Dodiongan Falls

0 24
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Ito ang Dodiongan Falls na matatagpuan sa Brgy. Bonbonon, Iligan City. Mula sa kabisera ng Iligan 14 kilometro ang layo nito. Ito ay may taas na 20 meters at may dalawang itong falls. Maraming mga falls ang kilala at dinadayo sa Iligan City isa na dito ang Maria Christina Falls at Tinago Falls na alam naman natin na very well-known ang mga ito.

Way back year 2007 una akong nakapunta ng Iligan City kasi may mga kamag-anak ako na nakatira dito. Sa bukiring bahagi ng Iligan City sila nakatira pero may isang bahay din sila sa mismong syudad. Una akong nakapunta dito nong niyaya ako ng pinsan kong babae na mamasyal at maligo daw kami sa Dodiongan Falls. Mula sa Brgy. Digkilaan na kong saan sila naninirahan ay aabot lanq ng 20 minuto ang biyahe papunta ng falls kong sakay ng motor.

Dati ay hindi pa makakapasok ang anomang sasakyan kahit motor papunta ng falls. Kilangang maglakad para makapunta sa nasabing falls. Galing sa barangay road ay maglakad ka pa ng mga 30 minuto bago matunton ang falls. Kahit malayo ka pa ramdam mo at dinig mo ang rumaragasang bagsak ng daloy ng tubig ng falls. Kahit nakakapagod ang paglalakad sulit naman ang pagpunta mo dahil sa napakaganda ng tanawin at nakakamanghang falls ang bubungad.

Dati pagpunta namin dito ay libre at walang kang babayaran. Iwan ko lang ngayon kong may bayad ba or wala.

Ang sarap maligo sa malamig na tubig nito lalo na kong andun ka mismo sa binabagsakan ng tubig. Sa likod ng falls ay may kweba at pwde mong akyatin at don ka magpahinga. Pero nakakatakot baka may mga ahas kasi sobrang lamig sa loob. Sana ngayun ay lalong pinaganda ang lugar at para naman maginq komportabli ang magiging bisita dito. Malaki ang maitutulong ng Falls sa turismo ng lugar basta maayus lang ang daanan. Gustong gusto ko na ulit bumalik dito at masilayan ang mga magagandang tourist attraction ng buong Iligan City.

abzero:)

1
$ 0.00
Sponsors of abzero
empty
empty
empty
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Comments