"Inay inay bakit ang iyong kyutiks ay hindi pantay ?
Bakit nasa dulo lamang ng hintuturo?
bakit kulay asul?
Bakit hindi buo?
Bakit? Bakit inay?
Bakit hindi lahat ng iyong kuko ay may kulay? "
--
Kawawa naman si Juan dela Cruz na limitado lamang ang alam sa kanyang saring bayan.
mananatiling nagtatanong
At bulag sa katotohanan.
Kawawa naman si Juan dela cruz na lumalakad sa kalsada.
Punit punit ang damit at walang sapin sa paa.
Bata saan ka pupunta?
Ah-- alam ko na kundi sa eskwela.
Ang bag na may mukha ng lalaking nakangiti at nakaimprenta.
Ay nasa likuran at dala dala.
Higit sa paghahangad na may magandang bukas,
Inaabangan nya ang asawa ng babaeng nagbibigay ng tsinelas.
O di kaya ang babaeng ubod ng dunong.
O di kaya yung nang didisiplina
O kaya yung nakatali ang buhok na nakaputi
O kaya yung hindi katangkaran at kayumanggi.
Naghihintay na pag uwi sa tahanan hindi na sya magtataka.
Kung bakit may "KYUTIKS" pati ang Ama.
Si Juan dela Cruz na palaging nagtatanong.
Pero nananatili paring T*nga
Naghahangad sya ng Talino gaya ng mga nasa itaas.
Pero mas gugustuhin nya nalamang magbalat ng patatas.
Dahil ang PATATAS AY GINTO.
Ang kamatis ay GINTO
Ang sibuyas ay ginto.
Aba!! Maging ang patis GINTO!!
Masaya na sya sa Asin na nasa mesa.
Ang kawawang si Juan dela Cruz nangarap nang maging magsasaka.
Dahil baka sakaling Umani rin sya ng gintong palay.
At ang pula,puti, asul at dilaw ay maging kapantay.
Patuloy lamang sya sa matayog na paghahangad
Dahil ang pangangarap nalamang ang natitirang walang bayad.
Pero ang batang si juan,
May kinatatakutan.
Ayaw nyang magkasakit
At sa Ospital pang abutan.
Hindi sya natatakot na mahiga sa kwadradong kahon habang may barong na damit.
Kundi Natatakot sya sa patakarang
"BAYAD MUNA BAGO ADMIT".
Kawawa naman si juan dela cruz.
nasanay nalamang sa pagtitiis.
Natakot nang sumubok.
Natakot nari'ng mangarap.
Pero tapos na ang KAHAPON.
Ang kasalukuyang Juan dela cruz ay
Matapang.
kaya ng alamin ang tama at mali.
hindi na sya inosente sa mga bagay-bagay.
Marunong na syang magdesisyon
At higit sa lahat.
Si juan dela cruz ay hindi na puro katanungan.
Sya na ang nagbibigay ng solusyon
Matalino sya
Kaya si Juan dela Cruz?
Hindi nya lahat Iaasa sa kanyang Pinuno.
Magtatrabaho sya,
Magsisipag at tutulong sa pag unlad ng kanyang bansa
Dumaan sya sa parehong baku bako at tuwid na daan.
Magigi syang matalino
Para ang kanyang Juan dela Cruz jr
Ay maganda ang kinabukasan.
At----
at ang asul na likido ay naipatak rin sakanya't napunasan.
hindi pala kyutiks ang nasa dulo ng daliri.
Iyon pala ang tanda ng matalinong pagpili
malapit nang mag alas tres- ako'y iidlip na
ang tulang ito'y matagal ko na naisulat at ibinabahagi ko ito sa platapormang ito
dahil nalalapit nanaman ang halalan.