Kahapon nagpunta kami ng Laguna at grabe ang putik. Yung mga tao busy pa sa paglilinis. Yung ilog naman maputik pa at mejo malakas pa ang agos - nakakatakot. Sa church namin kitang-kita sa pader kung gang saan kataas ang tubig dahil sa marka. Kinumusta namin ang lagay ng mga kaibigan naming nakatira sa looban. Sabi nila nung gabi daw abot dibdib na yung tubig pero dun sa pinakalooban pa malapit sa ilog ay lagpas tao na at nag-akyatan na sila sa bubong. Kwento pa nya maraming bata ang naiyak at nanginginig sa lamig. Maraming rescuer ang nadating pero nahihirapan dahil sa lakas ng agos ng tubig. Hindi talaga inasahan yung lakas ng ulan at maraming ilog, tulay at dike ang bumigay.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
3 comments
Keep safe everyone
Pinagunderestimate na naman kasi yung bagyo. Di nga ganun kalakas yung hangin pero grabe naman talaga yung ulan kasi. Yung tinakasan ni Paeng na si Queenie, kumusta naman kaya lakas neto.
.,nagpabaha din dito samin . . pero ang inabangan ko yun mga isda . . nakow 150php/kilo . . samantalang sa palengke 120,. 🙄