Sunday ngayon at dapat nasa church kami kaso kagabi may update sila na pinasok na ng tubig kasi sa Laguna yun kaya ngayon maagang nagpunta ang iba doon para maglinis. Sinundo sila bunso at kuya ko dito kanina para tumulong dun, di na ako sumama kasi dami din namin lilinisin dito dahil basang-basa din kusina namin. Habang naglilinis sis ko, ako naman nagluto nag pansit para pag maglunch e nakaready na. Nagmamadali na rin kaming maglinis kasi dumilim kanina at eto naulan na ulit. Sana hindi na to tumagal o lumakas pa. Ingay ng sis ko. Daming pinapagalitan kasi nga kakatapos lang maglampaso ng sahig e puro agad footprints 🐾 😅. Naglagay sya ng basang basahan sa pintuan pero tinatalunan lang nila 😂😆
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Ramdam ko si sis mo. And di lang sa sahig ang footprints ng mga pusa dito, pato sofa at bintana meron din. Galing sa labas pasok sila sa may bintana, tapos tatalon sa may sofa🤣 kaya kapag maulan sarado bintana namin para di sila dun pumasok😅
Hahaha stay safe