Ikaw

0 19
Avatar for abrilata
3 years ago

Saang dako ko hahanapin

ang lubid na bibigkis sa atin?

Mula sa Mundong tinayo ng kamay nating dalawa

At binuo upang puso'y maging isa.

Saan ako hahanap ng pinakamatibay na pilak

o ginto na babalot sa ating pinagsamahan

Nang sa gayo'y abuhin man ang lahat

huwag lang ang ating pagmamahalan.

Saan ang mga tanong na sabay nating sasagutan,

at ang sagot lamang ay ang TAYO magpawalang hanggan.

Saan ang daang ating tatahakin mula sa ulap,

Na pinagtibay ng lagusang binuo ng pangarap.

Saan ang tubig na papatay sa nagaalab na apoy ng ating damdamin,

Na kailanma'y hinding hindi matatatangay maging ng hangin.

Saan ang kulay na ihahalo sa pinintang pag iibigan nating dalawa,

Na sining lamang ang tanging makapag didikta.

Marami ma'ng pag subok marami ma'ng babala,

Sisimulan ko nang itusok.

Ang tinasahang munting pana.

Handa akong lumaban

Gamit ang sandatang lakas ng kalooban

At kahit manghina nang paulit-ulit ay pilit akong tatayo.

Hilahin mang pareho ay wala paring makapaglalayo

Kahit na tumakbo nang milya sa iisang laro,

Wala paring lugar sa akin ang pagbabalat kayo.

Sinabayan man nang luha ang bawat taon at oras nang ating pagsasasama,

Sa huli ang pangako ay tayo paring dalawa.

At kung sa buhay man ay pagod kana,

Masaktan man ay papasanin parin kita

Handa akong isakripisyo ang lahat sayo lang walang iba.

Dahil hindi mawawala ang rason at salitang "dahil MAHAL KITA".

Ikaw ang pumuno at nagbigay-kasiyahan,

Na dati ay para bang dahon na bumabagsak ng dahan-dahan.

Ikaw ang dumilig sa pusong nilanta nang panahon,

At wala nang puwang pa ang sakit sa kahapon

Dahil ikaw ang humawak sa aking kamay.

At sabay tayong lumakad sa iisang tulay

Walang paghinto walang pagtigil,

Walang tumututol walang pumipigil

At alam ko mang nabibilang nalamang ang aking buhay sa mundo,

gagawa't gagawa ako ng paraan upang mapahaba ito.

Hindi ako bibitaw sa pagkakahawak sa kamay mo,

Mamahalin kita hanggang sa huling hininga ko.

At walang butil ng luhang lungkot kundi kasiyahan ang tutulo mula sa ating mga mata,

Dahil sa huling pagakakataon ay kasama kita.

At sabay tayong tatakbo kung saan sa dulo ay naghihintay.

Ang matiwasay at parehong panibagong buhay,

Masira man ang unang ipininta ay muling magkukulay

Dahil ikaw nalang natitirang rason kung ba't ako nabubuhay

alas dos imedya. itong tulang ito ay naisulat ko , pitong taon na ang nakakalipas
ngunit ang buong damdamin ay nanatili parin.

1
$ 0.18
$ 0.18 from @TheRandomRewarder
Sponsors of abrilata
empty
empty
empty
Avatar for abrilata
3 years ago

Comments