Maghihintay

0 18
Avatar for abrilata
3 years ago

Hindi man ngayon,

hindi man bukas.

hindi man sa makalawa

hindi man panghabang buhay.

mananatili akong maniniwala at maghihintay.

sa iyong pagbabalik.

sa muli nating pagkikita.

sa iyong pag alis ang buong akin ay saiyo na ibinigay.

at alam kong malapit kana

sa dako kung saan ako naghihintay.

maghihintay ako sa pangako mo'ng ika'y magbabalik.

at sasalubungin ako ng matamis mong halik.

maghihintay ako sa iyo'ng pagkatok sa aking pintuan.

at sabay nating sasalubungin ang hangganan.

ang hangganan ng mga hapis hilahil at dusa.

hangganan ng sakit at luhaang mga mata.

hangganan at dulo ng mundong lugmok sa bangungot at kasamaan.

lunod sa impluwensya ng panandaliang kasiyahan.

Dulo ngunit sya ring simula ng paglinis ng aking sarili mula sa nakaraan.

kung saan totoo ang buhay na walang hanggan.

doon kung saan walang bangungot at walang mga halimaw na hahabol.

doon kung saan walang ibang tunog ng pagsamo at hagulgol.

Iyon ang tanging pangakong iyong binitawan.

ang nag iisang pangakong aking pinaniniwalaan.

dahil hindi man kita mahawakan,

hindi ka man makita ng mga mata.

nararamdaman ko ang iyong kapangyarihan.

nararamdaman kong nariyan ka.

nagmamasid at naghihintay ng pagkakataon kung saan ilalapat mo ang iyong mga paa.

sa lupa kung saan ang munting binhi mo'y ako at walang iba.

babasbasan ng iyong kamay ang makasalanang lupa

na isyang magiging libingan ng mga hangal na kaluluwa.

Alam kong ang paniniwala sayo ang tanging makapagliligtas saakin sa pagkabaon sa kasalanan.

Luluhod ako habang ibinibigkas ang iyong pangalan.

at sa pintuan kung saan hinihintay kita.

maging abo man ang katawan alam kong darating ka.

marami mang tinig ang humahadlang at humuhusga.

marami mang kamay ang pababang humihila.

hindi ako patatalo, hindi ako patitinag.

Dahil walang kapangyarihan ang dilim kumpara sa liwanag.

hanggang sa huling pag ihip ng hangin,

huling paghampas ng alon sa buhangin,

huling paglubok ng araw sa dapit hapon.

maghihintay ako

panghabang panahon.

(Huwag kang magmadali handa akong maghintay.

Kaluluwa man ay pang abutan.

alam kong sisingilin ako ng iyong mga kamay)

1am poetry: ako'y maghihintay

1
$ 0.15
$ 0.15 from @TheRandomRewarder
Sponsors of abrilata
empty
empty
empty
Avatar for abrilata
3 years ago

Comments