Alona Beach Resort

0 105
Avatar for abzero
Written by
3 years ago

Ang Alona Beach Resort ay matatagpuan sa Panglao Island ng probinsya ng Bohol. Maraming mga beach rito pero ito ang pangunahing destinasyon at pinakadinarayong beach resort sa buong isla ng Panglao. Minsan tinatawag itong Little Boracay sa ganda at mapuputing buhangin nito. Sikat ang Alona Beach resort sa mga corals at puting buhangin na umaabot sa isa at kalahating kilometrong baybayin. Kadalasan dumadayo rito ay mga foreigners at pati sikat na mga artista. Ito rin ang pinakamaunlad na beach sa buong isla ng Bohol at isa sa mga kilala at dinadayong tourist destination sa buong Pilipinas. Nafeatured na ito sa ibat ibang mga programa sa t.v station pati na rin sa international. Bukod sa mala perlas at mapuputing buhangin ng beach kilala rin ito na pang world class na hotel.

Mahigit 20 ang mga beach resort dito sa Panglao Island at mga lodgings at hotels na magaganda na nagiging pahingahan ng mga turista. Kong pupunta ka ng Bohol ito ang una mong ilista sa bucket list mo at paniguradong mag eenjoy ka sa magandang isla. Malapit lang din ito sa bagong Bohol-Panglao International Airport.

Kong tinatamad kang maligo sa dagat meron din swimming pool na nakakapagrelax sa katawan. Habang nasa swimming pool ka makikita mo naman ang maganda at malaparaisong dagat mula sa pool. Perfecf ito sa mga bagong kasal na dito mag honeymoon.

Ito ang isa sa pinakakilalang destinasyon sa lalawigan ng Bohol kaya wag mong kalimutan na pasyalan ito. Kong nakaligo kana dito ay parang nakaligo kana rin sa Boracay.

abzero:)

1
$ 0.00
Sponsors of abzero
empty
empty
empty
Avatar for abzero
Written by
3 years ago

Comments