Bayugan City

0 39
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Ang Bayugan City ay panglima na Class City at tinatawag din na "Rice, corn and cutflower capital sa buong probinsya ng Agusan del Sur.

Matagal-tagal din akong nakatira dito sa Bayugan City kaya naisip ko na eflex ko ang mga lugar na kong saan ako dati lagi namamasyal.

Ito ang Bayugan City Rotonda at isa sa pinakamalawak na rotonda sa buong Pilipinas. Dati dito ako laging namamasyal tuwing gabi kasama pinsan ko. Nilalakad lang namin to mula sa bahay at mga 15-20 minutes bago makarating kami dito. Masarap naman maglakad dahil malamig ang hangin sa gabi at tsaka di naman mainit. Maraming namamasyal dito tuwing gabi dahi maganda tignan ang fountain na may ibat ibang kulay.

Ito ay kuha pa noong 2012 pa sa Rotonda. Kasama ko dito dalawa kong pinsan para mamasyal.

Ito naman ang Lope A. Asis Gymnasium na isa sa mga matataong lugar sa panahon ng may fiesta rito. Dito ginugunita ang mga programa, mga pageant at mga basketball league ng naturang syudad.

Sa ngayon na mimiss ko na ang Bayugan City hindi lang sa mga magagandang karanasan ko dito pati narin ang mga taong nakilala at nakakasalamuha ko. Sana makadalaw at makapasyal man lang ako ulit dito sa darating na panahon.

abzero:)

2
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Sponsors of abzero
empty
empty
empty
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Comments