Ancient Graveyards

0 4
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Ilang metro lang mula sa Guindulman Marine Sanctuary makikita ang sinaunang libingan na ang porma ng kabaong ay bangka (boat coffin).

Makikita mo ang mga kabaong sa kweba na nasa gilid ng bangin na nasa tabing dagat. Itoy nakiskubre ng taga rito pero lahat ng kabaong ay bukas na at wala ng takip. Hinihinalang kagagawan ito ng mga treasure hunter kaya bukas na ang mga nasabing kabaong (looted). Ang natitirang mga buto nalang ang makikita mo sa kabaong.

Noong unang panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa natin, dito ginaya ng mga ninuno natin ang estilo ng paghihimlay ng mga labi ng mga nasawi sa pamamagitan ng paglibing sa loob ng bangka.

Ngayon para mapreserve ang mga naturang mga kabaong at mga buto nito, ito ay dinala sa museum ng Guindulman para sa gustong makita at masilip ang mga ito. Ito ay naging tourist attraction ng aming lungsod.

Noong una namin tong narinig syempre pinuntahan agad namin to kasi malapit lang. Kasama ko ang kaklasi ko at kami ay sinamahan sa lugar. Mabato ang lugar at matarik. Sa bungad palang ng kuweba makikita mo agad ang ilan sa mga kabaong na wala ng laman. May iilang buto na nagkalat at napansin ko rin na may mga barya, pero di ko alam kong lumang barya or bago kasi dumiretso kami sa loob.

Ang lugar na ito ay binalita at nafeatured narin sa Kapuso mo Jessica Sojo ng GMA7. Kaya maraming nag suggest na ilipat ang mga kabaong at mapreserve ang mga ito kasama ang mga buto kaya nilagay sa Guindulman Museum.

abzero:)

2
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Sponsors of abzero
empty
empty
empty
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Comments