namumungay na ang aking mga mata dahil sa antok--sa mahabang oras ng pagbabasa
naramdaman ko ang marahang paggalaw ng aking lamesa
sa isip-isip ko'y nasagi lang ng aking paa.
Hanggang sa nagpatuloy ang pag-uga
kasabay ng malakas na pagyanig ng lulupa
kulang kulang isang minuto na ramdam ang lindol
alerto dahil marahil mayroon pa'ng pahabol.
Ang tahimik na gabi ay nabalot ng takot at kaba
ngunit uunahin ang kaligtasan ng pamilya.
ang mga nahihimbing kong kapatid ay ginising ng aking ama
at sinabing "bumaba muna".
Ramdam rin ng mga alagang aso
ang lakas ng lindol;
dahil hindi sila mapakali't
kahol ng kahol.
Binuksan ang social media
upang magbasa ng balita,
at nalaman na ang lindol
ay abot hanggang sa metro-manila.
Umulan ng paala-ala
mula sa mga kakilala
mag-iingat ang lahat
"manalangin sa Ama".
Na sana'y ang paglindol
ay walang iniwang malaking pinsala,
na sana't sa paglindol
walang buhay ang ginambala.
Na sana ang Lahat ay ligtas
at walang nasaktan
o walang pininsalang
kabuhayan ng ilan.
Ang lindol ay hindi nahuhulaan
kung kailan darating.
kaya't manatili tayong may alam
sa kung ano ang dapat na gawin.
at bago ako tuluyang mahimbing
panalangin ko sa Ama ay awa at kaligtasan
para sa pamilya
at sa bansang sinilangan
1am nakaramdam ng paglindol ang iba't ibang
lugar sa bayan.
mag-iingat po tayong lahat.
Naramdaman ko di ang lindol nakakatakot