Pahinga

0 19
Avatar for abrilata
2 years ago

Ipinikit ko ang aking mga mata,

at nahimbing sa saliw ng banayad na musika,

at ako ay napunta,

sa dako kung saan nahihimlay ang mga ala-ala.


Marahil ala-ala ng nakaraan,

marahil ala-ala palang na nakaabang

lugar kung saan nagiging malaya

ang puso na umibig nang hindi nagkakasala.


sa panaginip na iyon

naramdaman ko ang pahinga.

sa mga bisig mo mahal

aking naala-ala


ang iyong mga haplos

at pag-ibig na ipinaramdam

kasama ka sa tahanan

na tayo lang ang nakakaalam.


mundo kung saan walang orasĀ 

na kailangang habulin

mundo kung saan

matatawag ko na ikaw ay saakin.


ikaw ang pahinga

at nais na hantungan

ikaw ang sa dulo

ang nais na mahagkan


ikaw ang pahinga

ikaw ang sandalan

ang pangarap

ang nais na makamtam


sa pagmulat ng mga mata

hindi batid kung naroon ka pa

kaya't sa sandaling pahinga

aalalahanin ko ang pakiramdam

na kasama ka.



3am : Tahimik na ang lahat at puso nalamang ang maingay




























0
$ 0.42
$ 0.42 from @TheRandomRewarder
Sponsors of abrilata
empty
empty
empty

Comments