Kung kailan hindi ko na kaya

0 11
Avatar for abrilata
3 years ago

I had this weird dream of a man and a woman and they both seemed so familiar. it's like I was watching a whole movie and it's heartbreaking

The scene was vivid and everything else was quite blurry. I think they were lovers I saw it on the way the man holds his flowers and when he was about to give it to the girl but then my dream suddenly shifted into a cemetery. that's weird and creepy but

the tomb has a flower that looks exactly like the one that the guy was holding.

when I woke up I decided to write a something but it's in Tagalog.

(I won't use any image because it will only ruin the passage 😂 and my gifs doesn't fit in as well)

so here it is.


Pinili kong lumakad sa puting buhangin na minsan na nating nilakarang dalawa, nag iisa't tinataw ang lahat sa mga dapit hapon na hindi kita kasama.

Hanggang pang abutan ng takip silim at itago ang sariling luha sa lilim ng punong mangga, Pinagmamasdan ang pareho nating pangalan na malapit nari'ng mabura.

hahayaan kong mabura ang inukit mong pangalan. Pero hindi ang ating alaala.


kalmado ang dagat,nanatiling maliwanag ang buwan;

Pero hindi nanatili ang repleksyon dahil sa patak ng ulan na tila isinasayaw ang imahe kasama ang mga piraso ng dahon.

nanatili itong kalmado pero hindi sa ibabaw ng alon.

Ramdam ko'ng unti-unti ang pagkirot sa aking lalamunan.

Tumingala ako upang ihanda ang mga mata pero ang pagbagsak ng mga luha ay hindi ko mapigilan.

Batid ko, na ang paglabo ng aking paningin ay hindi dahil sa luha.

Batid ko, na ang pagkulubot ng aking kamay ay hindi dahil sa lamig at ulan.

Dahil napagmasdan ko

Kung paano natuyo ang mga dahon

Sa aking pagtingala

ang isa isa nilang pagbitaw sa marurupok na sanga

at kung paano sila bumagsak ng dahan dahan.

at dahan dahan

Binawi ng panahon ang bawat alaala , unti unti narin akong naguguluhan.

Isang araw, sa pagbukas ng aking mga mata,

Wala na akong maintindihan.

ngunit ligaya ang dumalaw saakin nang makita kita sa aking harapan.

Lumakad ka palapit at hinaplos ang nakaukit nating pangalan.

Nanatili kang nakatayo't hawak ang paborito kong bulaklak

Masaya ako sa iyong pagbabalik.

Sabik ako sa muling pagsalubong nang mga yakap.

Sa muling pagpapaalala ng mga halik.

naintindihan ko ang lahat.

Pero hindi ang pagtulo ng iyong mga luha.

naintindihan ko ang lahat.

Pero hindi ang pagluhod mo sa aking harapan.

naintindihan ko , pero hindi ko maintindihan

Kung bakit inilapag mo ang mga bulaklak sa aking paanan

At paulit-ulit mong binibigkas ang patawad at paalam.

Hindi ako makahinga

Dahil wala nang paghinga.

hindi ako makaluha

Dahil wala nang mga luha.

Bakit nanatili ka

Kung kailan hindi ko na kaya.

E N D

My Analysis

  • They were lovers

  • The man left

  • The woman waited until she aged and die

  • The man returned

  • The flowers are for the woman's grave

  • The woman didn't know that she's dead already because she's still waiting for her lover's return

  • The man's heart have filled with regret

I'm still thinking about that dream
because that was the first time
I've ever dreamed of something 
so dramatic, 
eerie and painful.

1
$ 0.18
$ 0.18 from @TheRandomRewarder
Sponsors of abrilata
empty
empty
empty
Avatar for abrilata
3 years ago

Comments