Coastway SDS

0 4
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Noong 17 years old palang ako at kakagraduate lang ng highschool ay hindi ko inaasahang makapunta ako sa kauna-unahang pagkakataon sa isla ng Mindanao. Ang nangyari kasi pumanaw ang lolo ko na tatay ng mama ko kaya isanama ako papunta doon. First time kong pupunta sa ibang lugar kaya may halong kaba at excited na makikilala ko ang akinq mga kamag-anak sa side ng mama ko at may halong lungkot kasi wala na si lolo na minsan hindi ko pa nakita.

Galing sa Butuan City mga 5-6 oras ang byahe namin sakay sa Bachelor na bus.

Pagkatapos ng libing ng lolo ko mga isang lingo ay umuwi na si mama at ako naman ay naiwan. Sobrang lungkot ko nong mga panahong iyon kasi hindi ako makakauwi kasi kulang yong pamasahi namin kaya si mama nalang ang uuwi muna. Tumagal ako doon ng halos isang taon bago nakauwi ng Bohol. Pero sa katagalan ay medyu na adopt ko na ang lugar kasi tabing dagat lang ang bahay ng lola ko dito kaya araw araw naliligo.

Ito pala ang Coastway beach at dito ako nakatira dati. Mahaba ang naturang beach mga halos isang kilometro ang haba. Dati kasi ginawa itong paliparan at landingan ng mga helicopter at eroplano ng mga sundalo noon.

Wala lang akong picture sa palaparan kasi dati may cellphone ako kaso keypad pa lamang at walang camera.

Sa naturang lugar maraming mga beach resort dito yong ilan may mga entrance fee.Pero yong sa amin sa bahay ni lola na nasa pinakadulo ng lugar ay libre lang ang pagligo.

Dito sa lugar na ito una akong natutong magtrabaho at tumulong sa mga gawain halimbawa nito ay yong pangongopras ng niyog.May niyogan kasi ang lola ko na halos dalawang ektarya kaya tumutulong ako sa pagcopras. Nakakapagod man pero tiniis ko ang lahat syempre para hindi ka mahiya at nakakatulong din ako. Maganda ang lugar dito, presko ang hangin at payapa. May mga isla din dito na pwedeng puntahan kapag low tide.

Hindi ko makakalimutan ang mga experience at karanasan ko dito kasama ang mga kamag-anak ko. Sarap ulit-ulitin ang mga panahon na nakakasama ko sila. Sana makabalik ako dito at lasapin ang mga magagandang alaala na hindi ko makalimutan magpakailaman man.

Dito pala kami kasama ng mga pinsan ko nangunguha ng mga pagkaing dagat at namimingwet at sakay sa isang bangka.

abzero:)

1
$ 0.07
$ 0.07 from @TheRandomRewarder
Sponsors of abzero
empty
empty
empty
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Comments