ala-ala na tanging ako nalamang ang nakakaala-ala

0 12
Avatar for abrilata
3 years ago

Mahal,

tuntunin mo ang imbakan ng aking nakaraan at ikonekta sa nalimot mo'ng kahapon.

Nalimot mo nga ba? O pinili mong kalimutan gaya ng sinindihan mo'ng apoy sa apat na sulok kung saan pareho tayong nakakulong.

Napalitan ng upos ang init na matagal nating pinagsaluhan.

Mas pinili mo'ng iwanan ako'ng ginaw sa piraso ng ating nakaraan.

nilabanan ko ang kirot sa pag aakalang lumaban karin,

sa pag-agaw sayo ng tadhana

palayo saakin .

Mali pala, wala namang humadlang

Yun pala,-yun pala hinayaan mo lang.

Habang tinutunton ang ala-ala ko'ng binasag ng isang kahibangan,

Pilit ko'ng pinutol ang pisi na nagtatali sa ating dalawa upang mahabi naman ang "AKO".

Dahil nakakapagod rin pala'ng pumulot ng basagang piraso.

Pero wala parin pala.

Puro nalang ako akala

Hindi ko na alam kung bubuhayin paba ang apoy o hihiling nalamang ako ng ambon,

Hindi ko na alam kung hahabulin ko ang panghabang panahon,

Wala parin pala,

hindi rin ako makakatakas kahit-

Kahit pa lingunin ko manlang ang pareho kong umiiyak na langit.

Mananatili nalang ako sa silid na ito kung saan lumisan ka,

Dahil narito ang lahat-lahat kung saan tayo nag umpisa.

At sana kung sakaling bumalik ka, sagipin mo ang aking katawan na nalunod na sa sariling luha.

Hindi kita hihilahin pabalik , ni hindi rin ako magmamakaawa.

Mahal,

isusugal ko ang aking ala-ala sa pagbabalik ng saiyo.

At kung hindi man palarin.

Magpapanggap muli ako.

Gaya ng pagpapanggap mo na hindi ako totoo.

Pakiusap,

Mahal , tuntunin mo ang imbakan ng aking nakaraan at ikonekta sa nalimot mong kahapon.

Hawak mo man ang tadhana,

Nasa akin naman ang panahon.

dahan-dahan kang lumakad sa bubog na mula sa akin,

Alam kong masakit, pero mahal,

Ang ala-ala ko ay ala-ala mo narin.

--

alas dos imedya -
ito and mga salita na nananatili sa aking kwaderno ng maraming taon
at ngayon ay hinahayaan nang lumaya.

1
$ 0.31
$ 0.31 from @TheRandomRewarder
Sponsors of abrilata
empty
empty
empty
Avatar for abrilata
3 years ago

Comments