Sa taong hindi ko pa nakikilala

0 15
Avatar for abrilata
3 years ago

Matagal na akong sumusulat ng tula para saiyo

Ngunit hindi kita kilala.

Nais kitang masilayan bago pumikit anga king mga mata.

Dahil ang oras ay may katapusan.

Hindi ako habang buhay makapagsusulat ng mga kataga

at hindi rin ako habang buhay mananatili sa mundo.

NASAAN KA?

Huwag mo'ng ilisan ang paglalakad

Dahil baka sa mali'ng direksyon ka mapunta.

Nandirito ako sa dulo.

Nag-aabang ng pagkatok mo sa aking pintuan.

Ngunit kung sakali'ng hindi ka dumating bago magtakipsilim,

Maghihintay parin ako.

Dadalhin ko na ang lampara,

kumot at unan.

kung sakaling hindi ka makarating,

Ayos lang,

magdadala ako ng kape,

Magdadala ako ng balabal.

At kung hindi ka parin makakarating bago pa pumuti

ang aking mga buhok,

AYOS LANG.

kukulayan ko muli ng itim ang bawat hibla,

maglalagay alo ng kolorete sa mukha.

Para maabutan mo manlamang ako'ng maganda at kaakit-akit

kahit na saglit lamang.

At kung hindi ka parin dumating,

bago ako dalawin ng panghabang-buhay na himbing,

AYOS LANG.

Dahil nagawa ko'ng magsulat ng maraming tula para saiyo.

Ayos lang dahil nagawa ko ito'ng mag-isa

Ayos lang kasi nagawa ko'ng maghintay

Ayos lang kasi nagawa ko'ng hintayin ka.

Kahit pa alam ko'ng naghihintay ako

sa taong hindi ko pa nakikilala.

3am: mga kataga na kabilang sa aking  lumang pahina na nooy nailimbag 
bunga ng paghahanap sa taong hindi ko pa nakikilala.

ilang taon nang ligaw ang aking puso
at hindi ko namalayan na nasa tabi ko lamang pala yung matagal ko nang hinihintay.
Alam kong hinintay mo rin ako hindi lang sang ayon ang tadhana sa ating dalawa.

at kahit pa natagpuan na natin ang isa't-isa, hindi parin mawawala ang takot na baka 
bukas makalawa--- maglaho ang iyong pag-ibig at maging masaya ka
sa kanlungan ng iba.


-abrilata 

1
$ 0.45
$ 0.45 from @TheRandomRewarder
Sponsors of abrilata
empty
empty
empty
Avatar for abrilata
3 years ago

Comments