Bitaw na

2 13
Avatar for abrilata
2 years ago

Gustong gusto mo ipaglaban yung nararamdaman mo para sakanya. Ngunit ang tanong makikipaglaban din kaya sya?

Ayaw na ayaw mong pakawalan sya,

Ang tanong gusto ka ba nyang makasama?

Mahirap kapag yung pinapangarap mo ay pinapangarap din ng iba,

At yung pangarap mong kasama sya ay ang pangarap nyang makasama yung pinapangarap nya.

Mahirap kapag gusto mong yakapin sya ng mahigpit at iparamdam sakanyang importante sya.

Pero mas mahirap ang malaman na hindi ka importante sakanya.

Masaya sya kapag kasama ka.

Pero mas masaya sya kapag kasama yung iba

Paano kanalamang ba magiging matapang sa nararamdaman mo?

Kung siya mismo yung dahilan ng kahinaan mo.

Susuko kanalamang ba?

At hahayaan mo kung saan sya masaya?

O ipaglalaban mo yung nararamdaman mo;

Hanggang sa maging pareho ang nararamdaman nyong dalawa?

Gagawin mo ba para sa kanya?

O gagawin mo yung paniniwala mong magbago yung nararamdaman nya?

Paano kung ayaw mo syang pakawalan?

At masaya kang makita siya saiyong harapan.

Pero sya naman tong nasasaktan.

At pinagtitiisan kanalamang?

Pagsisiksikan mo pa ba kung ano yung gusto mo?

Papatunayan mo paba yung nararamdaman mo?

Pagpipilitan mo pa ba yung siya ay makasama ?

O bibitawan ang lahat para lang sakanya?

'Yan ang mahirap 'pag nagmamahal ka,

Minsan hindi palaging pabor saiyo.

Lalo't kailangan din nang pagsasakripisyo.

Pero panghabang buhay kanalamang bang magbibigay at magbubulag bulagan?

Papaano kanaman masusuklian ng parehong nararamdaman?

Hanggang kailan ka maghihintay

Kung yung hinihintay mo ay alam mong hindi na darating sayo?

Aalis kaba? at lilimutin ang lahat?

O paniniwalain mo nanaman ang sarili mo'ng may pagbabago?

Kapag alam mong imposible na

Kapag alam mong ayaw nya talaga

kapag alam mong wala na

at kapag sinabi niyang itigil mo na,

huminga ka ng malalim

sabay bitaw na.

..

2am. hindi basehan ng pagiging matapang
ang kakayahan na ipaglaban ang nararamdaman mo
dahil hindi lahat ng kaya mong ipaglaban ay
gusto na ipaglaban sya.
kaya't ang tunay na basehan ng pagmamahal
at pagiging matapang,ay ang kakayahan
ng pagtanggap at pagpapalaya

2
$ 0.59
$ 0.57 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @Zcharina22
Sponsors of abrilata
empty
empty
empty
Avatar for abrilata
2 years ago

Comments

Hello ako bibitaw nalang ako maging masaya kung saan siya masaya..

$ 0.00
2 years ago

selfless love :)

$ 0.00
2 years ago