Canawa Cold Spring

0 31
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Bukod sa sikat at kilalang Can-umantad Falls at Cadapdapan Rice Terraces ay may isa pang pinagmamalaki at dinarayong tourist attraction ang lungsod ng Candijay Bohol. Ito ang Canawa Cold Spring. Mula sa kabisera ng lungsod mga kalahating oras ang byahe patungo rito. Ang entrance fee nito ay Php 20.00 kada tao.

Ang naturang spring ay malalim at wala pang nakakasisid nito. Ang kwento ng mga taga rito ay may nakatira daw na malaking hayop sa ilalim ng spring at taon taon dito ay may nawawalang mga bata at tao rito. Ito ang sabi sabi ng taga rito. Pero ganun paman marami paring mga turista ang bumibita dito at naliligo. Perfect itong pasyalan kapag sa panahon ng summer kasi sa sobrang lamig ng tubig. Araw araw at kahit hindi holiday marami dito ang pumupunta at naliligo.

Malapit lang ito sa Can-umantad Falls at Cadapdapan rice terraces. Mabilis at safe na ang pagpunta dito dahil maayos na ang kalsada at mga daan papunta rito. Hindi parehas dati na rough road at mahirap papunta rito kasi matarik ang daan at maputik lalo na pag -umulan. Ito rin ang lagi nami pinupuntahan ng mga barkada ko dahil masarap maligo dito. May mabibili ring mga souviner dito tulad ng keychain, damit at iba pang remembrance sa pagpunta dito.

Wag niyo itong kalimutang ilagay sa bucket list itong lugar na to at siguradong mapawow kayo pagnakapunta kayo rito.

abzero:)

1
$ 0.00
Sponsors of abzero
empty
empty
empty
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Comments