Pag-ibig

0 9
Avatar for abrilata
3 years ago

Ang pag ibig ay isang sulo ng apoy
Na kapag ito'y tumama lahat ay aapoy.
Hindi lang puso ang gagana kundi utak at katawan.
at sa pag ibig kailangan mong magbigay at masaktan.

ang pag ibig kung minsan ay pagsasakripisyo.
Ibibigay mong lahat kahit walang matira sayo
Dahil ang pag ibig hindi makasarili kundi mapagbigay
Kahit piga kana'y ang lahat ay kaya mong ialay.

Dahil ang pag ibig ay isang regalo
Na maaring sakanya at maaring sayo.
kung bubuksan ang loob ay makikita mo
Na nilaan lang sayo ang nilalaman nito.

Sapagkat sa pag ibig walang pinipiling okasyon ang pagsasabi ng mahal kita.
Kundi dapat ay araw-araw ipakita mo'ng mahal mo sya
At siya ang dahilan ng pagising mo sa umaga
kailangan mo pari.'ng ngumiti malungkot man o masaya.

ang pag ibig ay binubuo ng malawak na pag iisip
At maluwag na pagtanggap.
Kung hindi para sayo ay dapat mong matanggap
Dahil ang pag ibig ay hindi namimimili ng mamahalin.
Kusang makakaramdam ka na dapat syang mahalin

Pagkat sa pag ibig walang pinipiling itsura
Dahil sa mata ng nagmamahal lahat ay maganda.
Sa pag ibig kailangan rin ang pagtanggap ng buo
at pagbibigay ng hindi lalabag sa puso.

Ang pag ibig ay hindi lamang para sa'yo o sakanya.
Kundi para sa mundo mo at para sa mundo niya.
Dahil ang pag-ibig kayang umikot sa kalawakan.
At kaya nitong baguhin lahat o sino man.

Ang pag ibig ay masarap maramdaman sa taong nagmamahal din sayo pabalik.
At tutumbasan ng matatamis na yakap at halik
Dahil ang pag ibig ay ang pinakamalakas na sandata sa mundo.
Ito rin ang kapangyarihang bubuo saiyong pagkatao.

Ang pag ibig ay parang musikang masarap pakinggan
Isang ala-alang masarap balikan
O lugar na dapat mong puntahan
at daan tungo sa walang hanggan.

Ang pag ibig kayang magpabago sayo
Ito nga ang bumuo at ito din ang wawasak saiyo.
Dahil ang pag ibig hindi natatapos sa masayang istorya.
Minsan ang hinahanap mo ay nasa ibang pahina.

Ang pag ibig ay sinlabot ng ulap na hinihigaan mo.
Pero ito nama'y sintalas ng patalim at kutsilyo.
Ang pag ibig oo masarap maramdaman.
Pero ito din ang pupunit sayo ng dahan-dahan

Dahil sa pag ibig hindi lahat magiging pabor sayo.
at tanging damdamin lang ang kalasag mo.
Dahil ang pag ibig ay hindi baril kundi palaso.
Na tanging seswertehin kung ito'y masalo.

1;am ang tunay na pag-ibig ay mahirap bigyan ng depinisyon.

1
$ 0.24
$ 0.24 from @TheRandomRewarder
Sponsors of abrilata
empty
empty
empty
Avatar for abrilata
3 years ago

Comments