Lumilipas ang panahon,
Parang ang bilis ng oras.
Pero ang bagal ng ikot ng mundo.
Parang paghihintay kong sumikat ang araw tuwing kalaliman ng gabi.
Parang papel na iniwan ko'ng walang sulat sa aking tabi.
Blangko, pero masaya,
Masaya pero parang malungkot.
Parang malungkot pero nakangiti.
Nakangiti pero may luha.
May luha pero panandalian lang.
Buo ako pero parang may kulang..
Hindi ako maghahangad ng kumpletong AKO.
Hindi ko hihilingin na buuin ako.
Dahil sa pang araw-araw na pagharap ko sa hamon
May pagbabago.
Hindi sandali, hindi sobrang bilis, hindi ganun lang, hindi walang kwenta ,
hindi kulang hindi rin sobra.
Nararamdaman kong hinilom na ng panahon lahat ng aking katanungan.
Kahit malabo alam kong mero'ng kasagutan.
Kagaya ng mga normal na araw na paghihintay ko'ng lumipas ang oras at huminto ang panahon.
Hindi ko na hihilingin na manatili kung saan ako naroroon.
Dahil alam kong kailangan kong igalaw ang aking mga paa .
At magpadala kung saan man ako mapunta.
Normal na araw na para bang gigising at bubungad ang bintanang saksi.
Sa kung paano ako gumagalaw,nagsusulat at umiiyak tuwing gabi.
Normal na araw lang.
Oo normal dahil para saakin bawat araw tinitignan ko bilang espesyal
Bawat araw may dahilan kung bakit nagaganap.
Mga araw na nagmasid saakin mula pa noong iyak at tawa lamang ang kaya kong gawin.
Mula pa noong tuhod at kamay palang ang kaya kong gamitin hanggang sa pagtayo ko sa sariling mga paa.
Mula pa noong ipakilala ang mundo saakin ni ama't ina.
Marami ng nangyari, marami ng tawa at iyak ang pinuhunan ko para sa matibay na pundasyon.
Kasama ang mga taong tumutulong at umaalalay sa'akin.
Mula pa ng hayaan nila akong mamili ng direksyon.
Sa kung ano ang dapat at nararapat para saakin.
Pinipili ko nalamang maging masaya habang nililingon ko ang kahapong humubog sa katulad kong maraming katanungan.
Habang nakatingin sa bukas at sa paroroonan.
Kasama ka, kasama sila,
Kasama kayo,
Kasama ang lahat.
Kung saan natuto akong ngumiti, tumawa ,umiyak at masaktan.
Kung saan tuloy tuloy ang lahat ng nasimulan.
At paghingi ng tawad sa lahat ng aking kasalanan.
Tawad sa aking mga nalimot at nasaktan.
Tawad sa Maykapal sa minsang paglalapastangan.
At tawad sa sariling minsang nagpapayakap sa takot at kasinungalingan.
Hindi dito nagtatapos ang lahat dahil umpisa palamang ito ng aking istorya.
o kaya kwento ng dulaang ako ang bibida.
Marami ma'ng tungkol sa akin ang hindi alam ng iba.
Pero alam ko'ng ang nakakakilala sa akin ay iisa.
Ang pinaka Dakila sa lahat.
Ang dahilan kung bakit ako nabigyan ng pagkakataon upang mabuhay.
Siya na lagi kong kausap sa mga gabing punong puno ng lumbay.
siya na dahilan ng pag-asa sa mundo
siya na dahilan kung ba't mayroong ako.
salamat sa hiram na hininga Ama,
salamat at iyong iminulat ang aking mga mata.
patuloy kang minamahal at sinasamba
ang pagpapala mo ang siyang lakas sa tuwina.
alas dos: mahihimbing palamang ang pagod kong katawan
para sa panibagong bukas at pakikipaglabana kaya't nagpapasalamat ako
sa lakas at buhay na iniregalo saaking ng poong maykapal
Tama ang Diyos lang ang nakakakilala ng tunay sa atin