Bitukang Manok

0 92
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Hindi lang sa Quezon Province at Leyte ang may bitukang manok na tatawagin. Matatagpuan rin ito sa Bukidnon. Ang kalsadang iyan ay matatagpuan sa Quezon Bukidnon. Madaanan yan papuntang Davao at galing ka sa Valencia Bukidnon. Isang beses lang akong nakadaan dito noong andon pa ako sa kamag anak ko sa Talakag Bukidnon. Nadaanan namin yan nong pumunta kami ng Davao. Yan ang pinakamataas na kalsada at highway sa buong isla ng Mindanao. Kahit alas 3 pa ng hapon ay puno na ng fog ang lugar na halos di mo na makita ang kalsada. Sobrang lamig sa Bukidnon na akala mo ay nasa Baguio ka. Marami ring mga tourist attraction ang probinsya ng Bukidnon.

Isa ito sa mga magagandang lugar na napuntahan ko ang Bukidnon. Minsan nakakatakot ang ibang kalsada dito kasi sa taas ng mga bangin na kong titingin ka sa baba halos dimo na makita ang tubig ng ilog sa sobrang taas. Pero safe naman ang mga kalsada dahil kompleto ito sa mga signage at matataas ang gutter sa gilid ng kalsada.

Gusto ko ulit bumisita dito at libutin ang Bukidnon. Sa dami ng magagandang tanawin dito at malulula ka sa mga lugar na kaaya ayang tignan. Para sa akin ito ang isa sa mga da best na pasyalan at puntahan lalo na yong mga mahihilig sa hiking.

abzero:)

1
$ 0.00
Sponsors of abzero
empty
empty
empty
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Comments

Ang ganda naman dyan bro! Parang nasa ibang bansa ka ..ang daming magagandang lugar sa bansa natin ..amazing!!

$ 0.00
4 years ago

Magaganda talaga ang mga tanawin sa bukidnon. Dami rin mga tourist destination sa lugar na ito at hindi pa nadidiskubre ng ilang mga turista.

$ 0.00
4 years ago