Anda Bitoon White Beach Resort

0 26
Avatar for abzero
Written by
3 years ago

Maraming mga beach resort ang makikita sa Anda Bohol at isa na dito ang Bitoon White Beach Resort. Ito ay bukas sa publiko at may kaukulang entrance fee.Php 20.00 bawat tao at Php 25.00 sa mga sasakyan. Ang cottage dito ay nagkakahalaga ng Php 300-500. Ito pala ay sakop sa Brgy. Virgin, Anda.

Pino at mapuputing buhangin ang nasa baybayin dito. Sa gilid ng pangpang ay may mga matutulis at matataas na bato na kong saan doon tumalon ang mga mahihilig magdive.

Isa rin ito sa matataong lugar kasi dinadayo ito ng karamihang turista lalo na sa araw ng sabadot lingo. Maganda ang lugar kahit hindi gaanong kalakihan at kalawak ang space na may buhangin kasi sa gilid nito ay mga bato na. Usually kapag kami ay maliligo dito ay hindi na kami magrerent ng cottage kasi doon lang kami sa may mga mga bato na sumisilong. Nakakatipid kapa at malapit ka rin sa tubig ng dagat.Maganda din don mag-inuman ang magkabarkada at mag eenjoy habang nakababad sa dagat.

Sa pagkabata man hanggang sa paglaki ay isa ito sa mga nagbibigay saya na lagi namin tong pinupuntahan na beach at tuwing may birthday ay madalas dito kami naliligo.

abzero:)

1
$ 0.00
Sponsors of abzero
empty
empty
empty
Avatar for abzero
Written by
3 years ago

Comments