Anislag Spring

1 49
Avatar for abzero
Written by
3 years ago

Ang Anislag Spring ay makikita sa Omjon, Valencia, Bohol. Hindi gaanong kalakihan ang naturang spring. Pero mamangha ka sa napakalamig nitong tubig na dumadaloy mula sa ilalim ng mga naglalakihang punong kahoy. Pwedeng inumin ang tubig dahil malinis at malinaw, dito rin kumukuha ng maiinom na tubig ang ilang residente ng nasabing lugar. Medyu malayo ang spring mula sa mga bahay kaya ito ay nananatiling malinis. Dati ay hindi pa ito dinadayo kasi hindi pa ito kilala, pero noong may nagpost sa socila media tungkol sa nasabing spring ay dinadagsa at dinarayo na ito ng mga tao.

Hindi ito gaanong malalim kaya perfect ito sa mga bata.

Tahimik ang lugar at masarap sa pakiramdam kong nakababad ka sa tubig.

Dito nakapark ang mga sasakyan ng mga bumibisita dito. Maayos naman ang daanan at kalsada papunta sa nasabing spring at Php 5.00 lang ang bayad kong maligo ka dito.Sobrang mura at napakasulit ang byahi papunta dito. Mula sa sentro ng lungsod ng Valencia may masasakyan na bus,van,jeep at habal-habal papunta dito kaya hindi mahihirapan ang paapasyal dito. Ang pamasahi papunta dito:

bus - Php 45.00

van - Php 100.00

jeepneys - Php 45.00

habal-habal- Php 150.00

abzero:)

1
$ 0.00
Sponsors of abzero
empty
empty
empty
Avatar for abzero
Written by
3 years ago

Comments

wow!! so nice, Napakaganda naman dyan, Sana makapunta kami ng family ko diyan soon 😊

$ 0.00
3 years ago