Camugao Falls

0 28
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Ang probinsya ng Bohol ay isa sa dinarayong lugar sa buong Pilipinas dahil sa angkin nitong kagandahan at mga tourist attraction. Isa na dito ang Chocolate Hills na kilala sa buong Pilipinas, nariyan din ang isla ng Panglao na dinarayo ng mga turista na mala Boracay nitong ganda at mga nagagandahang mga kweba at mga falls.

Isa sa mga falls na pinapasyalan ngayon ng mga turista ay itong Camugao Falls. Matatagpuan ito sa Brgy. San Isidro sa lungsod ng Balilihan.

32 kilometro ang layo nito mula (45 minutes drive) Tubigon port.

1 oras kalahati naman mula sa Tagbilaran City patungo sa lugar.

Ang entrance fee nito ay Php 50.00 bawat tao at kasama na ang parking fee kong may sasakyan. Mula sa parking area ng mga sasakyan ay maglalakad pa ng 10-15 minutes bago marating ang falls.

Kahit makipot at matarik ang daan mawawala ang pagod mo pagbungad sa nagragasang tubig mula sa taas ng falls. Sulit ang nakakapagod at haba ng byahe sa paglangoy mo sa naturang falls. Stress free ka dito dahil tahimik at presko ang hangin. Marami ng mga turista at mahilig sa falls ang pumupunta dito lalo na sa panahon ng tag-init. Swak dito pag summer kasi malamig ang tubig.

Kong gusto niyong magpicnic dito kasama ng mga barkada at mga mahal sa buhay ay magdala lang ng sariling pagkain at tubig kasi wala mapagbilhan ng mga makakain dito kasi walang tindahan, malayo ito sa mga bahay .

abzero:)

1
$ 0.00
Sponsors of abzero
empty
empty
empty
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Comments