang oras ang byahi.

Kakabukas lang ito noong nakaraang buwan ng Pebrero, na sinabay sa Valentines day kasi perfect itong pasyalan sa mga magkasintahan.

Maraming pwedeng gagawin dito para mag enjoy at magkaroon ng best experience sa lugar. May horse back riding dito, game fishing para sa mahilig mawingwet kasi may maliit sa pool na may mga isda, meron ding Calesa riding, camping site na may tents, dove experience at may rooms para sa mga nagtravel sa malalayo.

Dito mamingwet at yong nahuli ay pwedeng lutuin para pang ulam.

Sa mga mahihilig mag camping may tents dito na marentahan at dito matulog magdamag. Sobrang lamig lalo sa gabi dito at may fog pa na nagdudulot ng lamig sa paligid.

May malaking statue din ng kalapati na pwede kang tumuntong at magpakuha ng litrato.Nakakatuwa lalo na sa mga bata.

Maganda ang lugar at patuloy pa itong dinedevelop para mas lalong nakakapagpasaya sa mga tao na pumupunta dito. Ang entrance fee pala sa naturang park ay Php 50.00 kada tao. Kong nais mong pumunta sa Chocolate Hills wag mo ring kalimutan bisitahin ang lugar na ito.

abzero:)

1
$ 0.00
Sponsors of abzero
empty
empty
empty
Avatar for abzero
Written by
3 years ago

Comments